Thursday, November 22, 2012

Glamorosa (Pinoy Screenplay)



Mukhang naging malumanay ang pagdalaw ko sa aking blog at sa blog ng may blog ng ibang blogger, ngunit hindi po iyon nangangahulugang tumigil na tayo sa pagsusulat at pagbabasa, sa katunayan, pansamantala kong iniwan ang pagsusulat at pagbabsa sa blog upang mabigyan ng mahaba-habang pagkakataon ang pagsusulat at pagbabasa, hmmm… gulo no?

May mga ibang bagay kasi akong inaaral ngayopn tungkol sa pagsusulat, alam niyo naman po, hindi po tayo magaling salarangang ito, kaya kailangan kong pagtuunan ng pansin ang ginagawa kong pagses-self studies dito, sa katunayan isa sa mga inaaral ko ngayon ay ang pagsulat ng script o screenplay.

Wala lang… makasulat lang at masabihang magaling… 

Isa po ito sa mga naisulat ko noon na ginawan ko nang script, alam ko pong maraming mali sa ginawa ko, pero pilit ko paring pinoste sa aking blog para may pang update lang ako, kasi kahit papaano ayaw ko itong mabulok at anayin.

Meron po akong free software na nadownload sa internet na ginagamit sa pagsulat ng pinoy script o screen play, ang kaso nga lang kapag nililipat ko na dito sa blog ko e nasisira na ang format nito. ehehehehe.

Sana po e maintindihan niyo na hindi po ako propesyonal at walang pormal na na ensayo at pagsasanay sa larangang ito, wala din akong maalalang araw nagkaroon kami ng ganitong subject noong nag-aaral pa ako, kung meron man marahil absent ako.

Nga pala naalala ko gumawa nga pala ako ng Term Paper tungkol sa Drama noong 4th years High school ako.

Kayo na po sana ang bahalang umintindi sa kwento ng ginawa ko, medyo magulo pero kung pagtyatyagaan niyong basahin, e maiitindihan namanniyo siguro, sana huwag niyo rin po akong husgahan bagkos e turuan na lang.

Yahoo….

----------------------------------------- Script Start Here -----------------------------------------


Glamorosa
By
Al Diwallay

Based on blog "Diana ang Glamorosa"

This screenplay may not be
used or reproduced without the
express written permission of
the author.

Copyright©2012



                                                    FADE IN.
INT. MANSION. ARAW.

Sa loob ng isang magarang na tahanan ng isang ekslusibong Subdivision, mauupo sa sofa si Diana (19), maganda, maputi, halatang may breeding, daig pa ang isang prinsesa sa pagiging glamorosa.

Bubuksan niya ang tv, di niya magugustuhan ang palabas,makalipas ang sampung sigundo, ililipat niya ang channel ng flat screen TV sa harap niya.

Maiinis dahil wala namang magandang palabas, kukuha ng isang stick ng isang kilalang blue seal cigarette na nakapatong sa lamesitang yari sa steel brush na nasa harap niya.

Hahanapin niya ang lighter, lilinga-linga siya, iisipin kung saan niya huling nailagay ang lighter, haharap ulit siya sa TV, makikita niyang nakapatong ang lighter sa TV Stand,tatayo siya para kunin ito, sisindihan niya ang sigarilyo saka niya ipapatong ulit ang lighter sa ibabaw ng TV Stand.

Maglalakad papunta sa pintuan ng terrace ng bahay, pagmamasdan niya ang paligid gamit ang isang napakatalim na tingin, gugumuhit sa kanyang pisngi ang isang mapangutyang ngiti, maaalala niya ang mga panahong nagdaan.

DIANA (V.O.)
Hindi ko na hahayaang babuyin niyo
ulit ang aking pagkatao.

Hihithitin niya ang sigarilyong hawak, saka ibubuga ang usok sa napakasakastikong pamamaraan, babalik siya sa sofa, mauupo, ipapatong sa ash tray ang sigarilyo na kanyang hawak, kukunin niya ang remote control ng tv na nasa tabi ng ash tray, ililipat ulit ang channel.

Sasandal sa sofa, ididikwatro ang paa, ililipat ulit ang channel, maiinis, bubuntong hininga saka iiling sabay pikit ng mata, pagkadilat ipapatong ang remote control sa ibabaw ng lamesitang nasa harap.

