Monday, February 7, 2011

No comment

No comment
Sinulat ni AL Diwallay


January 12, 2011, Wednesday saktong 10:26 PM dito sa Riyadh, Saudi Arabia. 3:26AM naman sa Pilipinas, January 13, 2011 Thursday, nakaupo ako sa ibabaw ng aking kama at naka sandal sa pader, balot ang aking paa ng isang makapal na kumot dahil sa sobrang lamig, kakatapos ko lang manood ng Happy Feet, yung animated movie about penguin na gawa ng Warner Brothers, nang maisipan kong magsulat ng blog, pero wala akong makapang magandang paksa sa aking isipan, kaya nag login na lang ako sa aking Facebook at ang bumugad agad sa akin ay ang Status ni Trycks sa kayang Facebook account.

“Ang utak pwedeng  makalimot pero ang puso laging nakakaalala” nagandahan ako sa sinabi ni Trycks at sasabihin ko na sana na talagang may talent ang batang ito sa pagbibigay ng mga magagandang words of wisdom nang mapansin at mabasa ko ang sumunod na nakasulat sa kanyang Facebook Status.

              --  my Amnesia Girl ♥

Ayun naman pala eh, kaya naman pala maganda, sa bagong pelikula pala ni Toni Gonzaga at John Loyd Cruz niya ito nakuha ang My Amnesia Girl, kunsabagay, ako mandin ay nag enjoy ng husto sa  pelikula nang mapanood ko ito kamakailan. maganda ang pagkakagawa, magaling ang pagkakasulat at mahusay ang pagkakaderek, hmmm si Derek Cathy Molina-Garcia talaga, hanep kung gumawa ng pelikula.

Anyway so much for that, hindi yung pelikula ang gusto kong pagtuunan ng pansin, dahil hindi naman ako movie critics, ang talagang gusto kong pagtuunan ng pansin ay ang Status ni Trycks, “Ang utak daw ay pwedeng makalimot pero ang puso laging nakakaalala” habang kasalukuyan kong sinusulat ang artikulong ito, siyam na tao na ang naglikes sa status ni Trycks, wow, ibig sabihin ba noon, siyam na tao narin ang nagiging korni katulad niya o maganda lang talaga ang status ni Trycks sa kayang Facebook? hmmm ma-cross examine nga.


    
Ang utak pwedeng makalimot pero ang puso laging nakakaalala.
     
       -- my Amnesia Girl ♥

      Mark Anthony Alquiroz, Hyzel Romero Granadozin, Justin Pinon and 6 others like this.

Ang pinaka unang nagcomment sa Status niyang ito ay si Anri Ong,

Anri Ong drama mo nman.. sus! haha miss u guys!
Yesterday at 10:38am · Like

Hmm bakit kaya nasabi ito ni Anri? wala siya siguro sa Manila? Kasi kung nasa Manila ito, tiyak na nasa TSC Gathering yun pagsapit ng sabado.

Meiz Ster HARING EMOW
Yesterday at 10:38am · Like

Sabi naman ni Meiz Ster sa kayang comment kay Trycks. Natawa ako doon? Sino kaya ang parang EMO sa kanilang dalawa?
At last sumagot din si Trycks sa mga kaibigang nakapansin sa kanyang Status?

Richard Trycks Gutierrez ‎:) miss na rin namin kayo nila joelian
Yesterday at 10:38am · Like

sagot niya kay Anri so ibig sabihin, wala talaga sa Manila si Anri, hmmm! Asan kaya ang lokareta?

Richard Trycks Gutierrez EMOez ster ka hehehe
Yesterday at 10:39am · Like

sagot naman ni Trycks kay Meiz Ster, at yun na, napabulalas na ako sa tawa, kitams sabi ko naman sa inyo, sino kaya sa kanilang dalawa ang EMO, ahahahha.

