Sunday, June 12, 2011

Dotcom


Wala na sigurong mas astig pa sa domain na Dotcom, lalo na kapag ang gamit mong domain ay ang sarili mong domain name, mas parang angat ka sa ibang blogger at astig, naks!!

Mula pa 1998 gusto ko nang magkaroon ng sarili kong website na gamit ko ang sarili kong domain, at mula pa noon ay talagang pangarap ko na ang gamitin ang www.Musingan.com bilang akong domain name, ang kaso, sa mga ganitong kalakalan, eh madalas kailangan mo ng Credit Card at dahil wala akong Credit Card, hindi ako nabigyan ng pagkakataong makabili ng sarili kong domain, wala rin web hosting company sa Zamboanga City, kaya hangang pangarap na lang ako.

2006 pa ako nagbablog pero nitong February 2011 ko lang sineryoso ang pagsusulat sa blog ko, at kasabay ng pagseryoso ko dito eh nabuhay ulit ang pagaasam kong magkaroon ng sarili kong domain at lalong tumindi ang paghahangad ko ng na magkaroon ng sarili kong domain ng makita kong meron ng bagong domain name si Raymond Diamante ng oneacreofdiamond para sa kanyang blog.

Kung tutuusin, mura lang naman ang domain name eh, makakakuha ka ng sarili mong pangalan sa halagang USD5$, ang kaso tulad nga ng sinabi ko, dahil saw ala akong credit card, eh hindi ako nabibigyan ng pagkakataong makabili nito online, kaya patuloy akong nanibogho kay Acre, hmmmp...

Until.

“The most interesting blog award” came na pakulo ni Roy, wow nabuhayana ko ng loob, sabi ko, ito na, ito na ang pinakahihintay kong pagkakataon, kailangang makasali ako sa pakulo niya at masiguradong ako ang magwawagi, at hindi nga ako bingo ng tadhana, ako nga ang nagwagi, salamat sa mga bomoto.

Kahapon ko nakita ang resulta, masayang Masaya ako, at kasabay nito ay ang pagkataranta kung anong domain ang gagamitin ko, pero tinatanong pa bay un, eh simula’t-simula pa eh gusting gusto ko nang mabili ang www.musingan .com, kaya naman ng magemail sa akin si Roy ay hindi na ako nagdalwang isip pa na sabihing gusto ko www.Musingan.com.

Nyeheheheh….

Well hindi parin po ako makapaniwala at meron narin akong sarili Domain name.

Salamat po talaga ulit ng marami sa mga bomoto sa akin.

Salamat ulit ng marami sa TSC (The Story Circle).
Salamat sa Tausug Network na siyang nagbigay ng malaking puntos sakin.
Salamat sa mga ka-blogs ko lalo na kay Acre at kay Mommy Razz.
Salamat sa mga kasamahan ko sa villa na kahit ayaw nilang bomoto eh mawindang windang sila sa kulit ko...

At higit sa lahat... salamat kay Roy.. sa pacontest niya...


Hala dalwang beses na ako nagsulat ng ganito. ehehehehe..



Basta salamat.


D"N


4 comments:

  1. Congratulations!!! Datkom na sya!! Paburger ka naman... hehe..

    ReplyDelete
  2. paano po ba maging dotcom kuya?gusto ko rin yan hehe. pra hndi na blogspot.com

    ReplyDelete
  3. welcome AL, masaya ako para sayo.. salamat kasi pinapangalagahan mo vote namin ni Diamond R..

    di ako nakapunta sa party mo kasi nasiraan sa ere ang sinasakyan ko, haha! ipadala mo n lang sa akin natira sa handa mo ..lol

    ReplyDelete
  4. Wohhh Oh yeah happy for you little bro.talagang tagos na tagos ang pagpapasalamat at special mention si mommy at ako. At maraming salamat kay pareng roy na bigatin.Pagpapalain ang batang ito.

    WOW ulit www.Musingan.com. SAAn KA pa.Sayang yong diamondR meron dina pwedi.

    Mabrouk ulit.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...