Tatayo at tutungo sa kusina.

CUT TO.

INT.KETCHEN.CONT

Kukuha siya ng pitcher sa fridge na may lamang orange juice, kukuha ng isang baso saka magsalin, ilalapag ang pitcher malapit sa lababo.

Dala ang isang baso ng orange juice, babalik ulit siya sa living-room.

CUT TO.
INT.LIVING ROOM.CONT

Hihigop muna siya ng orange juice saka niya ipapatong ang baso sa lamesitang nasa harap saka siya mauupo ulit sa sofa, Manonood ng palabas.

Ilang sandali pa, tutunog ang kanyang cellphone.

Dadamputin niya ang kanyang cellphone na nakapatong sa lamesitang nasa harap niya saka niya ito sasagutin.

DIANA.
(Sarkastiko)
Yes?

ANGELINA (O.S.)
(Excited)
Diana! Ikaw ba yan?

DIANA.
Yes! Speaking?

ANGELINA (O.S.)
Si Angelina ito, kamusta kana.

DIANA.
Angelina? who’s that?

ANGELINA (O.S.)
Angelina Perez, yung kababata mo,
ano ka ba, hindi mo na ako maaalala?

Matitigilan siya, hindi siya agad makakasagot.

ANGELINA (O.S.)
Uy! Diana andyan ka pa ba?

DIANA.
Wala akong kilalang Angelina.
(matigas niyang sagot sa kausap)
Huwag ka nang tumawag ulit.

ANGELINA (O.S.)
Ahh!!! Diana ano ka ba? si Angelina
ito, yung kababata mo.

Ibababa niya ang kanyang cellphone, hindi na hihintayin ang susunod pang sasabihin ng kanyang kausap.

Ipapatong niya ang kanyang cellphone sa lamesitang nasa harap saka niya kukunin ang kanyang sigarilyo, tatayo siya saka tutungo sa Terrace.

CUT TO.

EXT.TERRACE.CONT.

Mauupo siya sa upuan na nakalagay sa labas ng terrace,ipapatong niya sa ibabaw ng lamesitang nasa harap niya ang kanyang mga paa, isasandal ng bahagyan ang ulo, saka hihithitin ang sigarilyo.

DIANA (V.O.)
(Kalmado)

Papaano kaya niya nalaman ang
cellphone number ko? Ano ang
kailangan niya? bakit siya tumawag?
Hihithit ulit ng sigarilyo.

DIANA (V.O.)
Ah! basta, hindi na importante
yon, basta ang alam ko, kailangan
kong maging matigas, kailangan kong
maging pusong bato, dahil isa akong
glamorosa.

Hihithit ulit ng sigarilyo saka niya ito papatayin sa ash tray na nakalagay sa ibabaw ng lamesitang nasa kanyang harapan.

Tatayo, pupunta sa dulo ng terrace, pagmasdan ang paligid.

DIANA (V.O.)
Hinding-hindi ko na hahayaang
hamakin niyo ulit ang pagkatao ko,
hinding-hindi ko na ulit hahayaang
tratuhin niyo ako na parang aso.
     (Matalim ang mga tingin)

DIANA (V.O.)
(Titingin sa kanan bahagi
ng hardin)
Inalipusta niyo kaming magkakapatid,
pinandirihan.

DIANA (V.O.)
(Pipikit saka bubuntung hininga,
bubuksan ang mga mata sabay haharap)
Tinuring na parang hayop,pinagtawanan,
inalipusta, ngayon hinding-hindi ko na
kayo hahayaang gawin yun ulit sa akin, sa amin,lalabanan ko na kayo, dahil isa na akong glamorosa.

Lilingon, babalik ulit siya sa loob ng living room.

INT.LIVING ROOM.CONT

Maupo siya sa sofa saka manonood ulit ng palabas, pero halatang hindi nakatuon sa ppinapanood ang kanyang isipan.

DIANA (V.O.)
Alam kong darating ang araw na
titingalain niyo ako, at heto,
unti-unti ng nangyayari.

