Tuesday, December 13, 2011

Over and Over!


Hindi naman ako katalinuhang nilalang… pero definitely hindi ako bobo, tulad mo marami akong kayang gawin na hindi nila kayang gawin, at tulad nila marami rin silang kayang gawin na hindi ko kayang gawin, kaya patas lang, pero hindi nangangahulugan na ako ay isang ng bobo, marunong ako sa Mahika, sa katunayan, nakapagtanghal na kami sa entablado noon, nakakapagsulat rin ako ng mga kwento at sa loobin kahit papaano, may alam rin ako sa pag-guhit at pagpinta ng larawan, mga simple at hindi masyadong kumplikadong larawan lang naman, higit sa lahat marunong akong magprito ng isda at magsaing ng bigas, kaya hindi mo masasabi na wala akong talento.

Sa paaralan naman, hindi ako bumabagsak sa mga subjects ko, maayos naman akong nakapagtapos ng System Programming sa AMA, nakakaintindi ng mga basic source code ng mga simpleng programming language at script, kaya kong gumawa ng simpleng website at simpleng programming system, may alam ako sa mga graphics design kahit papaano, nakapagdesign na rin ako ng sarili kong bahay sa AutoCAD, oh asan ka pa, bobo na ba ako sa ganon?

May common sense din ako, yung tipong hindi mo na ako dapat sabihan sa mga basic flow ng isang bagay, yung mga common thing na ginagamit natin o ginagawa araw-araw, halimbawa na lang dito sa office, halos dalawang taon na akong nagtatrabaho dito, kaya for sure naman kahit papaano eh alam ko na ang mga dapat kong gawin di ba? Hindi mo na ako kailangan tanungi at pagsabihan, kasi syempre trabaho ko ito, kaya alam ko ang dapat kung gawin, total kung hindi ko naman kaya, eh nakikita naman nilang ako mismo ang nagkukusang nagtatanong sa kanila.

Itago na lang natin siya sa pangalang Eng. Bandar, isang Arabong Ihinyero, mabait naman siya kung sa mabait, makulit at higit sa lahat, very approachable, pero may isa siyang ugali na sadyang kinaiinisan ko, ito ay ang pagiging makakalimutin, sobra akong naiinis sa kanya, sa tuwing tatawag siya sa akin sa telepono, ang parating sinasabi niya, “Hello ya Adelfo” toinks,…. Adelfo hah!!! Hindi naman Adelfo ang pangalan ko, Al Diwallay, ang layo no? pero hanggang ngayon ang tawag parin niya sa akin ay Adelfo, Adelfo kasi ang pangalan ng dating nilang Admin Assistant dito eh, pero wala na yun dito, ako na ang pumalit sa pwesto niya, pero hanggang ngayon di parin maka get over ang lolo niyo sa pagkawala ni Adelfo.

Ikalawa sa tuwing uutusan ako, halimbawa pumunta ng Traveling Depertment, General Service o kaya sa Cad Office, mga ibang departamento dito sa aming office, eh tatanungin niya ako kung alam ko ba daw kung saan ang mga office na ito, “Ya Adelfo, you know Abdullah AlSkait?”, “Yes Sir! I know him”, “He is GS (General Service)”, “Yes Sir, I know him, and his Office is in Admin Building”, “ GS! You know who is our GS?”, “Yes Sir, Abdullah AlSkait”…. Parang hindi siya makapaniwala, na alam ko ang GS namin, at alam ko ang opisina niya, sa tuwing uutusan ako, tatanungin ako kung kilala ko ba daw si “AlSkait from GS”.. at kung sasabihin ko na “Uu alam ko”, parang nagdududa.