Meiz Ster princess lng ako ikaw HARI
Yesterday at 10:40am · Like

At talagang ayaw patalo ni pareng Meiz Ster at ayaw ring umamin, nakilala ko si Meiz Ster January of last year sa TSC, aba January ngayon di ba?! Akalain mo, isang taon na pala kaming magkaibigan ni Meiz Ster, anak ng. Anyway, mabait naman si Meiz Ster emo nga lang talaga siya sa aking paningin, at alam niyo ba na hindi ko makakalimutan ang minsang sinabihan niya akong “AL huwag kang maging loner”  toinks, ako loner? Pano naman nangyari yun? Hindi kapani-paniwala.. At siya rin ang nagsabing “Tuwing Friday may problema si AL” hahahahah, sa tuwing naaalala ko ito, napapangiti talaga ako, kase naman, tuwing Friday nagyaya akong gumimik sa kanila at ang madalas kong sabihin sa kanila ay “may problema kase ako pare kaya gusto kong magwala”  ang hindi nila alam tuwing Friday lang ang restday ko noon sa aking trabaho. weee... di nga...

Anri Ong haha.. see you this coming sat.. :)
Yesterday at 10:40am · Like

 hmmm, wala nga ba talaga sa Manila itong si Anri o abala lang talaga ito sa ibang gawain kaya hindi na nakakadalaw sa TSC gathering.

Richard Trycks Gutierrez yun oh punta sila hehehe
Yesterday at 10:47am · Like

Mukhang masaya naman si Trycks sa sagot ni Anri. Well ako man din, Masaya rin naman ako, kase at least matatag parin ang TSC.


Ysabelle Romero bespren- pakidala po ng books. :) thank you! :D
Yesterday at 10:49am · Like · 1 person

Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy ni Ysabelle dito, pero one thing is for sure, kung hindi si Trycks ang naglike sa comment ni Ysabelle, si Ysabelle lang talaga mismo ang gumawa nito.

Sababa napansin ko ang sagot ni Anri.


Anri Ong sure bespren..! muah!! :)
Yesterday at 10:50am · Like

Ahhh! Si Anri pala ang tinutukoy niya kala ko Meiz Ster. kase kung si Meiz Ster nga ang sinabihan Ysabelle? Parang ayaw ko maniwala? Nagbabasa ba yun ng libro? Joke lang Meiz Ster baka sumbong mo ako kay Angel niyan, ehhh!!! Este kay Tong pala. Alam mo namang malakas ka sa akin eh.

Ysabelle Romero see you!! mwuah! :D
Yesterday at 11:03am · Like

Hay naku... mga tao nga naman.. makapag reply lang. Ehehehe. Joke ulit, sweet talaga si Ysabelle at Korni naman si Trycks, bagay nga silang dalawa, hindi sila halaman, hindi rin hayop, bagay sila, BAGAY...

James Paul amf! gumaganyan ka pa!
Yesterday at 5:38pm · Like

Mill Corpus magic man!
17 hours ago · Like

Skip tayo sa dalawa, kina James at Mill , hindi pa kase kami close, at hindi ko pa sila nakakadaupang palad, si James nakita ko na yan 3x sa gathering ng TSC, una noong 1998 sa Starbucks Araneta, ikalawa sa Cerca Trova and TSC Conference last April 2010, pero hindi ako sure sa exact date niya, ang ikatlo naman sa Satarbucks Araneta ulit, May na ata yun, ang alam ko sa kanya, magaling ito sa Coin Magic at mahilig sa Photography, si Mill naman, wala akong masabi, as in wala talaga akong alam tungkol sa kanya, kaya skip muna tayo sa ating dalawang bida. Hmmmp.


And lastly

Richard Trycks Gutierrez ‎@mill - boxer man hehehe
17 hours ago · Like

Yan ang reply ni Trycks kay Mill. Ehehhe. Uu nga. Parang boxer siya sa kanyang profile pics. Hip-Hop Boxer... peace bro...

Sadyang masarap mag post ng bagong status sa iyong facebook wall, lalo na kung may nagcomment dito, kase sa ganong paraan, nalalaman mo kung may nakapansin ba sa sinulat mo. Sa katulad kong malayo sa mga minamahal ko sa buhay, ang pag-login lang sa Facebook ang aking pangunahing kasangkapan upang masilip ko ang mga nangyayari sa taong malapit sa aking puso.