DIANA (V.O.)
(Ngingiti)
Unti-unti na akong umaangat,nakatira
na ako sa bahay na bato,hindi tulad
niyong, hindi parin nakakaalis sa putikan.
(Bubuntong hininga)

Dahil wala rin namang mapanood na maganda, isasara na niya ang telebisyon gamit ang remote control nito, uubusin and orange juice, tatayo at tutungo sa bathroom.

    CUT TO.

INT.BATHROOM.CONT

Pagmamasdan niya ng mabuti ang loob bathroom.

DIANA (V.O.)
Napakaganda.

DIANA
Alam kaya nilang ganito ang banyong
ginagamit ko dito.

DIANA (V.O.)
Marahil Hindi
(Sarkastikong ngiti)
Alam kong hindi.

Matutukso siyang maligo.

Isasara niya ang pinto, magtanggal ng damit, bubuksan ang
faucet ng shower. lulusub sa tubig saka maliligo.

Habang mag-isang nagpapakasasa sa marangya buhay sa loob ng
bathroom, biglang may kakatok sa pinto ng banyo.

MRS. CHUA (O.S.)
Diana, naliligo ka na naman ba,
sino ang tumawag kanina? parang
narinig kong tumunog ang cellphone?

DIANA
(Magugulat)
Ho! Mrs. Chua ay este Ma’am!!
Ahh... ahh... wala pu ma’am, di ko
po kilala ma’am.

MRS. CHUA (O.S.)
Ah! ano daw kailangan?

DIANA
(Magpupunas at halatang nagmamadali
para makalabas na ng banyo)

Wala po ma’am, nagkamali lang ng tawag.

MRS. CHUA (O.S.)
Ganun ba, tapos kana ba maglaba,
mukhang tumigil na ang ingay ng
washing machine sa likod ng kusina.

DIANA
(Magsasalita in a bisaya accent
and bisaya dialect)
Ayyy Oo, nakalimtan naku ang atung
washing machine.

DIANA
(tatawa)
Sige ma’am, humanun na naku ang
akong gilabhan.

MRS. CHUA (O.S.)
Hay naku, ikaw talaga, kung ano-ano
na namang kalokohan ang ginagawa mo
dyan, bilisan mo na, maglaba ka na,
ambisyosa.

DIANA
Dili ku ambisyosa ma’am, Glamurusa lang ku.

MRS. CHUA (O.S.)
Ay ambot.

DIANA
(Titingin sa camera)
Epic Fail.
(Ngingisi)


                                                  FADE OUT.

----------------------------------------- Script Ends Here -----------------------------------------

Naks pume-fade out na…

Hayst hirap palang  magself-study para gumawa ng Pinoy Script... anyway alam ko pong marami pa akong kakaining damo para matutunan ang tamang pagsusulat ng script. 

salamat sa pagbabasa




Saturday, October 6, 2012

Ako si Musingan, Laking Zamboanga City



Magulo, nakakatakot, madaming rebelde, madalas may barilan, kidnapan at kung ano-ano pang mga kaguluhan, marahil iyan ang maiisip mo kapag narinig mo ang salitang Zamboanga City, pero mali, walang katotohanan ang mga bagay na yan, hindi po ganun ang aking lalawigan, hindi po ganun ang pagkakakilala ko sa kanya, para sa akin, ito na po ang isa sa pinamagandang lugar na maipapakilala ko sa iyo, masaya at masarap mamuhay dito, binubuo ng isang makalumang kalinangan sa modernong panahon, napapalibutan ng ibat-ibang kultura at pananaw sa buhay, bilang tao at mamamayan nito, isa ako sa libo-libong Muslim na ipinanganak at lumaki sa bayang ito, dito hinubog ng aking mga magulang ang aking pagkatao,  inaruga at sinuportahan sa lahat ng aking pangangailangan, ipinakilala sa akin ang katotohanan at ipanakita sa akin ang kaibahan namin sa karamihan, masasabi ko na ako’y lumaki sa isang kulturang punong-puno ng kasaysayan at nabigyan ng isang prinsipyong kailan ma’y hinding-hindi matatawaran, ito ang aking kultura, ang kultura ng isang Tausug.


