Sunday, December 11, 2011

Wala sa ayos....



Tae… hindi ako makapagsulat ng maayos…

Ehem… napapansin ko na medyo nawawala na ako sa sekulasyon ng mundo na aking nang natutunanng mahalin, ang mundo ng pagsusulat, ito ay marahil sa naaapektuhan na ang aking utak ng aking trabaho, TRABAHO? Baka batukan ako ni Akoni kapag nabasa niya ito… anong trabaho ba ang tinutukoy ko… eh sa wala naman akong ginawa buong araw kundi ang maupo sa harap ng desk ko at magbasa at bumisita sa mga blogs ng may blogs, ay ewan… basta nakakasawa at nakakapagod ang walang ginagawa, kaya to keep myself busy… (English po iyon), eh nagbabasa na lang ako o kaya naglalaro ng Angry Bird, pero nakakasawa na rin. Hayst.

Kausap ko kani-kanina lang si Akoni sa telepono, wala lang parang maiksing chikahan lang ng dalawang baklang nalilibugan, short conversation kung baga ng mga eklabus, may tinanong lang sa akin ang syokla, along the way (ehem… English na naman), habang nag-uusap kami, napagusapan namin ang mga blogger na sinusundan namin, at nasabi niyang nawawala na daw ang ibang humor bloggers na sinusundan namin… Oo ako rin.. napansin ko rin.. nawawala na sila… hmmm.. huwag ka nang maghanap ng pangalan.. dahil di ko rin naman babanggitin ang mga pangalan nila.

Hayst.

Kahapon ng gabi, isang oras at kalahati lang ang tulog ko, sobra akong inaatok, bumabalik na naman ang aking isomia… kaninang umaga naman sobra akong tinatamad pumasok sa opisina, kung pwede lang sana umabsent eh ginawa ko na, pero hindi pwede… hayst ulit.

Pagdating na pagdating ko dito sa office… agad kung binuksan ang computer ko, nagbasa-basa at sinubukan ko ring magsulat… kaso heto at limang oras na akong nakatunganga.. wala parin akong maisip… heto lang ang nakayanan ng mapurol kong utak… hayst.

Anyway… huwag na muna nating pilitin ang utak ko na ayaw gumana….


Hanggang dito na lang muna.


Salamat

D”N

10 comments:

  1. ang buhay nga naman parang life. kahit ano basta isulat mo.may mga nagbabasa di dahil sa sinusulat mo kundi dahil naging parte ka na ng buhay blog nila.kahit nga tumawa ka lang or umiyak ayos na yan.basta ikaw yon.

    ReplyDelete
  2. sulat lang kaibigan kahit ano pa yan parang si Akoni na puro laptrep yung tema.haha

    ReplyDelete
  3. kalukray ka baklush! Operation tumor bloggers tayo ngayon...ah humor pala...

    ReplyDelete
  4. need mo ng beans! bakit?! di ko din alam! hehe

    ReplyDelete
  5. di ka makapagsulat kasi tae ang nasa isip mo. pasensya at di kita nakilala sa twitter. hahaha

    ReplyDelete
  6. Ganyan talaga ang life, just like friendhip, Friends are like stars they come and go..:( gnon din sa mga bloggers, may dumarating may umaalis.. (sad mode)

    ReplyDelete
  7. delikado ito, mukhang may nantitimbog sa mga humor bloggers!

    ReplyDelete
  8. sang ayon ako sa sinabi ni mommy-razz.......may iba kasi na tinatamad na sa pag blog at sa totoong mundo na lang naka focus....ang mahalaga sa lahat ay nabubuhay ka na hindi umaasa sa kanila......

    ReplyDelete
  9. weee... minsan ganito din utak ko kala ko may maisusulat na ako yun pala wala.. ahehehe

    ReplyDelete
  10. haha ok lang lang ag importante may maipost hehehe

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...