Saturday, December 31, 2011

Gising! (Isang umaga sa Riyadh) Re-Post



Gising! (Isang umaga sa Riyadh)

Tiktilaoooookkkkk….
Tiktilaoooookkkkk….
Tiktilaoooookkkkk….

Sigaw ng manok… kung ano man ang ibig sabihin nun ay hindi ko na alam, marahil sumisigaw siya ng umaga na, gising na o kaya naman binabati niya ang bukang liwayway ng araw. Pero teka, tumitilaok rin naman ang manok sa hapon ah, pero iba ito, araw-araw, tuwing alas kwatro ymedya ng umaga, tumitilaok ang manok na ito….

Tiktilaoooookkkkk….
Tiktilaoooookkkkk….
Tiktilaoooookkkkk….

Hmmmmm…..


"Tiktilaooookkk!!!.. Keaga-aga, ang ingay ingay na, (teka nasa Saudi nga pala ako, at nasa Villa namin, bakit may manok eh wala naman kaming alaga dito at saka bakit parang may disco music ang manok. Nananaginip ata ako!!! Kasi nakikita ko ang mga manok na nagsasayawan sa labas ng bahay namin habang kumakanta ng ‘Pokerface’ by Lady Gaga." -- AL (Guhit ni Annalyn Perez)
Keaga-aga, ang ingay ingay na, (teka nasa Saudi nga pala ako, at nasa Villa namin, bakit may manok eh wala naman kaming alaga dito at saka bakit parang may disco music ang manok. Nananaginip ata ako!!! Kasi nakikita ko ang mga manok na nagsasayawan sa labas ng bahay namin habang kumakanta ng ‘Pokerface’ by Lady Gaga.

Tiktilaoooookkkkk….
Tiktilaoooookkkkk….
Tiktilaoooookkkkk….

Hmmmmm….. kainis talaga….

At muli kong naisip, ahhhh cellphone ko pala, tumutunog na naman ang alarm nito. Tilaok kasi ng manok ang tunog niya na may disco music na background, ‘di na ako nasanay. Alas kwatro ymedya ng umaga ko pinapatunog ang cellphone ko, pero minsan alas singko na ako ng umaga bumabango dahil sa katamaran. Kaya minsan o mas maganda sabihin na lang natin madalas nagmamadali ako sa pagligo at pagbihis para hindi ma-late sa pagpasok sa opisina…

Tiktilaoooookkkkk….
Tiktilaoooookkkkk….
Tiktilaoooookkkkk….

Hmmmmmm…. Ano ba... Ahhhhhh… sarap pa matulog….

Pero kailangan ko nang bumangon kasi kung hindi, hindi na ako makakapagsalah sa umaga. Salah ang katawagan naming mga Muslim sa aming pagdarasal at pagsamba kay ALLAH. Mula nang mapunta ako sa Saudi, naging doble na ang aking pagiging relehiyoso. Limang beses sa isang araw nagsasala ang mga Muslim at limang beses ko rin ito ginagawa.

Malaki ang naitulong sa akin ng pagsasalah, naging mas panatag ang aking kaisipan at mas malawak ang pang-unawa. At dahil sa isa sa mga oras ng pagsalah ng mga Muslim ay sa umaga (alas singko) ginagawa, malaking tulong yun sa akin. Kasi hindi ako nahuhuli ng pagpasok sa opisina, katunayan, ako parati ang nauuna sa pagpaasok kesa sa Boss ko… oh ha… di ba….

Tiktilaoooookkkkk….
Tiktilaoooookkkkk….
Tiktilaoooookkkkk….

Hmmmm… eeeiissshhhh…. Kainis talaga…

Mmmmhhhh…



Ito ang maganda sa cellphone, kapag ginagamit mo ang alarm nito, pwede kang mag-extend, parang sa internet café lang, “Time ka na? Ano extend ka pa?" or kung gusto mo pwede ka rin mag-open time, pa’no? 





Biglang nawala ang tilaok ng manok, marahil napagod sa kakasayaw o kakatilaok ang mga mokong na ito. Ang sarap matulog, walang istorbo, walang ingay, payapa ang mundo, tahimik, walang makulit at higit sa lahat walang tumitilaok na manok…

Teka, bakit nawala? Bakit biglang naging peaceful ang paligid ko, walang gulo, walang disco. Ano na ang nangyari sa mga manok na kanina ay akala mo’y katapusan na ng mundo at bigla silang nawala?

