Friday, March 18, 2011

Anu na po ba ang pinaka-craziest thing you did para sa LOVE?


Ok as a promise... here is my blog about... “Anu na po ba ang pinaka-craziest thing you did para sa LOVE?” tanong ni Lhuy of My Journal at syempre kapag may tanong, may sagot. Pero gusto ko e-blog na lang ang sagot ko.

To die for and to live for, to be with you always, to feel your heart next to mine, to feel your soul, your body and your presence, to be alive again and most of all to tell you how much I love you every day in my life.

I can’t stand the pain any more; I have to do something, kung hindi baka mababaliw na ako, almost 9 years na kaming magkasama bilang magsyota at talaga namang masasabi ko na halos lahat ng mga kaibigan namin (take note, NAMIN, kasi lahat ng kakilala niya kakilala ko na rin at lahat naman ng kakilala ko kakilala narin niya) lahat umaasa na kami na ang mgakakatuluyan, everyone in my family are expecting for a wonderful wedding between us, ganun narin naman siguro sa mga kamag-anakan niya, almost nine years na kaming nagmamahalan and sabi pa nga ni Ripley "believe it or not" I never cheated on her, not even in my dreams, I love her so much, she is my life; that’s how I describe her; I love everything about her; crazy ba? Hindi pa yan cryazy;

2008; She’s breaking up with me, sinu? si “She who must not be name” (in tagalog MOKONG), “WHAT?” nasabi ko sa kanya sa phone, “I am falling out love, please understand”, papano mo ba iintindihin ang bagay na yun na alam mo naman ang dahilan, nawawala na ang pagmamahal niya sa akin kasi nahuhulog na sa ibang lalake, may nanligaw sa kanya at yun ang dahilan kaya siya nakikipaghiwalay sa akin, nasa Manila ako that time at nagko-Call Center, F**K she’s asking too much... she’s asking me to let her go, eh para narin niyang sinabing “AL GIVE UP YOUR LIFE”, Ang sakit naman nun.

Umuwi ako ng Zamboanga para kausapin siya, para ayusin ang lahat, pero huli na, sasagutin na daw niya ang lalaking nanliligaw sa kanya, “Ano ba ang meron siya na wala ako?” “Baka sakaling may mabili niyan”, tanong ko sa kanya, “Mabait siya, sincere siya, responsible siya at higit sa lahat Kristiano siya” yun ang sagot niya sa akin, at yun din ang naging pinaka malaking pagkakamali ko, dahil wala ako ng mga yun (wala kasing mabili).

Aaminin ko, I cried so hard, harder than any man can do, hindi ko makakalimutan ang sinabi ni Robert sa akin (a friend of mine in Zamaboanga) “Pumapayat ka AL ah, may maitutulong ba ako sa iyo” smile na lang ang sinagot ko sa kanya at nagpasalamat, wala silang alam, super nasasaktan na ako.

Isang gabi, hindi ko na talaga makaya, kinausap ko ang mga pinsan ko, pinuntahan namin siya upang kausapin at sapilitang itakas sa bahay nila, according to her, kidnap daw ang ginawa ko sa kanya, NOPE, hindi po yun kidnap, itatakas ko lang siya sa kamay ng bago niyang nobyo, dahil hindi pa ako handang ipaubaya siya kahit na kanino pa man, ayaw ko pa, hindi pa ako HANDA.

May dala akong 9mm Pistol, para kung sakaling magkagulo, may panlaban ako, kasama ko ang 2 kong pinsan, lahat kami nakahanda nang mamatay sa mga oras na yun para lang sa kanya, do or die ang gagawin ko, parang sapilitang dukot na rin na masasabi, pinuntahan namin siya sa bahay nila, pero nang dumating ako, "What the..." nakita ko silang magkatabi sa upuan, ang saya-saya nilang nagkukuwentuhan, ang kapatid naman niya, nanonood ng TV habang ang mama naman niya nagluluto sa kusina, hindi ko na kayang e-discribe sa inyo ang nararamdaman ko that time, pero isa lang ang masasabi ko, habang sinusulat ko ito, nararamdaman ko ulit ang parehong sakit na naramdaman ko noon.

