Una sa lahat nais kong sabihing PAKSYET ka AKONI, muntik na akong mahuli ni Mr. Abdulmajeed Alkhamis sa pagguhit ng mukha mong kay panget…at sa pagbibilang kung ilang ngipin meron ka sa harap... hayst.. kung hindi lang sa nalalapit mong blogsary hindi ko itataya ang maliit kong bayag (meron ba ako nun?) para iguhit ang mukha mong parang itlog ni Piolo Pascual, pero syempre… dahil sa blogsary mo at hiniling mo naman na gawan ka ng masahe este mensahe pala.. eh syempre matitiis ba naman kita… alam ko naman na may utang pa ako sa iyo na isang post.. yung Birthday mo… di kita nagawan ng kung anong kaek-ekan sa Adobe Photoshop… tinatamad din kasi ako noong mga panohong iyon eh… saka sira din ang Adobe Photoshop ko sa opis, kaya kahit gustuhin ko man di rin kita magagawan… sa bahay naman… eh masgusto ko pang manood na lang ng porno kesa ang gumawa ng kung ano-anong anek-anek sa kompyuter ko…. hayst…
Pero symepre sa pagkakataong ito.. di ko ito palalampasin… at para makabawi narin sa pagkakautang ko sa iyo… and since wala akong adobe sa opis tulad nga ng sinabi ko…. Eh ipinagguhit na lang kita ng kare-kare eh I mean caricature, kahit na alam kong hindi ako marunong… ehehehehe….pero pinilit ko pa rin… para lang sa iyo… Wala ako idea sa katawagan na yan not until I heard it from Big Brother (naks… english po iyon….), inutusan niya kasi si Erica na gumawa ng caricature ng mga housemate ng Team Wayuk eh at si Deivine naman ang gumagawa para sa Team High Voltage… doon ko lang narinig ang termino na iyan, pero ganon pa man… kay Anthony Andres naman ako unang nainspired na gumawa ng caricature… astig din kasi ang batang iyon.. ang galing talaga niya… anyway… ano nga ba ang Caricature?
Ayon kay wikiki..
Caricature:
A caricature is a portrait that exaggerates or distorts the essence of a person, animal or object to create an easily identifiable visual likeness. In literature, a caricature is a description of a person using exaggeration of some characteristics and oversimplification of others.
Caricatures can be insulting or complimentary and can serve a political purpose or be drawn solely for entertainment. Caricatures of politicians are commonly used in editorial cartoons, while caricatures of movie stars are often found in entertainment magazines.
Ayun naman sa MS Word.. ang other thesaurus term for caricature is Sketching, Drawing, Picture at Skit… Ahhh yun pala ang caricature… ehehehe… ay ewan…mapa lang naman ako eh…as in mapahaba ko lang ang post ko…ehehehe kahit ano pa ang gusto mong itawag dyan… basta para sa akin… drawing yan.. drawing… drawing.. in tagalong guhit ehehehhe… anyway… ano nga ba ang masasabi ko kay Akoni? Hmmm… teka… mahigit isang taon na pala tayo magkakilala no? at mahigit isang taon mo na pala akong inookray…ikaw akoni hah…akala mo hindi ako nakakahalata… ehehehehe… si AKONI!!!! magaling yan magsulat.. kaya niyang magsulat mula sa unang letra ng alphabet hanggang sa huling titik nito… kaya rin niyang magsulat ng mga numero, minsan nga gumagawa pa siya ng sarili niyang letra na kung saan siya lang ang nakakaalam kung anong letra iyon… magaling din siyang magblog hindi nga lang halata… dahil sa puro kapilyuhan ang mababasa mo sa mga sinusulat niya… may mga sinulat din siya na naging paborito ko rin.. yun ay ang Dear Diary niya at Babae, nais niyang makagawa ng aklat… gusto niya kasing maisalibro ang kanyang obra na “Kapitan Sinu”.. kaso ninakaw ni Bob Ong ang obra na iyon, isinumite sa publisher na Visual Print at inangkin na siya ang nagsulat.. kaya napilitan si Akoni na magsulat ulit ng bago, yun na ang “Kapitan Bola”, Kapitan parin ang ginamit niya… para pareho daw ng rangko ni Kapitan Sinu… ehehehhe… naging super mega hit yan sa mga fwens niya dito sa Saudi at sa Amerika… ayaw ko kay Kapitan Bola kasi inaagawan niya ako kay Liwanag… paborito ko kasi si Liwanag eh.. kada labas ng serye na iyan sa aming Outlook eh inaabangan ko ang paglipad ni Liwanag… baka sakaling masilipan ko ng panty… Uu Outlook.. as in MS Outlook… sa MS Outlook niya unang pinublish yan bago niya dinala sa blog world.