Sa totoo lang, galing ang mga magulang ko sa Jolo Sulu, pero mula pa noong 1970’s pinili na nilang manirahan sa Zamboanga City, dito na sila namalagi, dito na kaming lahat ipinganak at nakapagtapos ng pag-aaral, sa katuyan, nakapag-aral ako sa isang Jehovah School, kaya sanay akong makisalamuha sa mga hindi Muslim, isa sa mga itinuturing kong matalik na kaibigan ay isang Katoliko, at isa sa mga naging karelasyon ko ay isa ring deboto, tumagal kami ng halos siyam na taon, bago namin napagpasyahang maghiwalay na, masasabi kong masmarami akong kaibigan na hindi Muslim kaysa sa mga Muslim, ganyan kami sa Zamboanga, iisa ang ligw ng mga bituka namin, nagmamahalan kami, at nagtutulungan.

Simple lang ang aking lalawigan, simple lang ang Zambonga City, sentro ito ng lahat ng kalakalan mula sa Basilan, Sulu at Tawi-Tawi o maskilala sa tawag na BASULTA, tinatawag din itong International Backdoor Entry, dahil meron kaming International Airport dito para sa mga eroplano at International Port Area naman para sa mga barko, meron din kaming Economic and Free Port Zone, para naman ito sa mga negosyante na gustong magnegosyo sa aming lalawigan, kilala rin ang Zamboanga sa makukulay nitong Vinta, ito yung mga bangkang may makukulay na layag, tinatawag din itong Sakayan sa salita naming mga tausug, bukod dito marami rin kaming mga pasyalan, tulad ng Abong-Abong (nasa paanan yun ng bundok), Pasonanca Park (parang little Baguio namin sa Zamboanga City), at syempre... higit sa lahat, marami kaming paliguan dito, mula sa  Swimming Pool at Beach Resort, kami rin ang may pinakamalaki at maraming pagawaan ng Sardinas, ilan sa kanila ay ang Family Brand Sardines, Mega Sardines, Ligo Sardines at Hakone Sardines, dito rin galing si Mayor Cesar Climaco, naging pelikula pa nga ito na ginampanan ni Eddie Garcia.

Marami rin kaming mga pinagmamalaking mga pagkain, tulad ng Tausug Satti (Satey), Jah (Lukot-Lukot), Tiyula Itom (Tinolang baka ito na itim ang sabaw at maanghang), Piyanggang Manok (Tulad ng Tiyula Itum, maitim din ito, pero walang sabaw), mura ang mga bilihin dito, lalo na kapag galing sa Malaysia, mura ang mga Prutas at Isda, masasabi kong napaka swerte ko dahil wala akong naging problema pagdating sa kainan, dahil, halos ordinaryo na lang para sa amin ang mga pagkaing tulad ng Lapu-Lapu, Blue Marlin, Alimango, Pusit, Hipon at kung ano-ano pang mga pagkain na galing sa dagat na karaniwan sa mamahaling restawran mo lang ito makakain dito sa Manila, pagdating naman sa Prutas, tulad ng nasabi ko, napaka mura ng mga ito at meron kang mabibiling prutas sa halos lahat ng sulok ng kanto.

Banana-Q – iba ang Banana-Q sa amin, ito yung matigas na saging na iihawin at papahiran mo ng margarine pagkatapos isasawsaw sa asukal, hmmm, sarap, yung Banana-Q naman na tinatawag sa Manila ang tawag namin doon ay REBOSAW, hindi ko alam kung bakit, basta yan ang tawag namin dyan, o hah.. saan ka pa.

BANKO – sinasabi nila, matatawag mo raw na maunlad ang isang bayan kapag marami ito banko, sa Zamboanga City, hindi lang isa o dalawang banko ang meron dito, kundi halos lahat ng banko sa Pilipinas meron na sa Zamboanga, isa itong patunay na maraming tao ang nagdedeposito ng kanilang mga pera, marami ring pwedeng itayong negosyo rito, isa na rito ang tinatawag naming Barter Trade, isa ito sa pinaka epektibong paraan ng paghahanap buhay, kahit sino pwede itong pasukin, basta umayos ka lang at huwag kang mandaya ng kapwa mo.