Ako po si AL Diwallay at ito po ang aking kwento.

You don’t get 500 million likes without getting few dislike...


Edited by musingan on 14 January 2011 at 2:04am

(Sinusulit ang pagiging makulit.)
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------
 

Kwentong TSC

 Korni man daw at magaling. Korni parin (Ni. AL Diwallay)

Kwentong TSC lang… The Story Circle….

Knock! Knock!  
Who’s there?
Melon, kang-kong, Mais, Halaman.
Melon, kang-kong, Mais, Halaman who?
Melon, kang-kong, Mais, Halaman, maaari bang magtalong?

Tawanan na… umpisa na ng Knock! Knock! Session ng TSC, naging isa na sa mga masasayang tagpo ng TSC ang mag batuhan ng kanya kanyang Knock Knock Joke na napupulot lang nila kung saan-saan, pagandahan,paramihan, pakwelahan at higit sa lahat pakornihan.

Chelle:      Knock! Knock!
TSC:          Who’s there?
Chelle:      Difference and differences!
TSC:          Difference and differences who?
Chelle:      You’ll be Difference and I’ll be differences it’s a love story….

Hirit ni Chelle, isa yan sa mga pinakatago tago niyang knock-knock jokes sa baol niyang inaamag na, hindi pwedeng mawala yan dahil yan ang isa sa mga high lights ng joke time ng TSC dahil kapag may difference and differences si Chelle ni Tylor Swift meron naman akong.

AL:       Knock! Knock!
TSC:     Who’s there?
AL:       River Boat!
TSC:     River Boat who?
AL:       River boat young when I first saw you, I close my eyes and the flashback starts.

Samot saring knock-knock, samot saring jokes, matira ang matibay, dapat meron kang sariling knock-knock, dapat meron kang parating bago, kasi kung wala, magtyaga ka sa kakatawa, may mga joke na korni, may mga jokes na nakakatuwa, meron parang wala lang, kunwari lang joke yun.

Sa mga ganitong tagpo, sadyang pinapakita ng isat-isa (TSC Members) na hindi lang talaga magic ang pinuntahan nila sa gathering, kundi ang makasama at makita ang mga kaibigan, ang bonding at kasiyahan.
Hindi lamang pang magic pwede rin pang pangcomedy ang TSC. Ang TSC para sa akin ay hindi lang grupo ng mga majikero kundi ito'y pamilya na binubuo ng mga masasayang tao.

Knock! Knock!
Who’s there?
Far I see you.
Far I see you who?
Far I see you ang laban nato.

Hindi ko alam kung saan-saan kinukuha ng mga TSC ang mga Jokes nila, basta ang alam ko, kapag naumpisahan na ang joke time tuloy-tuloy na ang aming kasihan, tawanan at kantsawan at kapag joke time na, asahan mong babangka na si Hyzel  at bago yan magkukuwento asahan mo ring magpapakilala yan ng “Hi! I’m Yours”

Kwack nyack!
TSC: HUH?
Nyack Kwack!
TSC: HUH! Ano raw?

Si Trycks lang pala, nagna Knock-Knock, di lang masyado maintindihan, kasi nabubulul na naman, yaan niyo na, ganyan talaga si Trycks, kapag ninenerbyos, natataranta at di makapagsalita ng maayos.

Pero alam niyo ba kung ano ang pinaka makulit at malupit na jokes sa TSC na naging flagship na rin nito?

Syempre ano pa eh di yung PINK NA TABLE?

Alam niyo ba ang kwento nito? ilan na lang kaya ang nabiktima ni Andres ng kwentong ito.

Eh yung kwento ng isang hayop na kung tawagin ay “Kurachi” alam niyo rin ba yun?

Kung hindi pa tanong niyo kay Andres!

