Sunday, May 8, 2011

Manny Pacquiao

Nasa Loob ako ng Taxi, may pinuntahan, hindi ko na maalala kung ano at papunta saan, basta ang naalala ko ay ang dalawang DJ na nagsasalita sa radio, may pinagtatawanan sila, isang sikat na boksingerong pinoy si Manny Pacquiao, pinagtatawanan nila ang pelikulang gagawin nito. Ang lakas daw ng loob na gumawa ng pelikula, kapal!, aba… teka.. naisip ko lang bigla, bakit nga ba nila pinagtatawanan ang taong yun? Eh buti pa nga yun, may ginagawang pelikula, kumpara sa kanila, wala! Sial ang makapal di ba!

Nasa carenderia ako at kumakain, marami ring mga tsuper ng Jeep at FX ang kumakain doon sa loob, sa di kalayuan sa Mesa ko, may tatlong tsuper na naguusap, pinaguusapan nila ang bagong commercial sa tv na napanood nila kanina habang kumakain, pinag-uusapan at pinag-tatawanan! Noon daw eh siya lang ang sikat, ngayon pati na buong pamilya niya at ang kanyang nanay na si Aleng Dionisa ay gumagawa na ng commercial sa tv, ang kakapal daw mga mukha.

Wait a minute pakeng mainit, teka muna, sino ba ang makapal ang mukha, eh buti nga nanay ni Manny Pacquiao eh may commercial Endorsement na, eh sila, wala, hanggang sa pagmamaneho lang ang kayang gawin.



Nasa MRT ako, nakaupo, sa harap ko ay mga grupo ng estudyante, naguusap, ang ingay ingay, meron silang pinagtatawan, ang interview sa isang sikat na boksingerong pinoy si Manny Pacquiao na naman, pinagtatawanan nila ang pag-eenglish nito, mali-mali daw ang grammar nito, hindi pa daw ma-pronounce ng maayos ang bawat salita, tawang-tawa ang isa habang ginagaya ang pagsasalita ng sikat ni Manny Pacquiao, halos maluha-luha sa katatawa. Agree ng agree naman ang iba sa kanya.

Pinagmamasadan ko naman sila habang naguusap, wala silang kamalay malay, sa loob-loob ko ano kaya ang tingin nila sa kanilang mga sarili, bakit nila kailangan pagtawanan ang isang tao, lalo na ang katulad ni Manny Pacquiao? Hindi ba nila alam na ang pinagtatawanan nila ay mas mayaman pa sa kanila, at lahat ng yaman niya ay pinaghirapan niya, halos mamatay na nga ang tao sa kakalaban basta lang manalo, hindi ba nila alam na ang pinagtatawanan nila ay isang tinitingala sa larangan ng boksing? Bakit kaya ganon ang tao?
2006, may bagyo, isang malakas na bagyo, pero hindi si milenyo, nauna siyang dumating sa bansa bago si milenyo, kagaya ng dati, maraming nasawi at naperwiso, habang nanonood kami ng tv sa boarding house eh pinakita naman ang interview kay Manny Pacquiao ukol sa nalalapit niyang laban na gaganapin sa taong ito, sa likod ko ay isang ka dorm-mate, nang-gagalaiti sa galit at inis, ang yabang yabang daw at ang kapal kapal ng mukha, para magpainterview, eh samantala ang dami-dami raw nating kababayan na walang makain at naperwiso sa bagyo eh hindi daw kayang tumulong nito.

Ohhh… naisip ko lang bigla, bakit kailangan niyang sabihin yun? Bakit kilala na ba niya ang tunay na pagkatao nitong si Manny Pacquiao? Bakit nakadaupang palad na ba niya ito? bakit naging magkaibigan ba sila? Mag-on? Nagkaroon ba sila ng relasyon para masabi niyang hindi daw tumutulong ito? Bakit sigurado ba siyang hindi talaga ito tumulong? At saka hindi niya resposibilidad ang Pilipinas, dahil hindi siya presidente, Boksingero lang siya na naging mambabatas. ANU VEH…. Kakawindang. Kung gusto niyang tumulong hayaan natin siya, kung ayaw niya, wala tayong magagawa, pera niya yan eh, pwede niyang gastusin yan kahit sa saan.

Bakit kaya tayo ganito, bakit hindi na lang tayo maging masaya para sa narrating ng iba, bakit parati tayong may napapansing mali sa ibang tao samantala sa sarili natin wala tayong mapuna, bakit hindi natin nakikita ang ating sarili, bakit ganun?