Isa sa mga ipinagmamalaki namin sa Zamboanga City ay ang tinatawag naming Pueblo, ito ang pinaka sentro ng Zamboanga City, nandito ang mga Mall, Department Store, mga restawran, sinehan, pelengke, mga opisina at iba pang mga establisyemento, kaya kadalas halos isang sakay lang lahat ng lakad dito, tatlo ang unibersidad namin, ito ay ang Ateneo De Zamboanga University, Western Mindanao State University at Unibersidad De Zamboanga, meron din kaming AMA Computer College at STI Collage, pagdating naman sa Hospital, hindi rin magpapahuli ang Ciudad Medical na kung saan e halos kumpleto sila sa lahat ng kagamitan, lima ang malalaking Hospital dito sa amin, meron rin kaming museyo, ito ay ang Fort Pilar Museum, isa rin ito sa mga makasaysayang lugar sa bansa natin, katabi naman nito ang Paseo del Mar, parang mini Baywalk namin sa Zamboanga, sa mga Hotel naman, tiyak mapapagod ka sa kakapili kung anong Hotel ang papasukin mo, dahil marami kami niyan.

At syempre ang pinaka importante sa lahat, ang WIKANG aming ginagamit, ito ang CHAVACANO, isang wika na kung pakikinggan mo e parang Espanyol ang dating, kapag nasa Pueblo ka tapos ipinikit mo ang mga mata mo tapos taimtim mong pakikinggan ang mga taong nag-uusap, malamang maiisip mo na “nasa mexico kana”, dahil kung pakikinggan mong mabuti, ang bawat salitang ginagamit sa Chavacano e parabagang salita na hinango sa Maxico, Broken Spanish ang tawag namin dito, katunayan tinagurian ang Zamboanga na “The only Asia’s Latin City”, dahil sa kakaibang wika na ginagamit namin, hindi lang chavacano ang maririnig mong salitang ginagamit dito, dahil kung nasa Pueblo ka, malamang may makakasalubong ka ring dalawang tao na nag-uusap gamit ang wikang tausug, bisaya, iyakan, paminsan-minsan maranao, at iba pang wika tulad ng mga wika na ginagamit ng Chinese, Taiwanese at iba pang lipi, ibat-ibang lahi ang naninirahan dito at iba-iba ang relihiyon namin, pero iisa lang ang tawag namin sa isat-isa “Bagay” ibig sabihin nun “Kaibigan” kung napanood niyo ang pelikulang "Bagong Buwan" ni Cesar Montano, ginamit nila ang salitang ito.

Huwag po sana nating paniwalaan ang isang balita na napapanood lang natin sa telebisyon o nababasa sa dyaryo, kadalasan, nadadagdagan po ang mga pangyayaring kanilang binabalita, wala pong gulo sa Zamboanga City at maayos po kaming namumuhay dito, sampung beses ko pong pipiliing manirahan rito kumpara sa ibang lugar.


Ako po si Musingan, at ito po ang aking lugar na kinalakihan.


Maraming salamat po sa pagbabasa.


Opisyal na lahok para sa Saranggola Blog Awards 2012.


Salamat sa mga sponsors



























Sunday, September 9, 2012

Crash Night (The Story Circle Magic Show)



Do you wanna see a Mentalist performing live? How about cardician? Do you love coin Magic? Wanna see a lady magician performing her great act?  Do you love close-up magic, how about illusions?

The Story Circle is proud to present its first major Magic Show and Event
Crash Night
Living the Magic
Sharing the Smile


Happening on
September 22, 2012
8pm
4th Floor Rotary Club
Roces Avenue corner Mother Ignacia Street
Quezon City, Philippines.

When we say Magic it must be a showcase of different talent and performances, TSC is perhaps one of the most popular underground magic groups in the Philippines, and it is composed of group of youngster who shares the same interest.


Tickets are sold for 150 Pesos only.

Don't miss the fun.


File your leaves early



Letter from a loving husband


An entry written by my father Jay Diwallay for my Mom when she passed away last July 19, 2012, perhaps this is also the reason why I can't focus on writing any entry to my blog because of what happened to her... I miss her so much...