Hindi ko talaga makalimutan ang joke na ito dahil sadyang kwela talaga, kapag narinig mo ito, hindi mo alam kung matutuwa ka ba , matatawa,maiinis, maiiyak  o mananahimik ka na lang , dahil talagang pang-inis ang joke ni Andres na sinasabayan pa niya ng mapang-asar niyang tawa, kung maiinis ka! Talo ka. Kung matatawa ka naman, korni ka. Kung iiyak ka naman, ikaw ang kauna-unahang taong naiyak sa isang joke. Kung matutuwa ka, ang babaw mo. Kaya mamili ka na lang sa tatlo ay apat pala. Bawal ang magwalk-out. bawal ang sumimangot.

Minsan matatawa ka nalang, hindi dahil sa nakakatawa ang Joke, hindi rin dahil sa korni ito, hindi rin dahil sa napipilitan ka lang, kundi matatawa ka na lang ng hindi mo alam ang dahilan (nabuang na),.

Andres:    Anong hayop ang parating nauuntog?
TSC:         An o raw?
Andres:    E di DOG…

Ahahahhahahah…..

Andres:    Eh ang hayop na parating nahahati?
TSC:         An o raw?
Andres:    E di CAT!

Ahahahaha….

Chelle:  Knock! Knock!
TSC:      Who’s there?
Chelle:  Kang-Kong, Garlic, Chicken, Tomato!
TSC:      Kang-Kong, Garlic, Chicken, Tomato who?
Chelle:  New York! New York! Kang-Kong, Garlic, Chicken, Tomato!

Tawanan ulit. Hahahahaha.

Ang sarap talagang tumawa lalo na kung napipilitan ka lang.


Note: ang ibig sabihin ng TSC ay The Story Circle (Magic Group yan)
Visit http://thestorycircle.blogspot.com/ for more info and look for Trycks

Edited by musingan on 14 December 2010 at 12:34pm


Gising! (Isang umaga sa Riyadh)


Gising! (Isang umaga sa Riyadh)

Tiktilaoooookkkkk….
Tiktilaoooookkkkk….
Tiktilaoooookkkkk….

Sigaw ng manok… kung ano man ang ibig sabihin nun ay hindi ko na alam, marahil sumisigaw siya ng umaga na, gising na o kaya naman binabati niya ang bukang liwayway ng araw. Pero teka, tumitilaok rin naman ang manok sa hapon ah, pero iba ito, araw-araw, tuwing alas kwatro ymedya ng umaga, tumitilaok ang manok na ito….

Tiktilaoooookkkkk….
Tiktilaoooookkkkk….
Tiktilaoooookkkkk….

Hmmmmm…..

"Tiktilaooookkk!!!.. Keaga-aga, ang ingay ingay na, (teka nasa Saudi nga pala ako, at nasa Villa namin, bakit may manok eh wala naman kaming alaga dito at saka bakit parang may disco music ang manok. Nananaginip ata ako!!! Kasi nakikita ko ang mga manok na nagsasayawan sa labas ng bahay namin habang kumakanta ng ‘Pokerface’ by Lady Gaga." -- AL (Guhit ni Annalyn Perez)
Keaga-aga, ang ingay ingay na, (teka nasa Saudi nga pala ako, at nasa Villa namin, bakit may manok eh wala naman kaming alaga dito at saka bakit parang may disco music ang manok. Nananaginip ata ako!!! Kasi nakikita ko ang mga manok na nagsasayawan sa labas ng bahay namin habang kumakanta ng ‘Pokerface’ by Lady Gaga.

Tiktilaoooookkkkk….
Tiktilaoooookkkkk….
Tiktilaoooookkkkk….

Hmmmmm….. kainis talaga….

At muli kong naisip, ahhhh cellphone ko pala, tumutunog na naman ang alarm nito. Tilaok kasi ng manok ang tunog niya na may disco music na background, ‘di na ako nasanay. Alas kwatro ymedya ng umaga ko pinapatunog ang cellphone ko, pero minsan alas singko na ako ng umaga bumabango dahil sa katamaran. Kaya minsan o mas maganda sabihin na lang natin madalas nagmamadali ako sa pagligo at pagbihis para hindi ma-late sa pagpasok sa opisina…

Tiktilaoooookkkkk….
Tiktilaoooookkkkk….
Tiktilaoooookkkkk….