Alarm on snooze
For 10 minutes…

Ehehehe… sarap matulog ulit…

Ahhhhh….. kaya pala, ehhehehe. Madalas ito ang ginagawa ko at ginagawa rin ng karamihan (amininnn). Pinipindot nila ang snooze para mawala ang ingay ng alarm at makatulog ulit (nagpa-alarm ka pa?). Ito ang maganda sa cellphone, kapag ginagamit mo ang alarm nito, pwede kang mag-extend, parang sa internet café lang, “Time ka na? Ano extend ka pa?" or kung gusto mo pwede ka rin mag-open time, pa’no? Madali lang, huwag ka magpa-alarm nang cellphone, tiyak sa tanghali ka na magigising niyan…

Tiktilaoooookkkkk….
Tiktilaoooookkkkk….
Tiktilaoooookkkkk….

Huuuuwwwaaaattttttt…..

Saan na naman galling ‘yan? Tulog na ba ako o cellphone ko lang talaga ang tumutunog ulit o baka naman may manok na talaga na nakapasok sa kuwarto namin, marahan kong binuksan ang aking mga mata, ramdam na ramdam ko ang bigat nito upang idilat, ramdam ko ang antok, sarap talaga matulog, sarap matulog, kakainis, saan ba galling ‘yang ingay na ‘yan…

Ahhhhhhhhhhh

Cellphone ko nga, tumutunog na ulit, natapos na pala ang 10 minutes na palugit ko, hayssssst. Makaulit nga, another 10 minutes ulit, ehehehe. Walang basagan ng trip, wow sarap, ZZzzzZZZzzz…hmmmmm…. ZZzzzZZZzzz… Tahimik na naman ang paligid ko, naglalakbay na naman ako sa aking panaginip, yippieee!!! Nasa ulap na naman ako, ang sarap matulog.

Pero…

Tut…. tutututuuutttt…. tutututututuuuuttttttt…..
tutututututuuuuttttttt…..

Ahhhhhhhhh….

Ano na naman ito… iba na ang naririnig ko… kakaloka na… sobra na talaga over. Ang manok, nagtunog-mono tone ng alarm ng cellphone ng kasama ko sa kuwarto, eeeiiiissshhhh. Kakainis talaga, tumutunog na naman ang cellphone ni Yusop, nagpapaalarm din kasi siya….

At….

Tontontooon…tontontooon… tontontooon…tononnn…
Tontontooon…tontontooon… tontontooon…tononnn…

Diyos ko… Diyos ko… Diyos ko… Patawawin niyo po ako… huhuhuhu… gusto ko pang matulog…



Lima kaming nasa kwarto, at limang cellphone ang tumutunog kada umaga. Kaya wala kang takas kung tinatamad kang pumasok dahil limang cellphone ang mangungulit sa iyo at magsasabing, “Umaga na kabayan, gising na at tayo’y lalarga na! 






Naman…kasi…. kanino na naman kaya ito? Kay Kuya Arnel naman ngayon ang tumutunog… naku naman… Kakawindang, kase sunod-sunod na ang tunog ng alarm ng cellphone naming. Akala mo’y may fire alert na nangyayari, sunod-sunod na ang pag-alarma ng aming mga celphone…kay Glenn, kay Arnel, kay Yusop, kay Ryann at sa akin! Sali mo pa dyan ang pagpapatugtog ng music ni Rhemhard sa kabilang kwarto. Keaga-aga nagpapatugtug na ang bruha, ahhhhhhh… sakit sa ulo talaga, sarap pa matulog pero ang ingay-ingay na.

Magtakip kaya ako ng unan? Pero huwag na, kailangan ko nang bumangon kasi ‘di na ako makakapagsalah niyan. Saka baka maunahan na naman ako sa banyo, alam mo naman si Yusop, kung ‘di pa ako babangon eh hindi rin ‘yan babangon. Kapag nakita na niya akong naghuhugas ng bigas sa lababo para magsaing ng pang-almusal, tatayo na ‘yan at magtatanong, “Al!!! mauna na akong maligo hah?!"

Kaya kailangan ko nang unahan siya. Bumangon na ako sa kama sabay bulong sa sarili ng “ahhhhhh… katamaran lang ito…katamaran lang ito." Naupo ako sa gilid ng higaan ko, nag-iisip, “umabsent kaya ako?" Nakapikit ang mga mata pero nakaupo habang hindi makapag-decide kung aabsent o papasok sa opisina, “Haysst! tinatamad talaga akong bumangon."