Mr. and Mrs Diwallay

I loved her from the onset of our marriage on March 22, 1975 up to the last breath of her life on July 19, 2012, I was holding her forehead with my left hand, my right hand on her breast and sob my entire face unto her neck to determine her condition, but Allah was so kind and generous that she expired without me noticing any kind of struggle on her entire self, a second later I raise my head and told her elder sister that she has gone forever, tears from my eyes flow down my chick unnoticed although, I had vowed not to cry when she passed away, as her doctors told me to prepare everything for her but, then loved that binds us together for the last 37 years overwhelmed my faith in Allah..... and.... I began to cry silently, tears of love continually flow down, although it is unusual for a faithful men to do so, but upon returning to my perfect senses I said... Ya Allah I regret not of her passing, and to you I submit my wife for your forgiveness and a full blessing in your kingdom and send her to the highest of paradise that befit her as she is a woman pure in words and deeds...

From loving husband.

Jay Diwallay



Thank yo for Reading....



Saturday, July 14, 2012

The Classic Pass


The Classic Pass – it is one of the oldest card sleights ever invented, and considered to be one of the most important techniques, the classic pass is older than any man alive today, it was first describe in the mid-18th century, then in 1876 it illustrated in Hoffman‘s Modern Magic, since then the classic pass has become an essential to card sleights, it has many variation, some of these are called, jiggle pass, riffle pass, brick pass and so on and so forth.

In my video, I used a little of jiggle pass and my personal touch to the pass, I first learned this technique way back 2005, but I only begun practicing it last November 2011, I was looking for new staff when I remember this move, so I immediately grab my deck and begun practicing.

The Classic Pass – once done correctly is considered to be one of the most invisible card sleights, it is also an effective card controls, manipulations, and sometime can also be used as color change, the classic pass is an angle prone, so you must know your right angle, and is done without notice.

After several months of practicing... I finally got the guts to upload it... I know it’s not yet polished and smooth... but still I uploaded it... because I know this is the only way for me to know if I improved or not, your comment really mean a lot.

So here it is. (Sorry for the poor quality)...


video
The Classic Pass


Thank you for watching.




D"N.





Wednesday, June 6, 2012

KM3: TINIG (MINSAN MAY ISANG HURADO)





Mula pagkabata, matayog na ang aking pangarap, mataas na ang aking lipad, parating pasado ang marka sa aking grado, paborito ako ng aking mga guro, laging inilalaban sa lahat ng paligsahan, sabi nila magiging maayos daw ang aking buhay, magtatagumpay daw ako balang araw, Oo! masasabi kong tama sila, dahil lahat ay gagawin ko maging maayos lang ang aking kinabukasan.

Tuloy-tuloy ang agos ng ilog, tuluy-tuluy ang daloy ng panahon, bumuhas man ang ulan sumikat din ang araw, lumiwanag ang kalangitan, bago ko napagtanto, nakatapos na pala ako sa aking pag-aaral, sa lahat ng gabing ako’y nagsunog ng kilay, sa lahat ng aking pasakit upang makapag-aral, narito ako ngayon, nakaupo sa harap ng isang lamesang nasa gitna ng isang malaking bulwagan, napapalibutan ng maraming tao na nag-aabang sa aking sasabihin.

Naaalala ko ang sabi ni ina, “Mag-ingat ka anak, baka mapapahamak ka”, sadyang nagbabago ang lahat ng bagay, ang dating simpleng pagkatao ko, unti-unti nang nilalamon ng sistemang ginagawalan ko, dahil sa totoong buhay, tanging matatapang lang ang nagwawagi, tanging mga matatalino lang ang nagtatagumpay, isa ako sa kanila, kabilang ako sa mga taong kampeon ng bayan, ngunit sadyang ako’y nakalimot, may limitasyon pala ang lahat, may sukdulan ang paglalakbay at higit sa lahat may katapusan ang lahat ng pamamayagpag at pagpupugay.

Bago ko namalayan, tumigil na pala ang ikot ng mundo ko,  narito ako ngayon sa gitna pinagmamasdan ng maraming tao, lahat ay tahimik, naghihintay sa susunod na mangyayari, naghihintay sa aking isasalaysay, “Kagalang-galang na hukom, hindi ko po pag-aari ang na nasabing Bank Account”, papaano ko kaya malulusutan ang gulong ito, papaano ko kaya sila mapapaniwalang wala akong kinalaman dito.