Hindi ko kilala si Manny Pacquiao, hindi ko pa siya nakakasalamuha, ni hindi ko pa nakikita yan ng personal, pero hindi ko rin naman kayang sabihin na wala siyang kwentang tao, dahil nga hindi ko pa siya nakikilala ng lubusan, kaya nga hindi ako nanghuhusga sa kanya, pero kahit ganon pa man, masasabi ko pa rin na isa siyang mabuting tao, base narin sa mga salaysay ng mga nakakita sa kanya at nakakakilala sa kanya, eh isa siyang mabuting tao, huwag po sana nating husgahan ang isang tao na alam naman natin na masnakakaangat pa sa atin, at kahit na tayo pa ang masnakakaangat sa kanya, wala parin po tayong karapatang husgahan ang kanyanag pagkatao.

Isipin na lang po sana natin na ang pinagtatawanan po natin ay si Manny Pacquiao, at alam naman po natin kung saan siya nanggaling at alam po rin naman natin kung nasaan na siya ngayon, at kung ano man po ang kanyang narating ngayon alam po natin na pingahirapan niya iyon, kaya masasabi ko na kahit sino kapa eh wala kang karapatan para husgahan siya, dahil mas di hamak na pogi siya kesa sa iyo.



No one other than Floyd Mayweather Jr. has ever said no to Manny Pacquiao - TIM DAHLBERG, AP




Congratulations to Congressman Manny Pacquiao for winning over Shane Mosley (with unanimous decision).




Salamat sa pagbabasa.



D"N


Saturday, May 7, 2011

Belated Happy Birthday

“The secret to staying young is to live honestly, eat slowly, and lie about your age.”

At kaarawan pala niya last Thrusday May 05,2011, at dahil sa nahuli ako sa balita at paggreet, eh napag pasyahan ko na lang na gumawa ng special post para sa kanya.

Hmmm… ano ba ang alam ko tungkol sa babaeng ito? Actually wala, eheheheh… isa lang siya sa mga pinapalo ko, at parating inaabangan ang mga post niya, kasi alam ko na kapag naglabas na yan, eh mapapanganga ka dahil talagang may sense talaga ang mga mababasa mo, at hindi yung walang kakwenta kwenta lang.

Hmmm…

Sana sa kaarawan niya at sa mga susunod pang araw eh maging maligaya siya, at matagpuan na ang tunay na kaligayahan. Naks…

Belated Happy Birthnday Sey, sana napangiti ka namin.


Ito po ang picture niya… na ninakaw ko sa Judy Site niya ng wala siyang kamalay-malay.


She came, She Saw, She Conquered.



Pagpasensyahan niyo na po ang kakulitan ko… sinabi ko naman na hahabol ako eh…




Salamat sa pagbati at pagbasa..



D"N


Movie Marathon

Wow.. For two days na nawala ako sa mata ng mga Bloggers… isa lang ang masasabi ko… wow… parang namissed niyo ako.. eh este… namissed ko pala kayo…

Nagkaroon kasi kami ng Problema sa Internet Connections namin.. Actually 5 days na yan kaming walang internet connections.. kaya lang naman ako nakaka internet last week kasi nasa office ako… pero last Thursday and Friday eh hindi ako nakapag-internet dahil sa weekends dito sa amin sa Riyadh, every Thursdays and Fridays kasi ang weekends dito eh.

Kaya naman, sa loob ng dalawang araw. Eh wala akong ginawa kundi ang manood ng Movies at maglinis ng kwarto namin.

Yes… manood ng Movies… MOVIES ahhh… kasi marami… nagumpisa ako Wednesday Night… mga classic movies muna…


Ang una kong pinanood ay ang “The Last of the Mohicans” na pinagbidahan ni Daniel Day-Lewis, pinalabas ito noong 1992. Maganda ang kwento niya at very historical and informative, una ko itong napanood sa Sinehan, noong High School pa lang ako, umiskapo pa kami noon, para lang makapanood niyan. Aaminin ko.. noong bata pa ako.. hindi ko pa iyon lubus maintindihan, nagagandahan lang talaga ako sa pelikula, kaya naman naging paborito ko ito noon. Tapos napanood ko rin ito sa Betamax ng ilang beses. Pero noong Wednesday night ko lang talaga naintindihan ang boong kwento niya.

“Legend of the fall (1994)” Starring Brad Pitt.

Kwento ito ng tatlong magkakapatid na lalake at isang ama, na nakatira sa isang remote area na lugar, habang pinapanood ko ito, di maalis sa isipan ko ang pelikulang Dekada ’70, kasi parang ganito rin ang kwento niya, isang pamilya na pilit na nilalabanan ang lahat at di nagpapaapekto sa nangyayari sa kapaligiran. Una ko itong napanood sa Betamax, at tulad ng una akong nabangit, hindi ko rin ito lubus maintidihan, pero pinanood ko lang din kasi nga si Brad Pitt yan.. Actually di ko naman siya masyadong kilala noon eh… napapanood ko lang… kasi idol na idol talaga siya ng ate ko.


