Tatlong araw ng tahimik ang mundo namin sa Villa, wala na kasi ang mga dating kasama namin, dahil lumipat na sila, mga dalawang buwan na sa ngayon ng sabihan kaming maghanap na ng malilipatan, hindi namin alam ang totoong dahilan ng may ari ng kumpanyang pinapasukan namin, basta bigla na lang kami pinaabisuhan sa Indianong care taker ng villa na dapat na daw kaming maghanap ng bahay na malilipatan dahil leave-out na daw kami, bibigyan kami ng accomudation at transportation allowance, wala daw magiging problema, aayusin lang daw nila kung magkano ang magiging budget doon para ibibigay na sa amin ang pera, at nitong lingo ngang ito ay ibinigay na sa amin ang nasabing allowance, kaya naman, naging abala ang lolo niyo sa paghahanap ng malilipatan, madaling nakahanap ang mga kasama ko, marami rin kasi silang mga kakilala na narito sa kingdom upang magtrabaho, ako naman wala ring problema, marami ring gustong umampon sa akin, ang kaso nga lang, sa dami nila, hindi ko na alam kung sino ang lalapitan ko.
Noong sabado ng gabi, lumipat na ng bahay ang ilan sa mga kasamahan ko sa trabaho, tatlong kwarto ang mga pinoy sa aming Villa, at yung dalawang kwarto ay lumipat agad, pero sa kwarto namin ay hindi pa nakakalipat, hinihintay ko rin kasi ang dalawa kong kasama ko saan sila lilipat para naman hindi nila masabi na wala akong pakialam sa kanila, syempre kakwarto ko yun, kaya naman kahit paaano, dadamayan ko sila, pero anytime na this week ang alis namin.
Anyway, ng umalis ang mga kasamahan namin, doon ko naramdaman ang kalungkutan, for the fisrt time in my life here in Saudi, nakaramdam ako ng lungkot, kasi magkakalayo na kami ng mga kasamahan ko, kahit papaano naman kasi, halos dalwang taon ko rin silang nakasama at nakakulitan, wala akong problema sa kanila, kung nagkaroon man kami ng konting alitan at di pagkakaunawaan madali ko naman yun kinalimutan, ewan ko na lang yung sila, kung nagtatanim ba sila ng galit o hindi, pero hindi naman lahat ay nakasamaan ko ng loob, may mga mangilan-ngilan lang, at nito ngang umalis sila, may konting lungkot din akong naramdaman.
Pero hindi ko na yun masyadong pinansin, dahil alam ko naman na may hantungan ang lahat, mag-isa akong pumunta dito sa Saudi, magisa rin akong uuwi ng Pinas, at alam ko rin na kahit gaano pa kalalim ang samahan namin o hidwaan alam ko sa puso ko na darataing at darating ang sandali na magkakahiwa-hiwalay rin kami ng landas, dahil ayoko rin na masyadong magtagal dito sa Saudi, ayaw ko na hindi ko masubaybayan ang paglaki ng mga pamangkin ko, at unti-unting pagtanda ng mga magulang ko at kapatid, ayaw ko na mawalay sa kanila ng masyadong matagal, kaya talagang todo sa pag-iipon ang ginagawa ko ngayon.
Medyo natagalan lang ako sa pagdedesisyon kung saan ako lilipat ng bahay, marami rin kasi akong opsyon at mga kakilala na gusto umampon sa akin, pero ganon pala talaga, ang hirap magdesisyon kung andyan na, ito ay ang “pagitan ng pagtitipd at mga maluhong bagay”, may nahanap akong flat na kung saan ay mala-hotel ang dating ng kwarto nila, ang kaso naman ang mahal, bagama’t hindi ako kakapusin sa gastos pero hidni naman ako makakaipon, wala akong maitatabing pera galing sa accomudation at housing allowance ko, samantalang kapag tumira ako sa bahay kaibigan ko alam ko na malaki ang maitatabi kong pera, halos hindi na nga kasi niya ako pagastusin kung sa kanya ako titira, kasi pareho lang naman daw ang gastos niya, at mukha naman daw akong hidni malakas kumain, kaya siya ang pinili ko, kasi naman alam ko na talagang may maitatabi akong pera kapag sa kanya ako titira, pero syempre, kapag andon na ako, gagastos din ako at magbibigay ng konting pandagdag sa bahay niya di ba, pansamantala lang kasi ako sa kanya, dahil anim na buwan na lang ako mamamalagi dito sa Saudi at uuwi na ako ng Pinas, di rin ako sigurado kung babalik pa ba ako dito o hindi na.
Kaya naman, kahit paano nakakalungkot isipin na wala na ang dating samahan namin ng mga katrabaho ko sa opisina, at alam ko na kahit anong mangyari ay hindi na iyon madurugtungan pa, nagkanya kanya na kami ng landas sa buhay, iisang kumpanya parin pero magka-iba na ng ruta ng pag uwi, magka-iba na ng bahay, alam ko balang araw magkakatagpo ang aming landas sa lansangan, pero alam ko na hindi parin yun mapupunuan ang lungkot ng aming paghihiwalay.
Paalam sa mga kasamahan ko na minsan kong itinuring na kaibigan.
Salamat sa mga ala-ala.
Hanggang sa muling pagkikita.
Sa situation natin, bukod sa pagiging pogi natin..kailangan natin maging handa sa puweding mangyari dito, dahil dito anytime puweding magkahiwahiwalay ang magkakasama, magkakaibigan, at magkakalandian. Basta ang importante, wala kang magawang masama sa kapwa mo mahal mo at pogi ka.
ReplyDeletepogi... ayun oh... tama..... pero maspogi ka.. kasi dami mong fans na nagvote sa iyo.... eheheheh
ReplyDeletemalungkot nga yan pero ang buhay ay ganyan lang naghihiwalay hiwalay.
ReplyDeletekita kits na lang pa minsan minsan.
nakakalungkot naman, di bale kong may umaalis may dumarating, ganyan talaga ang buhay, wlang permanent sa mundo except change.. :(
ReplyDeleteawww.. sad naman.. pero tama ka darating ang araw magakakahiwalay din naman kayo, kaya magsanay ka na daw.. uuwi ka na after six months? sandali na lang yun al. daan ka ng manila ah? may utang ka sa amin ni sey. haha..
ReplyDeleteTama ang desisyon mo na sa kaibigan ka tumuloy. Lalo pa't balak mo ng mamuhay dito sa atin. mas kailangan mo ang maiipon mo kesa sa mala-hotel na flat. May Allah continue to bless you. so I guess, See you soon??? haha..