Pasko na pala bukas, ikalawang Pasko ko na dito sa Saudi, ikalawang Pasko na wala ako sa Pinas, ano nga ba ang ibig sabihin ng Pasko para sa isang muslim na katulad ko?
Ipinanganak at lumaki ako sa lugar kung saan nakakarami ang mga kristiyano, mula sa kapit bahay namin hanggang silid aralan napapalibutan ako ng mga kristiyano, ito ang Zamboanga City, isang lugar sa Mindanao na kung saan ay magkahalo ang moderno at sinalumang kultura, kaya naman masasabi ko na ako’y hindi isang tipikong tao, dala ko ang isang ugali ng isang makabagong Muslim na mahilig makisalamuha sa mga kaganapang nangyayari sa kapaligiran… mula pagkabata marami na akong naging kaibigang Kristiano, at halos lahat rin ng naging kasintahan ko ay mga Kristiano din, yung isa nga sa kanila ay umabot ng halos walong taong pakikipagrelasyon sa akin eh, meron din akong tinuturing na best friend na Kristiano, pero ganon pa man, hindi yun nangangahulugan na ako ay naniniwala na sa Pasko.
Para sa mga Kristiano ang pasko ay panahon ng pagbibigayan, pagmamahalan at higit sa lahat pagpapatawad sa lahat ng taong nagkasala sa iyo, ito ang panahon ng pagpapakita ng mabuting asal, pero ano nga ba talaga ang kahulugan ng Pasko sa akin? ang pasko para sa akin ay isang espesyal na araw na ipinagdiriwang sa tuwing sasapit ang ika dalawampot-limang araw ng buwan ng Desyembre, sa araw na ito ay ginugunita ng kapatid nating kristiyano ang araw ng kapanganakan kay Hesu Kristo na itinuturing nilang banal na Diyos, ito ang pinaka magandang panahon para simulan ang pagbabago, ang pagsasanay sa sarili upang maging isang mabuting tao, panahon ng pagpapakumbaba at pagaaruga, kung may tao kang nakaalitan ito na ang panahon para siya ay batiin mo, isang magandang simula sa lahat ng tao.
Ang Pasko para sa akin ay isang simpleng pyesta lamang, pero nirerespeto ko ang kahalagahan nito sa mga taong naniniwala rito, dahil tulad ng Ramadan, isang mahalagang okasyon rin ito sa kanila, sa panahong ito, napakaraming Sales at Bargains na binibenta kung saan-saan, kaya naman nauubus parati ang ipon ko, napakarami ring mga magagandang kaganapan sa paligid, tulad ng Konsyerto, Pagdiriwang, Paligsahan, at higit sa lahat mga pakulo at kung ano-ano pang pacontest ni Mayor o ni Kapitana, para siyang isang malaking pyesta na kung saan ang buong mundo ang kasali at nagdiriwang, kaya naman masasabi ko na talagang masaya ang lahat sa panahong ito.
Bilang isang dating mag-aaral, ito rin ang isa sa mga pinakahinihintay-hintay kong araw sa buhay ko bilang estudyante, dahil sa tuwing sasapit ang Desyembre, gustuhin mo man o hindi magkakaroon parin kayo ng tinawag na Christmas Party, at syempre kung may Christmas Party meron ring Exchange Gift o maskilala sa tawag na Monito-Monita, gustong gusto ko ang Christmas Party, dahil sa Monito-Monita, syempre sino ba naman ang taong ayaw makatangap ng regalo di ba? Naaalala ko pa ang isang pamangkin ko, nagreklamo dahil ang natanggap niyang regalo sa kanyang monita ay maliit na barko na nakalagay sa loob ng bote, nagrereklamo siya dahil sa lahat ba naman ng matatangap niya ay isang kagamitang pang display lang daw na di naman niya magagamit, samantalang ang iba daw ay mga damit, short pants, laruan, at kung ano-ano pang pupwedeng magamit ng isang batang katulad niya, naaalala ko rin noong grade 3 pa ako, ang biniling regalo ng nanay ko para sa aking monito ay isang panyong pambabae tapos ang nakuha ko namang regalo mula sa aking monita ay isa ring panyong pambabae (Toinks!!!!) yun talaga ang tinatawag na “What you give is what you get”, syempre ang pinaka high lights ng Christmas para sa lahat ng mag-aaral ay ang tinatawag na Christmas Vacations, tumatagal ito ng labin-limang araw ng pagpapahinga mula sa pagsusunog kilay sa tanghali tapat, yahoo ako na ang mahilig sa bakasyon.
Bilang isang manggagawa naman, pinakahinihintay ko naman ay ang 13 month pay at pamaskong bonus ng amo ko, dito talagang sinasamba ko na ang may-ari ng pinapasukan kong kumpanya, at masasabi ko sa kanya na siya na ang pinakamabait na matsing sa balat ng saging, dahil sa bonus at regalong matatangap mo galing sa kanya, syempre meron din kaming Christmas Party di ba, hindi na yan mawawala at tulad ng sinabi ko, kung may Christmas Party ay merong monito monita, at dito ang mga regalong matatangap mo galing sa iyong monito o monita ay talagang bongga, merong nagbibigay ng kotse, bahay at lupa, vacation package at kung ano ano pa, pero syempre joke ko lang po yun, eheheheh,, basta ang regalong matatangap mo ay hindi na bababa sa isang daang piso, oh di ba bongga ka sa banga.