Ako ang batas, ako ang katarungan, ako ang hukom, ako ang punong tagasakdal, ako ang maestro hurado, pero sa pagkakataong ito ako ang inaakusahan, sino ang aking tatakbuhan, sino ang aking kakapitan, kanino ako magsusumbong, kanino ako hihingi ng tulong? may boses ba ang katulad ko?

Biktima rin ako” nais kong isigaw, pero wala na akong tinig at di na nila ako naririnig, dahil sa mga paratang sa akin, lahat sila’y nabingi.



Maraming salamat.


Saturday, May 12, 2012

Salamin, Salamin


Salamin, salamin… ipakita mo sa akin… ang sagot sa aking mga tanong… nyehehehe…. Sabi ko naman sa inyo inggitero ako… habang abala kayo sa mga buhay-buhay niyo, ako naman ay abala sa pagmamasid sa tabi-tabi… mga ilang araw na rin ang lumipas.. ng magtrending ang 20 something nila Iya_khin. Bino at Leah… kaya naman gumawa rin ako ng ganun.. wala lang… inggit kasi ako e, ngayon naman itong mahiwagang salamin naman ang mukhang napagtitripan ng ilan sa mga blogger ni pinapalo ko… kaya naman makikigaya na naman ako ulit… bweeheheheheh…

Nabasa ko na ang post ni Bino, tapos kahapon kay Iya naman ang nabasa ko… habang binabasa ko ang post niya… naisip ko na parang magandang idea nga  ito upang maiparating mo sa iyong sarili ang iyong mga saloobin, kahit papaano sa tingin ko kailangan rin nating kausapin paminsan-minsan ang ating sarili… upang maslalo nating maitindihan ang ating mga pinagdadaanan.

Kaya naman… kumuha ako ng salamin dito sa bahay ko.. ay!!! Wala nga pala akong salamin dito… yung sa toilet lang kasi ang ginagamit naming salamin e… kaya kinuha ko na lang ang aking phone at ginamit ang camera nito na nasa harap, saka ko sinimulang pagmasdan ang aking sarili…. Paksyet… nasabi ko sa aking sarili “Poge ko talaga”… grabe…..

Maya-maya parang may narinig akong sumigaw ng ULOL, SINUNGALING, PANGIT…. PANGIT… PANGIT…. Hmmmp… maspangit ka… paksyet…

Toinks…

Ok kung halimbawang kakausapin ko ang sarili ko… ito siguro ang sasabihin ko.

1. Kamusta naman ang buhay OFW? Naging tama ba ang desisyon mo na umalis ng Pinas o hindi.

2. Kaya mo pa ba? Dapat kayanin mo… kasi nagmumukha ka nang tanga…

3. Sadali na lang makakalaya ka na rin at matatanggal mo na ang betlog mo sa dalawang taong pagkakatali sa kumpanya mo… konting tiis na lang.

4. Saan ka kaya pupulutin kung hindi ka lumayo noon? Malamang sa kangkungan.

5. Sigurado ka bang nakamoved-on ka na? o baka naman sinasabi lang yan ng utak mo pero ang puso mo nasa kanya pa rin?

6. Siguro kailangan mo nang mag-Gym… tumataba ka na at lumalaki na ang tiyan mo ah.

7. Huwag mo na silang isipin… di ka naman nila iniisip e.

8. Gusto mong maging mabuting anak di ba? Now is the best time for you to do it?

9. Hindi masama ang maging galante.. ilagay mo lang sa tamang lugar.

10. Huwag kang masyadong maging mabait sa kapwa mo.. minsan dapat karing maging masamang nilalang.

11. Uu tama ka… tanga ka nga… naniwala ka sa sinabi niya e.

12. Don’t expect from anybody…. Para hindi ka masaktan ng sobra.

13. Live your way… away from anybody… aim for the highest star but always keep your feet on the ground…

14. Ang dami mo kasing gustong gawin… magfocus ka muna sa isa.. saka mo na laktawan ang isa kapag may natapos ka na.

15. Matuto kang tapusin ang sinimulan mo.

16. Matuto kang magtipid… yan ang sumisira sa iyo… ang masyadong galante.

17. Huwag kang matakot magmahal bagkus matuto ka lang.

18. Ito na lang isipin mo.. hindi man naging kayo… ikaw parin ang first love niya… McDO?

19. Mabubuhay ka naman kahit wala sila e… ilang taon ka na ring nabubuhay mag-isa… makakaya mo yan…. Kaw pa… e sira ulo ka e no…

