Saturday, December 17, 2011

Liham



Alam mo ba ang pakiramdam ng akala mo “WALA NA” akala “OK NA ANG LAHAT” yun tipong “KAYA MO NG TUMALIKOD” at “PAGTUUNAN NG PANSIN ANG IBA” yun bang “MASASABI MO NANG WALA KA NG PAKIALAM” pero “BIGLANG NAGBAGO ANG LAHAT” ng makita mo ang kanyang “LUMANG LARAWAN” na kahit alam mong “TINAPON MO NA LAHAT” eh “MERON PA” palang “NAIWAN” sa mga gamit mo at “NABASA MO RIN” ang isang “LUMANG LIHAM” niya sa iyo, na sadya namang sa mga “ORAS” na iyon, hindi mo talaga “INAASAHAN”.

Meron lang akong hinahanap sa mga gamit ko, isang lumang pasaporte, nais ko sanang ma-scan lahat ng mga nakatatak doon na departures at arrivals stamp, para naman sa muling pag-aapply ko eh meron akong maipakita, wala lang, naisipan ko lang yun gawin, mukha kasing plus point yun kapag nakita ng employer na marami na akong bansang napuntahan, sa aking paghahanap, di ko inaasahan na matagpuan ang isang lumang liham ni “She Who Must not be named” sa akin, naisauli ko na kasi lahat ng mga liham niya sa akin, at ang mga larawan naman niya ay wala na rin akong naitago kahit isa, pero nagkamali pala ako, dahil meron pa palang nakatago sa aking lumang pasaporte.

Naalala ko pa ito, tinago ko ito sa aking lumang pasaporte at parati ko itong binabasa sa tuwing nangungulila ako sa kanya noong mga panahong nasa Malaysia ako, kalakip ng liham na ito ay ang isang larawan niya na kusa niyang ibinigay sa akin, nasa loob ito ng aking organizer kaya hindi ko ito naisama ng isauli ko sa bahay nila ang mga liham niya sa akin.

Napangiti ako kahit papano ng matagpuan ko ang kanyang liham, dahil hindi ko talaga inaasahan na meron pa palang natira sa mga ibinigay niya sa akin noon, mababaw lang talaga ang kaligayahan ko, makakita lang ako ng sunset ay nag-uumapaw na ang tuwa sa dibdib ko, ano pa kaya ang malaman mo na meron ka pa palang natirang memorabilia mula sa mapait na kahapon di ba?

Agad ko itong binuksan upang basahin muli, habang pinapadaanan ko ng basa ang bawat letrang kanyang isinulat, binabaybay naman ng aking diwa ang aming nakaraan, naghihintay ako sa kanya sa labas ng aming campus noon, dahil kakatapos lang ng aming klase, nasa labas ako ng campus nakatayo mismo sa tabi ng tarangkahan habang kausap ang guwardya na nagbabantay sa harap ng aming paaralan, nakita ko naman bumaba mula sa trycicle ang aking ate at pumasok sa tindahang malapit sa aming paaralan, kaya naman pinuntahan ko ito at inusisa kung ano ang ginagawa niya doon, may bibilhin lang daw siya sa tindahan na iyon kaya siya bumaba, agad niya rin akong binati sa aking kaarawan at tinanong kung ano ang binigay sa akin ni “She Who must not be named” sabi ko isang sulat ng pagbati, napangiti siya at nagtanong kung pwede ba daw niyang mabasa ito, dahil sa hindi ako naglilihim sa mga magulang at kapatid ko, pinabasa ko naman sa kanya ang sulat, napapangiti si ate habang binabasa niya ang sulat ni “She who must not be named”.

Isa lamang ito sa mga sandali ng aking buhay na mahirap kalimutan, kahit papaano sa kabila ng sakit na dinanas ko sa pakikipaghiwalay niya sa akin naging masaya rin ako sa piling niya, at wala pa akong natatagpuang magpapaligaya sa akin tulad ng giwana niya noong kami pang dalawa, pagkatapos kong basahin ang sulat at pagmasdan ang kanyang larawan, nasabi ko sa sarili ko na wala na pala ang sakit sa puso ko, isa na lamang pala itong mapait na nakaraan na ayaw kong kalimutan dahil alam kong marami pa akong matututunan mula rito, nasabi ko sa sarili ko na matagal na pala akong naka moved on, tinupi ko ang sulat at pinasok sa loob ng maliit na sobre kasabay ng larawan niya, hinawakan ko ito at nag-isip kung ano ang gagawin ko sa sulat, gusto ko sanang itapon dahil alam kong wala na itong silbi, pero nagpasya akong itago na lang ito muli kung saan siya nakalagay, dahil alam ko na balang araw ay magkikita pa rin kami, dahil kailangan niyang malaman na hindi na ako galit sa kanya at gusto kong mapanatag na ang kanyang kalooban, at bilang patunay, gusto kong ibigay sa kanya ang sulat na iyon para malaman niyang kahit papaano’y pinapahalagahan ko parin ang aming nakaraan.


Salamat sa pag babasa



D”N



3 comments:

  1. kung ito ang magpapasaya sayo why not?.nangangahulugan lang na hindi ka niya nasaktan ng siya'y nawala.Kasi iba ang mangyayari pag may ginawang krimen ang isang taong minahal mo. madali itong maglahong parang bola

    ReplyDelete
  2. aayyy.. di mo cguro siya maalis sa buhay mo ng gnun gnun na laman kasi naging part siya ng buhay mo, hnd lang nging gf kasi Alam na, dba..

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...