Noong nagtrabaho pa ako sa Sitel Philippines bilang Call Center Representative ng Toshiba Technical Support Team, ang pagrereformat na ng laptop ang madalas kong gawin, hindi na siguro bababa sa limang laptop ang narereformat ako gabi-gabi, pero hindi ko ito ginagawa ng personal, kundi nagbibigay lamang ako ng instruksiyon sa mga Amerkanong tumatawag sa amin.
[Spoiler]
Hindi porke’t Amerikano siya ay matalino na, marami rin sa kanila ang hindi marunong at may kulang sa kaalaman lalo na sa aspetong pang teknolohiya, tulad ng kumpyuter, madalas ang isang simple problema sa kumpyuter ay isinasangguni agad nila sa Technical Hotline Toshiba, biruan nga ng mga Call Center Agents, kung halimbawa magtatayo ka ng kumpanya mo sa Amerika, siguraduhin mong may Technical Hotline ang iyong kumpanya o maskilala sa tawag na 1-800-Toll-Free, dahil kung walang makitang ganyan ang mga Amerikano mong mamimili, siguradong hindi nila tatangkilikin ang iyong produkto, nakadepende kasi sila sa mga Technical Agent at Warranty, kasi tamad silang magbasa ng handbook at manual ng isang gadgets.
May mga pagkakataon na ang itinatawag lang sa nila sa amin ay ang paghahang ng Laptop nila, itatawag agad nila sa amin ito dahil may nakita silang mensahe na “Internet Explorer is not responding”, ayan na, o kaya, hinahanap nila sa kanilang laptop ang “Start Button”, mga ganong simpleng bagay na dapat sana ay alam na nila eh tinatawag pa nila.
Pero syempre kahit na gaano pa ka kumplikado ang problema o kasimple ito, dapat parin namin sila tulungan, dahil ito ang aming trabaho, isa nga sa mga problema na kanilang isinasangguni sa amin ay ang “Pagkokonek ng Wifi sa Internet”, ito na ang pinaka mahirap na trabaho na magagawa mo para sa customer/user ng Toshiba Laptop, pero ayos lang, sagad naman kami sa mga training dyan, at para sa akin, malaking advantage ko sa mga ganyang bagay, dahil sa bukod sa may alam na ako ng konti sa kompyuter ay nakapagtrabaho rin ako bilang Call Center Agent ng isang kilalang router company para sa kanilang Technical Support Team, kaya naman hindi na ako nahihirapan masyado.
Ganun pa man kahit na ano pang bagay ang itinawag nila para ipaayos sa iyo, wala ka paring ibang gagawin kundi ang magbigay lang sa kanila ng impormasyon kung papaano mo ito gagawin, sila mismo dapat ang gagawa nun habang kausap ka nila sa telepono, sasabihin mo lang sa kanila lahat ng kailangan nilang malaman para maayos nila ang problema ng kanilang kompyuter.
[Yehey]
Kagabi, unang beses akong aktuwal na nag-reformat ng laptop, di ko pa kasi ito nagagawa mula noon hanggang kagabi, at aaminin ko, wala akong kaalam alam kung ano ang una kong gagawin, kahit na madalas ko na itong gawin noong nasa call center pa ako, nahirapan parin ako, paano naman kasi, magka-iba pala talaga kapag ikaw na mismo ang gagawa kesa sa magbibigay ka lang ng alituntunin sa taong tumatawag sa iyo, yahoo ako, aaminin ko, nahirapan ako, dahil talagang di ko alam kung saan ako magsisimula.
Ang nangyrai kasi, simula ng lumipat ako ng tirahan, di ako makakonek sa Wifi ng bahay na nilipatan ko, pero silang lahat ay konetekted liban sa akin, pero nakakakonek naman ako sa kapit bahay namin at sa aking sariling router, pero sa kanilang router ay hirap akong makakonek, ang parating lumalabas sa Wifi bar sa left-bottom-side ng aking laptop ay “Limited Access” halos tatlong gabi na akong ganito, kaya naman napilitan na akong ireformat na ang aking laptop kasi paexpire na rin ang aking Internet Connections, kaya dapat ay bilisan na, dahil baka kapag naputulan na ako eh hindi ko na mapapanood ang Pinoy Big Brother.
Buti na lang at may konti tayong alam sa pagbubutingting at pagkalikot ng kulangot, kung hindi eh naku, baka ipinaayos ko na ito sa Computer Technicians, ang mahal pa naman ng bayad ng pagpapaayos dito sa Saudi.
Salamat sa pagbabasa.
D”N
marunong ka pla mag-reformat, magaling!
ReplyDeleteButi naman hindi mo sila minumura off air. Ewan ko ba Al, ang daming magaling sa kanila sa inventions pero tama ka, mahilig silang umasa sa mga customer service. Meron pa yung mahirap i-handle, pero marami din mabait.
ReplyDeleteGanyan ang nature ng company namin Al, more on computers and technical things, infairness, ang dami ko na din natutunan dito sa mga Doctors ng computers dito.
Buti naman gumana laptop mo, naranasan mo na gaano kahirap yung pinapagawa mo sa mga taong tumawag sayo. hahahaha!
Sey.. kung namura lang... napakarami ko nang namurang customer.. ehehehehe.... marami na akong sinigawan at binagsakan.... at marami na akong na suspended ng supt ko... ehehehehe,,,,
ReplyDeleteSi Sey lang talaga ang nereplyan, hmp.. (hurting)
ReplyDelete-mommyRazz
ahahah.. nagreply po ako.. sa iyo.. sabi ko po kahapon... thanks Mommy sa pag Comment... di ata nag post... mahina kasi net ko kagabi... hala.. sorry po....
ReplyDeletenakakatakot kapag sarili mong computer ang papakilaman moh... pero kung pc ng mga tangang kano, ok lang... kung masira, wala tayong care! ahahaha...
ReplyDeleteno comment ako sa colcen experience moh... same here! lol
Rap.. ako naman... masnatatakot ako kapag laptop ng ibang tao ang nasira ko.. baka pabayaran sa akin... ehehehe.
ReplyDelete