Pero wala akong magagawa, kailangan eh, kailangan kong bumangon, “Oh well." Nag-unat na ako ng katawan at naghikab nang naaaaaaaaapakalalim…. “Hay! Sarap talagang ibato ng cellphone ko sa ding-ding. Matulog kaya ako ulit?" Ay huwag na, tumayo na ako, sinuot ang tsenelas ko, naglakad nang nanlalambot. Tinatamad na pumasok sa banyo upang maligo habang naririnig ko pa ang sunod-sunod na pag-alarm ng cellphone naming. Lima kaming nasa kwarto, at limang cellphone ang tumutunog kada umaga. Kaya wala kang takas kung tinatamad kang pumasok dahil limang cellphone ang mangungulit sa iyo at magsasabing, “Umaga na kabayan, gising na at tayo’y lalarga na!

Theeeeee EEnnnnddddddd …. Sarap matulog (Hikab)

“Baby you're all that I want
When you're lyin' here in my arms
I'm findin' it hard to believe
We're in heaven
And love is all that I need
And I found it there in your heart
It isn't too hard to see
We're in heaven…"


Anak ng… ano na naman ito?
Tunog ng alarm ng cellphone ni Bimbie ‘yan… nakitulog na naman sa Villa namin ang lokaretang bakla na ito…. Oh hah… taray di ba?

The End…. 

Visit GMANetwork  Website to view my feature Blog...

---------------------------------

Itong post na ito ang napiling kong isali sa pakontest... sa kadahilanang paboritong paborito ko ito... pagkat bukod sa naiblog ko ito eh una ko itong na publish sa aming Magicians Forum at saka sa GMA Network Website.... at higit sa lahat... ginawan ko rin ng ito ng video blog... ito ang link niya..

http://www.musingan.com/2011/03/gising-isang-umaga-sa-riyadh-video-blog.html


Opisyal na lahok sa REPOST PAKONTEST ni GILLBOARD.... 










Wednesday, December 28, 2011

Reformat (Out of the box state)

Noong nagtrabaho pa ako sa Sitel Philippines bilang Call Center Representative ng Toshiba Technical Support Team, ang pagrereformat na ng laptop ang madalas kong gawin, hindi na siguro bababa sa limang laptop ang narereformat ako gabi-gabi, pero hindi ko ito ginagawa ng personal, kundi nagbibigay lamang ako ng instruksiyon sa mga Amerkanong tumatawag sa amin.

[Spoiler]

Hindi porke’t Amerikano siya ay matalino na, marami rin sa kanila ang hindi marunong at may kulang sa kaalaman lalo na sa aspetong pang teknolohiya, tulad ng kumpyuter, madalas ang isang simple problema sa kumpyuter ay isinasangguni agad nila sa Technical Hotline Toshiba, biruan nga ng mga Call Center Agents, kung halimbawa magtatayo ka ng kumpanya mo sa Amerika, siguraduhin mong may Technical Hotline ang iyong kumpanya o maskilala sa tawag na 1-800-Toll-Free, dahil kung walang makitang ganyan ang mga Amerikano mong mamimili, siguradong hindi nila tatangkilikin ang iyong produkto, nakadepende kasi sila sa mga Technical Agent at Warranty, kasi tamad silang magbasa ng handbook at manual ng isang gadgets.

May mga pagkakataon na ang itinatawag lang sa nila sa amin ay ang paghahang ng Laptop nila, itatawag agad nila sa amin ito dahil may nakita silang mensahe na “Internet Explorer is not responding”, ayan na, o kaya, hinahanap nila sa kanilang laptop ang “Start Button”, mga ganong simpleng bagay na dapat sana ay alam na nila eh tinatawag pa nila.

Pero syempre kahit na gaano pa ka kumplikado ang problema o kasimple ito, dapat parin namin sila tulungan, dahil ito ang aming trabaho, isa nga sa mga problema na kanilang isinasangguni sa amin ay ang “Pagkokonek ng Wifi sa Internet”, ito na ang pinaka mahirap na trabaho na magagawa mo para sa customer/user ng Toshiba Laptop, pero ayos lang, sagad naman kami sa mga training dyan, at para sa akin, malaking advantage ko sa mga ganyang bagay, dahil sa bukod sa may alam na ako ng konti sa kompyuter ay nakapagtrabaho rin ako bilang Call Center Agent ng isang kilalang router company para sa kanilang Technical Support Team, kaya naman hindi na ako nahihirapan masyado.