Tinawag ko siya, nag-usap kami sa labas ng bahay nila, binulungan ko siya na kapag di siya sumama sa akin, magkakagulo kami dito, pero ayaw niyang sumama, hinihila ko siya, hinihila rin siya ng isang pinsan ko, pero ayaw niya, lumabas ang mama niya, at nagsisigaw, lumabas din kapatid niyang babae, nagsisigaw din, “Al huwag” pagmamakaawa niya sa akin.

Habang nagkakagulo kami, ang bagong nobyo naman niya’y nakatayo lang sa pintuan nila at nakatingin lang sa kanya, walang ginawa, pinagmamasdan lang kami, ano yun? sasabihan mo ang babae na ILOVEYOU pero hindi mo ipaglalaban o ipagtatangol? Wierd!!!

Pero alam niyo, sa gitna ng kaguluhan, binitiwan ko siya, at inalis ko ang kamay ng pinsan ko sa pagkakahawak sa kanya at sinabihan ko ang pinsan ko na "Hayaan mo na" in Tausug way "Pasari na", pinalaya ko siya, hindi niya napansin yun, kasi nagkakagulo na kami, alam niyo kung bakit ko ginawa yun? despite all the pain I felt, dahil nakita ko siyang nanghihina, natatakot, yun ang isa sa mga ayaw kong nakikita sa kanya, yun nawawalan siya ng lakas ng loob, that time gusto ko siyang yakapin at sabihin na “huwag kang matakot andito lang ako, at nakahanda akong mamatay para sayo, maging mali man ang lahat ikaw parin ang kakampihan ko” pero may iba nang gumagawa nun sa kanya. Pumasok sila sa loob ng bahay nila at sinara ang pintuan nila, bago ako lumisan, isang malakas na TADYAK ang ginawad ko sa pinto nila, doon ko nilabas ang lahat ng sama ng loob ko sa kanya, nagalit sa akin ang dalawa kong pinsan, bakit ko daw pinakawalan siya, “BAKIT?” eh mahal ko siya, kaya ko siya pinakawalan, ayaw ko siyang masaktan, ayaw ko siyang magdusa.

Tatlong araw matapos ang nangyaring gulo sa bahay nila, nagtext siya sa akin, “AL... nakipaghiwalay na ako sa kanya, masakit, kasi sandali lang kami nagkakilala, sandali lang naging kami, pero dahil sa ginawa mo, kailangan ko siyang hiwalayan, selfish ka talaga” yun na ang huli niyang text sa akin saka siya pumunta nang MANILA.... SELFISH ba ako, alin ba ang masmasakit at sino ba ang masnasaktan?.

Matapos ang gulong nangyari sa amin, wala na akong nabalitaan sa kanya.

Kapag nagmamahal tayo. Halos lahat ng mga imposibleng bagay ay magagawa natin, sa mga panahon na yun, dahil sagalit at pagmamahal na umaapaw sa dibdib ko hindi ako nakaramdam ng takot sa mundo, pero ngayon, habang sinusulat ko ito, bigla akong kinilabutan, ano na lang kaya ang nangyari sa akin kapag may masamang nangyari isa man sa pinsan ko, baka ako pa ang sisihin nila.

Minsan pa, napatuyan ko “Blood is thicker than water”, dahil bukud sa dalawang pinsan ko, may tatlo pa akong kaibigan na sumama, pero wala namang ginawa at hindi man lang bumaba sa sasakyan at pinagmasdan lang kaming tatlong magpipisan na nagkakagulo.

Revelation;

Dahil sa ayaw ko namang masyadong gawing drama ito, sasabihin ko sa inyo ang sekreto ko.

1. Pellet gun po ang dala ko noong araw na yun na sira-sira pa, napulot ko lang sa tindahan ng bumili kami ng load bago pumunta sa kanila.

2. Pagkatapos ng gulong nangyari sa bahay nila, deretso kami ng Jollibee at pinagtawanan ang isat-isa na parang akala mo’y galing kami sa concert.