Sa bahay naman, nagkakaroon din kami ng sarili naming monito monita, kaming magkakapatid, mga titas at pinsan, nakikisali rin ang aming mga kasambahay, pati nga nanay ko ay sumasali rin sa aming monito monita, naghahanda rin ng konting salo-salo ang ate ko, at bumibili naman ako ng konting paputok sa kili-kili dahil ginagawa namin ito sa bispiras ng bagong taon at hindi sa araw ng pasko, naalala ko pa noong minsan na nagkaroon kami ng monito monita ang nakuha kong pangalan ay pangalan ng ate ko at ang nakuha naman niyang pangalan ay pangalan ko, ehehehe.
Masaya ring dumalo sa mga bahay bahay ng mga taong nagdiriwang ng Noche Buena, daming pagkain at puro masasarap lahat, merong hamon, merong lechon, merong pork adobo, merong kaldereta at kare-kareng baboy, yahoo, ako na, ako na ang hindi makakain, ehehehe, bawal kasi sa mga Muslim ang kumain ng baboy di ba, kaya madalas doon lang ako sa kung ano ang pwede kong kainin, pero ok lang, busog naman ako sa manok at baka, sa mga cake at kung ano ano pang mga putaheng nakahanda.
Hilig ko rin ang magronda sa mga barabarangay tuwing pasko dahil sigurado akong meron silang mga programa sa labas simbahan nila, dahil sigurado pagkatapos ng simbang gabi ay maraming tao sa labas, at marami ring mga kakaning binibenta, hahahaha, mahilig kasi ako sa mga kakanin, tulad ng puto bungbong, puto maya, kutsina, cassava cake, biko, at higit sa lahat bibingka ni Rose anak ni Aling Ester, masarap ang bibingka ni Rose, may kakaiba itong lasa, at lahat ng kalalakihang nakatikim nito ay hindi siya nakakalimutan, maputi, mamasa-masa, malagkit at medyo malata ang kanyang bibingka, kapag kinain mo ang bibingka ni Rose sa likod ng kanilang tindahan, magkahalong pait, tamis at asim ang malalasahan mo, talagang mapapa “hmmmm” ka sa sarap habang kagat kagat mo ang iyong labi, ganyan ang sarap ng bibingka ni Rose… mahilig rin ako sa mga kakanin na hindi ko na alam ang mga pangalan, basta ba makita ko na mukhang masarap siya eh tinitikman ko na agad, kung ano anong putahe, kung ano anong klase ng pagkakaluto, kaya madalas eh bumibigat ang aking timbang sa panahon ng kapaskuhan.
Mahilig din akong mamasyal sa ibat-ibang lugar tuwing kapaskuhan, dahil sa mga ibat-ibang palamutiing nakasabit sa paligid, mga nagniningning na Christmas Light, mga naggagandahang parol at kung ano pang mga anek-anek, syempre hindi ko makakaligtaan ang magpakuha ng larawan sa Plaza, dahil siguradong meron ditong isang malaking Christmas Tree, at ang aming City Hall napapalibutan na ito ng ibat-ibang klase ng ilaw, may pula, puti, bughaw, berde, talagang mamamangha ka sa ganda ng iyong makikita, meron pang mga nagkakantahan at nagsasayawang mga tao sa taas ng entabladong nasa harap City Hall namin, hindi-hindi ka malulungkot kahit ikaw lang mag-isa ang pumunta doon sa plaza para manood.
Talagang napakasaya tuwing panahon ng kapaskohan, dahil hindi lamang ito panahon ng pagbibigayan at pagmamahalan kundi ito rin ay panahon ng pagsasaya, bilang isang mulism, madalas akong makisalamuha sa mga taong nagdiriwang nito, ganon pa man, kahit na anong mangyari hindi ko pa rin kinakalimutan ang aking responsibilidad sa aking relihiyon at limitasyon sa pakikisalamuha at pakikibagay sa ibang tao.
Sana po ngayong pasko tayo ay magkaroon ng ganap na kapayapaan at pagmamahalan.
Maraming salamat po sa inyong lahat at maligayang pasko big brother.
D”N
Ramadhan lang ang okasyon na sini-celebrate ko. :) Kahit b-day ko hindi rin. kahit nung nag aaral ak di me sumasama sa mga christmass party. ako na ang KJ...LOL
ReplyDeleteahahahha.... toinks.... ako naman mga kakanin ang habol ko dyan at monito monita....
ReplyDeleteMerry christmas and a happy new year. Its been a great year for all of us. Happy blogging =)
ReplyDeleteMerry Christmas!!!
ReplyDeletenatawa ako sa what you give is what you get. ewan ko ba kung bakit nga ganon ang mga pinoy mahilig magregalo ng panyo, pandisplay, pretzels, choco mallows kung bata ka --- mug naman pag matanda na hehe!
ReplyDeletenakakarelate lang dahil saudiboy din ako dati.
happy holidays!
merry Christmas PO :)
ReplyDelete