Ganun pa man kahit na ano pang bagay ang itinawag nila para ipaayos sa iyo, wala ka paring ibang gagawin kundi ang magbigay lang sa kanila ng impormasyon kung papaano mo ito gagawin, sila mismo dapat ang gagawa nun habang kausap ka nila sa telepono, sasabihin mo lang sa kanila lahat ng kailangan nilang malaman para maayos nila ang problema ng kanilang kompyuter.

[Yehey]

Kagabi, unang beses akong aktuwal na nag-reformat ng laptop, di ko pa kasi ito nagagawa mula noon hanggang kagabi, at aaminin ko, wala akong kaalam alam kung ano ang una kong gagawin, kahit na madalas ko na itong gawin noong nasa call center pa ako, nahirapan parin ako, paano naman kasi, magka-iba pala talaga kapag ikaw na mismo ang gagawa kesa sa magbibigay ka lang ng alituntunin sa taong tumatawag sa  iyo, yahoo ako, aaminin ko, nahirapan ako, dahil talagang di ko alam kung saan ako magsisimula.

Ang nangyrai kasi, simula ng lumipat ako ng tirahan, di ako makakonek sa Wifi ng bahay na nilipatan ko, pero silang lahat ay konetekted liban sa akin, pero nakakakonek naman ako sa kapit bahay namin at sa aking sariling router, pero sa kanilang router ay hirap akong makakonek, ang parating lumalabas sa Wifi bar sa left-bottom-side ng aking laptop ay “Limited Access” halos tatlong gabi na akong ganito, kaya naman napilitan na akong ireformat na ang aking laptop kasi paexpire na rin ang aking Internet Connections, kaya dapat ay bilisan na, dahil baka kapag naputulan na ako eh hindi ko na mapapanood ang Pinoy Big Brother.

Buti na lang at may konti tayong alam sa pagbubutingting at pagkalikot ng kulangot, kung hindi eh naku, baka ipinaayos ko na ito sa Computer  Technicians, ang mahal pa naman ng bayad ng pagpapaayos dito sa Saudi.



Salamat sa pagbabasa.




D”N





Monday, December 26, 2011

Caricature ni Matata (1st Blogsary ni Akoni)


Una sa lahat nais kong sabihing PAKSYET ka AKONI, muntik na akong mahuli ni Mr. Abdulmajeed Alkhamis sa pagguhit ng mukha mong kay panget…at sa pagbibilang kung ilang ngipin meron ka sa harap... hayst.. kung hindi lang sa nalalapit mong blogsary hindi ko itataya ang maliit kong bayag (meron ba ako nun?) para iguhit ang mukha mong parang itlog ni Piolo Pascual, pero syempre… dahil sa blogsary mo at hiniling mo naman na gawan ka ng masahe este mensahe pala.. eh syempre matitiis ba naman kita… alam ko naman na may utang pa ako sa iyo na isang post.. yung Birthday mo… di kita nagawan ng kung anong kaek-ekan sa Adobe Photoshop… tinatamad din kasi ako noong mga panohong iyon eh… saka sira din ang Adobe Photoshop ko sa opis, kaya kahit gustuhin ko man di rin kita magagawan… sa bahay naman… eh masgusto ko pang manood na lang ng porno kesa ang gumawa ng kung ano-anong anek-anek sa kompyuter ko…. hayst…





Pero symepre sa pagkakataong ito.. di ko ito palalampasin… at para makabawi narin sa pagkakautang ko sa iyo… and since wala akong adobe sa opis tulad nga ng sinabi ko…. Eh ipinagguhit na lang kita ng kare-kare eh I mean caricature, kahit na alam kong hindi ako marunong… ehehehehe….pero pinilit ko pa rin… para lang sa iyo…  Wala ako idea sa katawagan na yan not until I heard it from Big Brother (naks… english po iyon….), inutusan niya kasi si Erica na gumawa ng caricature ng mga housemate ng Team Wayuk eh at si Deivine naman ang gumagawa para sa Team High Voltage… doon ko lang narinig ang termino na iyan, pero ganon pa man… kay Anthony Andres naman ako unang nainspired na gumawa ng caricature… astig din kasi ang batang iyon.. ang galing talaga niya… anyway… ano nga ba ang Caricature?

Ayon kay wikiki..

Caricature:

A caricature is a portrait that exaggerates or distorts the essence of a person, animal or object to create an easily identifiable visual likeness. In literature, a caricature is a description of a person using exaggeration of some characteristics and oversimplification of others.