3. Pinag-agawan namin ni “She who must not be name” si Chaw-Chaw ang Tasmanian Devil na stuff toy na binigay ko sa kanya, sabi pa ng pinsan ko, magsampa daw ako ng kaso para mapunta sa akin si Chaw-Chaw.

4. Wala talaga kaming planong masama sa kanya, dahil sa totoo lang, napadaan lang kami sa street kung saan sila nakatira, at bigla ko na lang pinara ang motor ko sa harap ng bahay nila at hayun nagkagulo na kami.

5. Nagsumbong si “she who must not be name” sa tatay ko dahil sa ginawa ko, at nangako naman ang tatay ko na pagagalitan ako at papaluin ako sa puwet, matapos magreply ng tatay ko sa kanya, sinabihan akong “Gago talaga yang walang hiya mong ex AL, sinasali pa ako sa kalokohan niyo”.... wala kasi yun pakialam sa mundo kapag hindi balita o politics ang paguusapan niyo.

6. Marami akong ginawang kalokohan para sa kanya, at lahat nun ay natatawa talaga ako kapag naiisip ko yun, dahil hindi ako makapaniwala na nagawa ko yun para sa taong minsan kong minahal.

7. Ang pinaka gusto kong ginawa ko para sa kanya ay yung may kakilala akong nagyaya sa akin na ipakulam siya. Ehehhehe. OPO!!! Nagawa ko po yun, tatlong gabi daw akong dapat maligo ng hating gabi na may binibigkas na dasal at orasyon saka haharap sa salamin at magdadasal ulit, mapapasa akin daw ulit ang babaeng mahal ko. (Weeee di nga) hangang ngayon hindi pa siya napapasa akin.

8. Yung isang manggagamot, pinagtapon ako ng isang maliit na 2x2 na kahoy na punong-puno ng nakatusok na karayum at nakabalot sa telang green na nanenok ko lang sa tindahan ng mga tela ng mama ko, kailangan ko raw itapon ito sa dalampasigan habang bilog ang buwan. Ginawa ko naman po ito, NAKS, dala ang nasabing gamit, hinagis ko ang kahoy at sumigaw ng “DARNA” joke, binasa ang orasyon na binigay sa akin.. tantadaannnn.. ayun... nasugatan lang ako habang pinagtitinginan ng mga tao... pero wala rin nangyari... ehehehe.

ilan lamang ito sa mga kalokohang ginawa ko para sa kanya... at kayang-kaya ko itong gawin ulit para sa babaeng mamahalin ko ulit kung meron pa mang darating... .. .

Paunawa;
Open po ako sa lahat ng panghuhusgang ibabato niyo sa akin, walang problema at hindi ako magagalit maging nega man ito or positibo, hindi rin po ako humihingi ng kapatawaran kahit kanino pa man, nais ko lang ay sana'y maintindihan niyo at maunawaan kung bakit ko yun nagawa. Maraming salamat po.


Ang sarap talagang magmahal no....?



People do crazy things... .. . when they're in love!!!.
                     -          Hercules



D”N



18 comments:

  1. ang haba...what the...wag mo na ito uulitin..haha..pero dont worry binasa ko naman...i love reading love stories..hehe..maganda pagkakasulat.

    ReplyDelete
  2. Seryoso na sana ako Al, naiiyak na, nadarama ang nararamdaman mo pero natawa ako sa sinabi ng pinsan mo kay Chaw-chaw. Ano nakuha mo ba nag custody kay chaw-chaw? talagang si chaw-chaw lang inalala. hehehe!

    Buti okay ka na :-) happy for you.

    ReplyDelete
  3. @Akoni: thanks akoni sa pagbasa sa napakahaba kong post... heheheh...

    @Sey: nasa kanya parin si Chaw-Chaw ko... ehhehehe... hindi ko pa nakukuha... kukunin ko yun pag uwi ko...

    Im ok now.. ok pa sa all right.. weee...