Speaking of Blog World… alam niyo ba na ako ang nagsign up ng blog para kay Akoni, nalaman ko kasi na meron siyang librong “Kapitan Sinu” dahil sa curious (naks curious oh!!!) ako kung anong klasing libro yun, nanghiram ako sa kanya… sabi niya sa akin… “Ok pahiramin kita, pero may kapalit”… kinabahan naman ako sa sinabi niya… syempre hindi kami talo sister… ehehehehe… pero buti na lang ng malaman ko kung ano ang kapalit ng paghiram ko ng libro niya nakahinga na ako ng malalim … pahihiramin lang daw niya ako kung mangangako ako na di pwedeng mapako na tulungan ko daw siyang makagawa ng sarili niyang Blog. Ayos… walang problema… kahit sampung blog pa yan akoni… basta pahiramin mo lang ako ng “Kapitan Sinu”… ako na ang bahala sa paggawa ng blog mo….
Actually ako ang kanyang unang followers sa kanyang blog… makalipas ang ilang linggo.. nang bumisita ako sa blog niya… meron na siyang ibang followers... yun ay sina Kamil, Iyakhin, Kiko at marami pa… syempre natuwa naman ako kasi mukhang masaya siya sa kanyang ginagawa. At heto nga… nagulat ako… nalalapit na pala ang kanyang unang Blogsary…. Kaya naman… hindi ko palalampasin ang pagkakataon na ako ang unang makabati sa kanya ng HAPPY 1st BLOGSARY sa iyo AKONI naway marami pa kaming mga kapilyuhang mababasa galing sa guni-guni mong ligaw at giniling na utak…
Trivia… alam niyo ba kung ano ang apilyido ni AKONI? Ehehehehhe
Sagot: MATATA…. AKONI MATATA (Means no worry)
Salamat sa pagbabasa...
D"N
Wow...Naghihinala na ako sayo Al, idol mo ba si Piolo Pascual at Eric Santos?? I feel awkward tuloy..Maraming salamat nalang sayo..taena, iba pala ang feelings kapag kapwa lalake ka magpapasalamat..LOL I feel so gay!!
ReplyDeleteFor now wala pa akong maisip na sasabihin sayo, kundi maraming salamat!
Lintek lang ang walang ganti.
may talent hehehe...close kau?hahaha
ReplyDeletekau na..heheh piz..
happ blogsary akoni...
galing Al. kuhang kuha akoni matata.
ReplyDeleteARTISSSSSTTT!!! ka pala AL!! DI KO ALAM YUN!
ReplyDeletewow.. ang galing naman.. alam mo mag blog anniv din ako sa january. well.. well.. hindi ikaw ang gumawa ng blog ko pero isa ka mga unang nag comment sa blog ko at ilan sa mga unang followers ko. wala lang sinasabi ko lang gusto ko din nyan. diretsahan na to.. haha..
ReplyDeletedi ko alam magkakilala pala kayo ni akoni in real life. Alam nyang favorite ko sya. bentang benta lagi sa akin ang mga guni-guni nya.
THanks in advance Al sa gift mo din sa akin blogsary ko.. ahehe..
Very talented ka pala ah? :)
nakita ko yung tribute mo ke akoni at sa totoo lang e napahanga ako, at sa tingin ko rin, ngiting abot langit si akoni hanggang ngayon dahil sa ginawa mo :)
ReplyDeleteNaku, Al and Akoni...kayo na!!!
ReplyDeletesorry sa late comment kuya al! as ive told you, mumo-mobile ang bahaghari! lol! natatawa parin ako sa kwentong Mr. Abdulmajeed. Iba ka! at infairness ampogi ni akoni! yihee! padrawing din! lol! happy birthday akonilandia!
ReplyDeletehusay nio pala sir mag-guhit ng larawan.
ReplyDeleteAt napanood mo pala ang pbb episode ng caricature! hehehe,. :D
Kaya pala grabe kayong magmahalan dahil matagal na ang inyong pinagsamahan. Napansin mo din pala na palagi kang inookray ni Akoni - hahaha! Pag inokray ka pa niya ulit, baguhin mo password niya. Gaganti pa daw siya eh! Lagot ka! Isip ka na agad ng counter attack ah.
ReplyDeleteHappy anniversary kay Akoni. Ang galing naman ng regalo mo at ng talent mo. Ako nga kahit ngipin lang hirap na hirap i-drawing. MORE!!!
hindi lang sa pag magic kundi magaling ka rin pala mag drawing.....
ReplyDeleteah ito pala un, natawa ako sa kwento mo al.. hehe! ang kyut naman ng gawa mo, opkors kyut kc model mo eh..
ReplyDeletenice aldo!!! gawa mo din ako hehehe...happy nw year :))
ReplyDelete