Caricatures can be insulting or complimentary and can serve a political purpose or be drawn solely for entertainment. Caricatures of politicians are commonly used in editorial cartoons, while caricatures of movie stars are often found in entertainment magazines.

Ayun naman sa MS Word.. ang other thesaurus term for caricature is Sketching, Drawing, Picture at Skit… Ahhh yun pala ang caricature… ehehehe… ay ewan…mapa lang naman ako eh…as in mapahaba ko lang ang post ko…ehehehe kahit ano pa ang gusto mong itawag dyan… basta para sa akin… drawing yan.. drawing… drawing.. in tagalong guhit ehehehhe… anyway… ano nga ba ang masasabi ko kay Akoni? Hmmm… teka… mahigit isang taon na pala tayo magkakilala no? at mahigit isang taon mo na pala akong inookray…ikaw akoni hah…akala mo hindi ako nakakahalata… ehehehehe… si AKONI!!!! magaling yan magsulat.. kaya niyang magsulat mula sa unang letra ng alphabet hanggang sa huling titik nito… kaya rin niyang magsulat ng mga numero, minsan nga gumagawa pa siya ng sarili niyang letra na kung saan siya lang ang nakakaalam kung anong letra iyon… magaling din siyang magblog hindi nga lang halata… dahil sa puro kapilyuhan ang mababasa mo sa mga sinusulat niya… may mga sinulat din siya na naging paborito ko rin.. yun ay ang Dear Diary niya at Babae, nais niyang makagawa ng aklat… gusto niya kasing maisalibro ang kanyang obra na “Kapitan Sinu”.. kaso ninakaw ni Bob Ong ang obra na iyon, isinumite sa publisher na Visual Print at inangkin na siya ang nagsulat.. kaya napilitan si Akoni na magsulat ulit ng bago, yun na ang “Kapitan Bola”, Kapitan parin ang ginamit niya… para pareho daw ng rangko ni Kapitan Sinu… ehehehhe… naging super mega hit yan sa mga fwens niya dito sa Saudi at sa Amerika… ayaw ko kay Kapitan Bola kasi inaagawan niya ako kay Liwanag… paborito ko kasi si Liwanag eh.. kada labas ng serye na iyan sa aming Outlook eh inaabangan ko ang paglipad ni Liwanag… baka sakaling masilipan ko ng panty… Uu Outlook.. as in MS Outlook… sa MS Outlook niya unang pinublish yan bago niya dinala sa blog world.




Speaking of Blog World… alam niyo ba na ako ang nagsign up ng blog para kay Akoni, nalaman ko kasi na meron siyang librong “Kapitan Sinu” dahil sa curious (naks curious oh!!!) ako kung anong klasing libro yun, nanghiram ako sa kanya… sabi niya sa akin… “Ok pahiramin kita, pero may kapalit”… kinabahan naman ako sa sinabi niya… syempre hindi kami talo sister… ehehehehe… pero buti na lang ng malaman ko kung ano ang kapalit ng paghiram ko ng libro niya nakahinga na ako ng malalim … pahihiramin lang daw niya ako kung mangangako ako na di pwedeng mapako na tulungan ko daw siyang makagawa ng sarili niyang Blog. Ayos… walang problema… kahit sampung blog pa yan akoni… basta pahiramin mo lang ako ng “Kapitan Sinu”… ako na ang bahala sa paggawa ng blog mo….

Actually ako ang kanyang unang followers sa kanyang blog… makalipas ang ilang linggo.. nang bumisita ako sa blog niya… meron na siyang ibang followers... yun ay sina Kamil, Iyakhin, Kiko at marami pa… syempre natuwa naman ako kasi mukhang masaya siya sa kanyang ginagawa. At heto nga… nagulat ako… nalalapit na pala ang kanyang unang Blogsary…. Kaya naman… hindi ko palalampasin ang pagkakataon na ako ang unang makabati sa kanya ng HAPPY 1st BLOGSARY sa iyo AKONI naway marami pa kaming mga kapilyuhang mababasa galing sa guni-guni mong ligaw at giniling na utak…




Trivia… alam niyo ba kung ano ang apilyido ni AKONI? Ehehehehhe
               Sagot: MATATA…. AKONI MATATA (Means no worry)



Hala siya… mag aayos pa ako… lapit na uwian….




visit niyo si AKONI dito AKONILANDIYA...



Salamat sa pagbabasa...



D"N





Saturday, December 24, 2011

Ang Pasko ay Sumapit




Pasko na pala bukas, ikalawang Pasko ko na dito sa Saudi, ikalawang Pasko na wala ako sa Pinas, ano nga ba ang ibig sabihin ng Pasko para sa isang muslim na katulad ko?