Hmmmmmm…. Ano ba... Ahhhhhh… sarap pa matulog….

Pero kailangan ko nang bumangon kasi kung hindi, hindi na ako makakapagsalah sa umaga. Salah ang katawagan naming mga Muslim sa aming pagdarasal at pagsamba kay ALLAH. Mula nang mapunta ako sa Saudi, naging doble na ang aking pagiging relehiyoso. Limang beses sa isang araw nagsasala ang mga Muslim at limang beses ko rin ito ginagawa.

Malaki ang naitulong sa akin ng pagsasalah, naging mas panatag ang aking kaisipan at mas malawak ang pang-unawa. At dahil sa isa sa mga oras ng pagsalah ng mga Muslim ay sa umaga (alas singko) ginagawa, malaking tulong yun sa akin. Kasi hindi ako nahuhuli ng pagpasok sa opisina, katunayan, ako parati ang nauuna sa pagpaasok kesa sa Boss ko… oh ha… di ba….

Tiktilaoooookkkkk….
Tiktilaoooookkkkk….
Tiktilaoooookkkkk….

Hmmmm… eeeiissshhhh…. Kainis talaga…

Mmmmhhhh…


Ito ang maganda sa cellphone, kapag ginagamit mo ang alarm nito, pwede kang mag-extend, parang sa internet café lang, “Time ka na? Ano extend ka pa?" or kung gusto mo pwede ka rin mag-open time, pa’no? 

Biglang nawala ang tilaok ng manok, marahil napagod sa kakasayaw o kakatilaok ang mga mokong na ito. Ang sarap matulog, walang istorbo, walang ingay, payapa ang mundo, tahimik, walang makulit at higit sa lahat walang tumitilaok na manok…

Teka, bakit nawala? Bakit biglang naging peaceful ang paligid ko, walang gulo, walang disco. Ano na ang nangyari sa mga manok na kanina ay akala mo’y katapusan na ng mundo at bigla silang nawala?

Alarm on snooze
For 10 minutes…

Ehehehe… sarap matulog ulit…

Ahhhhh….. kaya pala, ehhehehe. Madalas ito ang ginagawa ko at ginagawa rin ng karamihan (amininnn). Pinipindot nila ang snooze para mawala ang ingay ng alarm at makatulog ulit (nagpa-alarm ka pa?). Ito ang maganda sa cellphone, kapag ginagamit mo ang alarm nito, pwede kang mag-extend, parang sa internet café lang, “Time ka na? Ano extend ka pa?" or kung gusto mo pwede ka rin mag-open time, pa’no? Madali lang, huwag ka magpa-alarm nang cellphone, tiyak sa tanghali ka na magigising niyan…

Tiktilaoooookkkkk….
Tiktilaoooookkkkk….
Tiktilaoooookkkkk….

Huuuuwwwaaaattttttt…..

Saan na naman galling ‘yan? Tulog na ba ako o cellphone ko lang talaga ang tumutunog ulit o baka naman may manok na talaga na nakapasok sa kuwarto namin, marahan kong binuksan ang aking mga mata, ramdam na ramdam ko ang bigat nito upang idilat, ramdam ko ang antok, sarap talaga matulog, sarap matulog, kakainis, saan ba galling ‘yang ingay na ‘yan…

Ahhhhhhhhhhh

Cellphone ko nga, tumutunog na ulit, natapos na pala ang 10 minutes na palugit ko, hayssssst. Makaulit nga, another 10 minutes ulit, ehehehe. Walang basagan ng trip, wow sarap, ZZzzzZZZzzz…hmmmmm…. ZZzzzZZZzzz… Tahimik na naman ang paligid ko, naglalakbay na naman ako sa aking panaginip, yippieee!!! Nasa ulap na naman ako, ang sarap matulog.

Pero…

Tut…. tutututuuutttt…. tutututututuuuuttttttt…..
tutututututuuuuttttttt…..

