Saturday, June 18, 2011

Bayani ang aking Ama

Sorry sa lahat ng aking pagkakamali, sorry at hindi ako naging magaling na styudante sa paaralan noon, sorry at madalas mali ang mga desisyon ko sa buhay, sorry at madalas mabigyan ko kayo ni Mother ng sakit ng ulo, sorry sa mga pasaway kong ugali, sorry at hindi ko kayo nabigyan ng pagkakataon na maipagmalaki ako, sorry at parating matigas ang ulo ko, sorry sa lahat lahat.
Kaya kong magsorry sa aking mga magulang at kaya ko ring sabihing hindi ko na uulitin ang mga ginawa ko, pero ang hindi ko kayang gawin ay ang panindigan ang mga sinabi ko, dahil dito, nagpapasalAmat ako ng lubusan sa aking dalawang magulang sa pag-iintindi nila sa akin, wala na siguro tayong mahigpit na kakampi kundi ang ating mga magulang.
Alam niyo ba, kung gaano kabusilak ang pagmamahal ng Ina ay siya ring kadakila ng pagmamahal ng ating Ama, siya ang naghahanap buahy para sa atin, maaga palang nakikipagsapalaran na siya upang maghanap buhay para sa pagsapit ng gabi, meron na tayong masarap na hapunan.
Nakapag-aral kami sa magandang skwelahan dahil sa aming Ama, nakapagtapos at naging maayos ang pamumuhay dahil sa aming Ama, masasabi ko na higit pa sa tatlong beses kami kung kumain sa isang buwan eh este isang araw pala dahil sa aming Ama, nirespeto at iginalang ng karamihan dahil sa aming Ama, nagkaroon ng masayang kahapon dahil rin sa aming Ama.
Dahil sa kanya, nawawala ang takot kong harapin ang mga taong kinagalitan ko at nakaaway ko, dahil alam kong meron akong kakampi, kaya kong harapin ang kahit na sino man dahil sa kanya, kapagnakikita ko siya kakaibang tapang ang nasa dibdib ko, higit pa kay Jose Rizal ang pagiging bayani niya sa akin, higit pa kay superman ang pagiging superhero niya sa amin.
Salamat sa suporta at mga pangaral, salamat sa malasakit at pagmamahal, salamat sa pag-aaruga at pagpapahalaga, alam kong ilang beses na kitang binigo pero nandyan ka parin at pilit akong ipinaglalaban at iniintindi, dahil dyan naging masmatatag ako at diterminado, sana ay humaba pa ang buhay niyo ni Mother at bigyan pa ng lakas, upang makabawi naman kaming mga anak niyo sa inyo, sana maging maayos na ang buhay namin upang kami naman ang mag-aalaga sa inyo, sana maraming taon pa ang pagsasaluhan natin.
Hindi man ako naging isang mabuti at perpektong anak, pero alam ng Diyos Allah na sinusubukan ko talagang magpakabait at gawin ang lahat upang maipagmalaki niyo kami.


SALAMAT SA LAHAT SA AKING AMA…


ADVANCE HAPPY FATHER’S DAY PO SA ATING LAHAT!!!







D"N







videokeman mp3
Perfect – This song is Dedicated to my Father

6 comments:

  1. umaalab na pagbati sa iyong ama Al.

    ReplyDelete
  2. proud son ka talaga.. happy Father's day sa tatay mo.. perfect ang kanta ah..ganda!

    ReplyDelete
  3. Matutuwa ang ama mo pagnabasa nya to! Lalo syang magiging proud dad. Daig pa nito ang kahit anong regalo na maibibigay o sa kanya ngayong father's day.

    Happy father's day sa mga tatay at mga nagtatatay tatayan.

    ReplyDelete
  4. Anak ng... hindi na sana ako magcocoment sa Blog na ito.. pero natawa ako sa comment ni MOKS!!!! weeee... nagtatatay tatayan pala hah!!! ahahha... tamaaaa....

    ReplyDelete
  5. happy father's day iyong ama :D

    ReplyDelete
  6. happy dads day kuya!!ang astig ng music mo pra kay dad.hehe

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...