20. Akala mo lang tama ka.. subukan mo kayang pakinggan ang mga sinasabi nila… baka sakaling maintindihan mo sila…

21. Minsan ang pinakakumplikadong tanong mo… simple lang pala ang kasagutan… matuto ka kasing magtanong at makinig.

22. Huwag kang duwag… matuto kang humarap at lumaban… hindi ka pababayaan ni ALLAH.

23. Hindi bawal ang mangarap.. pero masmainam siguro kung papangarapin mo lang ang simple at malapit sa katotohanan.

24. Wala kang ibang maaasahan kundi ang sarili mo… kaya magtiwala ka lang sa kakayahan mo..

25. Huwag kang masaydong nega… di ka mapapahamak.

26. Sigurado ka bang kailangan mong lumayo? O baka naduduwag ka lang harapin sila?

27. Ito na lang isipin mo… kung di ka nagabroad.. di ka makakabili ng bago mong phone… kung makakabili ka.. baka aabutin ka lang ng siyam-siyam di ba?

28. HINDI KA TALENTED… nagpapakaTALENTED LANG… di mo sila masasabayan.. kaya huwag kang assuming, ni sa blog mo nga… wala ka masyadong followers at walang nagbabasa!!! Kaya medyo babaan mo lang ang lipad mo… para kung bumagsak ka e di ka masyadong masaktan.

29. Huwag kang mag-alala hindi ka pababayaan ni ALLAH… huwag kang matakot… di ka nila maipapahamak.

30. Basta alam mong tama ka at wala kang natatapakan… it’s fine… pero ang problema.. lagi mong iniisip na ikaw ang tama at sila ang mali… tama ba naman yun.

31. Matuto kang maging Masaya… leave everything behind… masarap mabuhay lalo na kung alam mo kung paano.

32. You have all the chances in life.. huwag mong aksayahin ito… lumingalinga ka nga.. makikita mo ang ibig kung sabihin… despite all the failures you’ve been through, you’re still inside the Kingdom. Hindi lahat ng naghangad na makapunta dito e nakapunta… pero ikaw… andito ka… please… huwag mo itong aksayahin…

33. Nandito ka na… uuwi ka pa ba??? Wala ka namang gagawin doon di ba? Siguro bakasyon… pwede pa.. pero ang pagreresign… dapat siguro pag-isipan mo ng mabuti…

34. Pag-isipan mabuti ang bawat gagawin… huwag padalus-dalus…

35. Uulitin ko… matuto kang lumaban… huwag kang matakot… huwag kang duwag…

36. Lumaban ka para sa karapatan mo.. hindi yung lagi kang nagpaparaya.

37. Kaya ka niya iniwan… dahil hindi ka niya mahal… huwag ka na mag-ilusyon.

38. Hahahaha.. hindi mo siya crush… tibok sa puson lang yan… ilabas mo kaya yan sa banyo.. makikita mo mawawala rin yan.

39. Hanggat kaya mo pa… kayanin mo… at kahit hindi mo na kaya.. kailangan mong kayanin.

40. Hindi lahat ng tao e nabibigyan nang tulad ng pagkakataong ibinigay sa iyo… kaya huwag mong aksayahin ang pagkakataon.

41. Matuto kang magpahalaga sa kung ano ang meron ka.

42. Huwag kang paimportansya… masama yan…

43. Napakataas ng confident level mo… medyo bawasan ng konti.

44. Kaya magulo ang utak mo dahil marami kang iniisip… bawas-bawasan.

45. Hindi bagay sa iyo ang pahumble effect… kaya huwag mo nang itry.

Teka paksyet naman… kung di ko pipigilan ang sarili ko e.. baka hanggang bukas hindi pa ako tapos kausapin ang sarili ko.



O yeah… siya… till here na lang muna… eheheh….


Salamat…


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...