“Top Gun (1986)” wow!!! Sino ba naman ang di nakakaalam sa Movie na ito, Top Gun, halos lahat ata ng mga batang kasabayan ko noon eh alam ang pelikulang ito, siguro nasa edad 8 or 9 na ako ng mapanood ko ito sa Betamax (hindi ako sigurado sa edad ko hah…) basta isa ito sa mga paborito kong pelikula noon at ngayon, para sa akin kasi, parang panlalake talaga ang pelikula na ito. Super like ko siya noon, pero alam mo ba na meron yang contemporary movie? Yes… meron po siyang kasabayan noon, ito po ang “Iron Eagle”.. mas gusto itong pinapanood ng kuya ko kesa sa Top Gun.


Tapos, Pinanood ko rin ulit ang “My Amnesia” na pinagbidahan ni Tony Gonzaga at John Lloyd Cruz… nyeheheheh… at tulad ng dati, tawang-tawa parin ako at kilig na kilig sa kanila… Idol na Idol ko kasi talaga si Tony Gonzaga eh, siya ang klasse ng babae na halos natural lang ang pagkakalokray niya sa pelikula, at siya ang klasse ng artista na super mapapanganga ka sa ganda at galing sa pag pag-arte.


At pagkatapos naman noon eh pinanood ko rin ang pelikula ni “Ate Sarah Geronimo at ni Kuya Gerald Anderson” ang “Catch me! I’m In-Love”  hindi ako sigurado sa title niyan… kasi nakinood lang ako sa laptop ng kasama ko…ahahha.. at tama nga si Diamond… maganda nga ang Pelikulang ito.. Super Like at super kilig din… hahahah.. hindi ko maisip na lokohin ko at asarin na parang bata lang at isang ordinaryong tao lang ang anak ng isang Presidente, tapos naku hah.. ang banat nilang dalawa eh kakawindang din.


At syempre hindi ko rin nakalimutan ang pelikulang “Hating kapatid” ni Ate Sarah at Ate Judy. Ehehhe… maganda talaga siya at sobra ko siyang nagustuhan, super mahilig kasi ako sa mga ganitong movies eh, yun bang tinatawag nilang ano nga ba yun? “Feel Good Movies” ba yun? At yung mga pelikulang patungkol sa mga pamilya. Super natatawa ako sa pagaalaga ni Rica (Ate Judy) kay Cecil (Ate Sarah), yun bang over protective siya, pero ginawa nilang comedy… eh alam naman natin si Ate Judy.. magaling din yan magpatawa at si Ate Sarah di ba… tapos isali mo pa si Vice Ganda at Gina Pareno. Naku.. wala ka na talagang sense of humor kung di ka matatawa or kung hindi eh super classy mo na talaga.


Tapos pinanood ko rin ang pelikulang “Babe I love you”.. Starring Sam Milby and Anne Curtis, ahahahha.. grabe na to… alam ko.. magtatanong kayo sa akin… Mais ka ba AL? kasi ang corny mo eh…. Super gusto ko talaga ang nanonood ng mga pinoy corny movies… kasi natatawa talaga ako at napapangiti at super kilig din ako.. nyeheheheh…. Super like ko siya.. at habang pinapanood ko ito.. eh di mawala sa isip ko si “Lala”.. remember her? yung isang babaeng bida sa post ko na “Eva paano ka ginawa” ehehehhe… tapos alam niyo ba ang ending noon eh napanood ko pa ng ginagawa pa nila ito.. nagkataon kasing nasa Recto ako noon eh. Kaya napanood ko yung shooting noon.


Hayst!!! super dami kong nakasave na movies sa External Hard Disk ko at karamihan dun eh mga paborito kong movies lahat, pinanood ko rin pala ang “The Sorcerer’s Apprentice” starring Nicholas cage… gustong gusto ko rin ang mga ganitong tema ng pelikula… actually eh lahat na lang halos eh gusto ko eh… wala akong pinapalampas.. basta ba may nakapag sabi sa akin na maganda siya, eh madali na akong macurios dyan.

At ayun.. yan nga ang pinaggagawa ko sa buhay ko nitong nakalipas na araw. Bukod dyan eh nalinis din ako ng kwarto namin, and take note… wala ako ni isang maruming damit, lahat eh malinis na, mula sa Pillow Case ko, Blanket Curtain ko, at mga damit, sapatos, eh nalabhan ko lahat. I spent almost a day to wash it, buti na lang at may washing machine na kami. Kung wala naku… ang hirap pa namang labhan ng comforter, super hirap, Di ba Diamond?.

Hayst.. ang hirap talaga ng walang internet no? nakakaboring din pala… pero ang kagandahan doon eh.. napansin ko na parang gumaan ang utak ko.. parang wala nga akong utak eh.. sa sobrang gaan… nakapag pahinga ako ng maayos. At ngayon eh nakakapag isip ako ng tama, at napakarami kong gusto isulat.
Pero sa susunod na kwento na lang. ehehehhe..



Thank you sa pagbabasa.




D”N.


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...