Almost every day lang naman ako, pumupunta sa mga taong ito para maghatid ng mga dokumento sa kanila, sa CAD Office si Nino ang focal namin doon, sa GS si Abdullah AlSkait, sa Travelling Agency eh isang Sudanese Guy naman ang contact namin, sa IT marami kaming tao doon na pwedeng malapitan, andyan si Bin Baz isang arabo, Najeeb isang indiano, Abdullah isa ring indiano, pero kung kailangan mo ng mga approval si Mr. Zami ang dapat mong kausapin, sa loob ng halos dalawang taong pananatili ko sa kumpanyang ito, eh natural kilala ko na siguro ang kung sino ang tamang tao na dapat kong kausapin sa mga bagay-bagay na nangyayari sa opisina namin no? hindi mo na ako kailangan pang pagdudahan, pero si Eng. Bandar, over and over again, eh tinatanong ako kung kilala ko ba daw si tapulano at si tapulana….

Kung sa araw-araw na ginawa ng dyos sa opisina eh tinatanong ka kung alam mo bang gawin ang mga bagay-bagay na araw-araw mo naman ginagawa, ano ang mararamdaman mo, kanina hindi na ako nakapagpigil pa, nang tanungin niya ako muli kung kilala ko ba daw si Abdillah AlSkait na yan, kasi meron daw siyang ipapabigay na mga dokumento, eh pinagsabihan ko na siya, “Sir! I hope you won’t get mad at me, but I think we have to clear out some things here, you don’t have to ask me, if I know these persons, and if I say yes you seems to be shocked, I have been working here in this company now for quite sometimes, and I’ve been to theses persons for many times now, for sure I already know their office and the kind of Jobs they’ve got” na shock ang lolo niyo sa sinabi ko sa kanya, hindi siguro ito makapaniwala na marunong akong magsalita ng English, tapos pagsasabihan ko pa siya, “and also Sir, please bear in mind (naks bear in mind talaga), I am Al Diwallay and not Adelfo, the next time you will call me Adelfo, even it is a matter of life and death I will not answer your needs” at nagulat na naman siya ulit.

Nagpaliwanag siya sa akin, kasi nga raw gusto daw niyang makasigurado na mapupunta ang dokumento sa tamang tao, ayaw daw niyang mawala ito at baka maging hindrance pa ito sa aking performance dito sa office, pero sinabihan ko siya na “Do you think Sir I don’t know my job? The way you treat me is like I am a dumb, a brainless and useless person, I am not like that.” At nagsorry naman siya, at syempre ako naman ay mababaw lang ang kaligayahan, kaya sinabihan ko na lang siyang “I’ts ok”, tumalikod na ako at hinatid ng personal ang dokumento na gusto niyang ipabigay.


Hayst.


Salamat,.



D”N


6 comments:

  1. Sigi ibuhos mo lahat yang sama ng loob.One big hug Al.Pag pasinsiyahan mo na si tatay umuulianan na.wait tama ba yong salitang yan basta may alam akong ganon.

    Ganon talaga sila dito di makapaniwala na ang pinoy may utak din.Nasanay na kasi sila sa ibang wala or umaakting na wala para di mautusan.

    ReplyDelete
  2. Hahahahaha...malaki ang problema mo dyan parekoy..LOL..palit tayo, gusto mo?? LOL..buti nlng wlng gnyan dito sa puwesto ko..hehe..Ang talino ko kung itrato nila ako...

    ReplyDelete
  3. napadaan lang ako, ang galing mo naman magsulat.

    buti nalang di na ako nagtratrabaho nakarelate ako dito

    http://momdaughterstyle.blogspot.com/

    ReplyDelete
  4. ang taray naman! haha! cnu ba si Adelfo? baka kamukha mo.. joke

    ReplyDelete
  5. Mommy Raz... si Adelfo.. best Friend ni Akoni po...

    Acre... uu merun uliyanin na words...

    @mom Daughter Style.. thanks sa pag daan.. dadaanan kita mamaya..

    @Akoni.. sent mos a kin logo mo.. para may basihan ako mamaya sabahay...

    ReplyDelete
  6. huwow! adelfo vs. al diwalay - al won! Eng. Bandar vs al diwalay - al won! knockout! hahaha.. its you already! hehe

    GAnyan talaga, paulit-ulit, kasi nga makulit-kulit :) ano daw! nanggugulo lang ako dito.. pero in all fairness tumbling ako sa english mo! head spin!

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...