    ReplyDelete
  4. napakasaya ng love story mo AL, mixed talaga at may halong action episode... Tama ka masarap ang magmahal kaya gaano man kasaklap ang iyong nakaraan ay lagi mong iisipin " there's always a rainbow after the rain" best thing for u to do is: maligo araw araw para lagi kang fresh kahit madami ka problema wehhhh....

    ReplyDelete
  5. e di cge ikaw na ang crazy in love. Ang tindi nun men! Pero mas matindi ang tatay mo. Lol!

    People do crazy things when they are at the extremeties of their feelings. Kya nga sabi nila, wag gagawa ng desisyon pg overwhelmed ka. I admire ur love and dedication, pero sana, wag mo na itong uulitin hijo. Love urself, mgtira ka para sa sarili mo. Let go when its time to let go and pilitin magmove on.

    Happy friday lover boy.ü

    ReplyDelete
  6. grabe yun Al. Haahha pero kinabahan ako nung sinabi mo may dala ka baril.. pero buti na lang sinabi mo na pelet gun yun hahaha..

    feeling ko naiintindihan ko naman na ginawa mo lang yun para sa pag-ibig, pero siguro tama din na mahal mo siya kaya pinalaya mo na lang siya.

    pero nakakatakot pa din.. hahaha... sayang lang at 9 years din yung pinagsamahan niyo.. hayyy..

    nagbabago talaga ang tao.. dadating din yung lalake na ay este babae pala na magmamahal sayo ng buong buo.

    ReplyDelete
  7. @Rain: yes... people do crazy things when they are in love... eheheh.. marahil hindi ko na magagawa yung ganun... yung mag 123 dahil sa letcheng pag-ibig na yan... uu hindi ko na uulitin... dahil pinatigas na ng pangyayaring iyon ang puso ko... natatakot na ko... ilan na lang ang itinulak ko papalayo dahil ayaw kong maramdaman na mapapahal ako sa kanila... eow... ehehehee

    @Khamil: opo... nagbabago ang tao... dahil nagbabago rin ang panahon at tumatakbo ang oras... may nagsabi na sa akin na ILOVEYOU... maganda siya... pero sinabihan ko siyang tell it to me 20 years after... let see kung mahal mo pa ba ako... eow.. pero di ko naman nilalahat.. may mga tao rin na talagang wagas kung magmahal...

    @Nelo: ehehhe...kaw talaga,.. uu... maaction talaga ang nangyari sa gabing yun.. ehehe.. uu naman naliligo naman ako araw-araw.. kaw talaga... hhhmmmmpppp...

    ReplyDelete
  8. Crazy in love ka nga.Irony of life; ang sobrang mahal mo di ka rin mahal dahil may ibang minamahal at ang di mo mahal ang siya namang nagmamahal sayo.

    Buti na lang walang power ang mga kung ano anong orasyong ginawa mo.

    Mukhang love mo pa siya hangang ngayon.YON ang CRAZyness.

    ReplyDelete
  9. ang haba pero parang ang iksi lang dahil ang sarap basahin, i love kwentong pag-ibig, touched ako, grabi 9 years? mapupunta lang sa wala..sayang..

    natawa ako sa Revelation, parang walang nangyari ah after kidnapan, pa joli-jollibee pa.. hehe!

    ReplyDelete
  10. Al, habang binabasa ko 'to nakatingin ang boss ko at mukhang seryoso ako sa ginagawa kong pagtatrabaho!!! (lolz!)

    Pero seriously, you are one big crazy guy!

    move on and love again!!!! :)

    ReplyDelete
  11. first time mo ako napaiyak nang hindi tumatawa ah? Grabeh ka pala magmahal. pero sa nakikita ko magiging maswerte ang taong mamahalin mo. kasi ilalagay mo sya pedestal naks.