Ahhhhhhhhh….

Ano na naman ito… iba na ang naririnig ko… kakaloka na… sobra na talaga over. Ang manok, nagtunog-mono tone ng alarm ng cellphone ng kasama ko sa kuwarto, eeeiiiissshhhh. Kakainis talaga, tumutunog na naman ang cellphone ni Yusop, nagpapaalarm din kasi siya….

At….

Tontontooon…tontontooon… tontontooon…tononnn…
Tontontooon…tontontooon… tontontooon…tononnn…

Diyos ko… Diyos ko… Diyos ko… Patawawin niyo po ako… huhuhuhu… gusto ko pang matulog…


Lima kaming nasa kwarto, at limang cellphone ang tumutunog kada umaga. Kaya wala kang takas kung tinatamad kang pumasok dahil limang cellphone ang mangungulit sa iyo at magsasabing, “Umaga na kabayan, gising na at tayo’y lalarga na! 

Naman…kasi…. kanino na naman kaya ito? Kay Kuya Arnel naman ngayon ang tumutunog… naku naman… Kakawindang, kase sunod-sunod na ang tunog ng alarm ng cellphone naming. Akala mo’y may fire alert na nangyayari, sunod-sunod na ang pag-alarma ng aming mga celphone…kay Glenn, kay Arnel, kay Yusop, kay Ryann at sa akin! Sali mo pa dyan ang pagpapatugtog ng music ni Rhemhard sa kabilang kwarto. Keaga-aga nagpapatugtug na ang bruha, ahhhhhhh… sakit sa ulo talaga, sarap pa matulog pero ang ingay-ingay na.

Magtakip kaya ako ng unan? Pero huwag na, kailangan ko nang bumangon kasi ‘di na ako makakapagsalah niyan. Saka baka maunahan na naman ako sa banyo, alam mo naman si Yusop, kung ‘di pa ako babangon eh hindi rin ‘yan babangon. Kapag nakita na niya akong naghuhugas ng bigas sa lababo para magsaing ng pang-almusal, tatayo na ‘yan at magtatanong, “Al!!! mauna na akong maligo hah?!"

Kaya kailangan ko nang unahan siya. Bumangon na ako sa kama sabay bulong sa sarili ng “ahhhhhh… katamaran lang ito…katamaran lang ito." Naupo ako sa gilid ng higaan ko, nag-iisip, “umabsent kaya ako?" Nakapikit ang mga mata pero nakaupo habang hindi makapag-decide kung aabsent o papasok sa opisina, “Haysst! tinatamad talaga akong bumangon."

Pero wala akong magagawa, kailangan eh, kailangan kong bumangon, “Oh well." Nag-unat na ako ng katawan at naghikab nang naaaaaaaaapakalalim…. “Hay! Sarap talagang ibato ng cellphone ko sa ding-ding. Matulog kaya ako ulit?" Ay huwag na, tumayo na ako, sinuot ang tsenelas ko, naglakad nang nanlalambot. Tinatamad na pumasok sa banyo upang maligo habang naririnig ko pa ang sunod-sunod na pag-alarm ng cellphone naming. Lima kaming nasa kwarto, at limang cellphone ang tumutunog kada umaga. Kaya wala kang takas kung tinatamad kang pumasok dahil limang cellphone ang mangungulit sa iyo at magsasabing, “Umaga na kabayan, gising na at tayo’y lalarga na!

Theeeeee EEnnnnddddddd …. Sarap matulog (Hikab)

“Baby you're all that I want
When you're lyin' here in my arms
I'm findin' it hard to believe
We're in heaven
And love is all that I need
And I found it there in your heart
It isn't too hard to see
We're in heaven…"


Anak ng… ano na naman ito?
Tunog ng alarm ng cellphone ni Bimbie ‘yan… nakitulog na naman sa Villa namin ang lokaretang bakla na ito…. Oh hah… taray di ba?

The End…. 

Visit GMANetwork  Website to view my feature Blog...
http://www.gmanews.tv/story/212028/gising-isang-umaga-sa-riyadh


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...