    Ang tao talaga nagbabago at kung minsan kasabay nito ang nararamdaman natin. Pero lagi nating dapat tandaan na ang lahat ng nangyayari ay may dahilan. Kung minsan maghihintay tayo ng matagal bago maintindihan kung bakit nangyari ang nangyari. Dadaan muna tayo sa katakut-takot na sa sakit at hirap. Pero kung dumating na ang araw na yun lahat ng hirap at sakit mapapalitan ng saya. Ganun din sa nangyari sa inyo, balang araw kapag nakita mo na ang tunay na mamahalin mo magpapasalamat ka at 9 na taon mo lang syang nakasama at hindi habang buhay, dahil kung hindi, hindi mo makikilala ang taong tunay na mamahalin mo.

    Nang-galing din ako sa 8 years na relationship at magulo rin ang naging katapusan. Pero di kalaunan, dumating ang bagong mamahalin at nagpapasamat ako na natapos ang dati. kasi mas masaya ako ngayon.

    hala ang haba na. nadala kasi ako sa kwento mo. at sa huli umiyak na naman ako sa kakatawa dahil sa pellet gun mong dala at mga kulam factor mo dyan. wimner ka talaga al! haha..

    ReplyDelete
  12. Moond: Uu crazy talaga... ehehhe... di na ako sure sa nararamdaman ko para sa kanya... malang wala na.. ehhehe... ready na rin ako maghanap.. kaso huwag muna now.. laan ko muna sa sarili ko ito... ehehheh... saka na..

    @Mommy: mahaba po ba... ehehhe. yaan niyo po.. gagawa ako ng masmahaba pa dyan.. eheheh..

    @Azel: nakamoved on na po ako... bale na ikwento ko lang... kasi si Lhuy kase eh... hmmmp...

    @Mayen: ehehehe.. tama ka... nagbabagao ang tao at nararamdaman natin kasabay ng pagbabago ng panahon... point by point may tama ka sa lahat ng sinabi mo.. maytama ka ata eh.. eheheh..

    wow.. I shall look up to you now... 8 years,,, grabeh... asteg.. napunta lang sa wala... well.. ikaw na ang idol ko... atleast may nakabuti rin pala ang pagpost ko nito... kasi nalaman ko na pwede pa rin pala ako sumaya... kasi I really can feel na masaya ka sa hubby mo now... I am looking forward to that... sana mahanap ko na siya... ang taong tinutukoy niyo...

    ReplyDelete
  13. Dude natawa ako dito. akala ko na seryoso pala to ngek! nakakatawa naman pala nung nagbabasa na ako sa numbering. masar talaga magmahal. tang'na. ngayon nga ay naloloko na ako.

    Good day folk.

    http://arandomshit.blogspot.com/

    ReplyDelete
  14. naku kapag nakita mo na ang para sayo hindi mo na iisipin na sayang ang 9 years. kasi ako wala na yun,mas nanghinayang ako sa panahon ko na nasayang kesa sa relasyon na nawala. Hindi mahalaga ang nakaraan, dahil instrumento lang sila para mabuo ang pagkatao natin. Dadaan lang sila para patatagin tayo. ang mahalaga ang huling mamahalin mo at makakasama mo habang buhay. hala ang drama. may tama na nga ako.. hehe.

    sensya na nag comment na naman. medyo dinaanan ko kasi yang nararamdaman mo, normal lang yan. pero pag dumating na si super woman mo, the long wait will be worth it. We will pray for that.. apir..

    ReplyDelete
  15. haha sobrang natawa ako. seryoso pa naman akong nagbabasa. pagdating dun sa pellet gun tawang twa ako.. nice musingan. love this post..

    ReplyDelete
  16. kua Al naiiyak po ako dun sa nilet go mu sya...kasi 9 years ang haba nun..tapos ganun n lang...natatakot na tuloy akong pumasok sa isang relaxon...jujuju...nakakaiyak tlaga...pro somehow na-enlighten ako sa part yung pumunta n kayong jolibee..

    haysstt...love nga naman....

    ReplyDelete
  17. ahahha.. kaw talaga lhuy... pinag-isip mo rin ako dyan... nyehehhehe...

    ReplyDelete
  18. Gusto kong magkaroon ng aesthetics dibdib. Naghahanap ako para sa isang plastic siruhano sa Turkey.
    Memeestetiği

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...