Ipinanganak at lumaki ako sa lugar kung saan nakakarami ang mga kristiyano, mula sa kapit bahay namin hanggang silid aralan napapalibutan ako ng mga kristiyano, ito ang Zamboanga City, isang lugar sa Mindanao na kung saan ay magkahalo ang moderno at sinalumang kultura, kaya naman masasabi ko na ako’y hindi isang tipikong tao, dala ko ang isang ugali ng isang makabagong Muslim na mahilig makisalamuha sa mga kaganapang nangyayari sa kapaligiran… mula pagkabata marami na akong naging kaibigang Kristiano, at halos lahat rin ng naging kasintahan ko ay mga Kristiano din, yung isa nga sa kanila ay umabot ng halos walong taong pakikipagrelasyon sa akin eh, meron din akong tinuturing na best friend na Kristiano, pero ganon pa man, hindi yun nangangahulugan na ako ay naniniwala na sa Pasko.

Para sa mga Kristiano ang pasko ay panahon ng pagbibigayan, pagmamahalan at higit sa lahat pagpapatawad sa lahat ng taong nagkasala sa iyo, ito ang panahon ng pagpapakita ng mabuting asal, pero ano nga ba talaga ang kahulugan ng Pasko sa akin? ang pasko para sa akin ay isang espesyal na araw na ipinagdiriwang sa tuwing sasapit ang ika dalawampot-limang araw ng buwan ng Desyembre, sa araw na ito ay ginugunita ng kapatid nating kristiyano ang araw ng kapanganakan kay Hesu Kristo na itinuturing nilang banal na Diyos, ito ang pinaka magandang panahon para simulan ang pagbabago, ang pagsasanay sa sarili upang maging isang mabuting tao, panahon ng pagpapakumbaba at pagaaruga, kung may tao kang nakaalitan ito na ang panahon para siya ay batiin mo, isang magandang simula sa lahat ng tao.

Ang Pasko para sa akin ay isang simpleng pyesta lamang, pero nirerespeto ko ang kahalagahan nito sa mga taong naniniwala rito, dahil tulad ng Ramadan, isang mahalagang okasyon rin ito sa kanila, sa panahong ito, napakaraming Sales at Bargains na binibenta kung saan-saan, kaya naman nauubus parati ang ipon ko, napakarami ring mga magagandang kaganapan sa paligid, tulad ng Konsyerto, Pagdiriwang, Paligsahan, at higit sa lahat mga pakulo at kung ano-ano pang pacontest ni Mayor o ni Kapitana, para siyang isang malaking pyesta na kung saan ang buong mundo ang kasali at nagdiriwang, kaya naman masasabi ko na talagang masaya ang lahat sa panahong ito.

Bilang isang dating mag-aaral, ito rin ang isa sa mga pinakahinihintay-hintay kong araw sa buhay ko bilang estudyante, dahil sa tuwing sasapit ang Desyembre, gustuhin mo man o hindi magkakaroon parin kayo ng tinawag na Christmas Party, at syempre kung may Christmas Party meron ring Exchange Gift o maskilala sa tawag na Monito-Monita, gustong gusto ko ang Christmas Party, dahil sa Monito-Monita, syempre sino ba naman ang taong ayaw makatangap ng regalo di ba?  Naaalala ko pa ang isang pamangkin ko, nagreklamo dahil ang natanggap niyang regalo sa kanyang monita ay maliit na barko na nakalagay sa loob ng bote, nagrereklamo siya dahil sa lahat ba naman ng matatangap niya ay isang kagamitang pang display lang daw na di naman niya magagamit, samantalang ang iba daw ay mga damit, short pants, laruan, at kung ano-ano pang pupwedeng magamit ng isang batang katulad niya, naaalala ko rin noong grade 3 pa ako, ang biniling regalo ng nanay ko para sa aking monito ay isang panyong pambabae tapos ang nakuha ko namang regalo mula sa aking monita ay isa ring panyong pambabae (Toinks!!!!) yun talaga ang tinatawag na “What you give is what you get”, syempre ang pinaka high lights ng Christmas para sa lahat ng mag-aaral ay ang tinatawag na Christmas Vacations, tumatagal ito ng labin-limang araw ng pagpapahinga mula sa pagsusunog kilay sa tanghali tapat, yahoo ako na ang mahilig sa bakasyon.

Bilang isang manggagawa naman, pinakahinihintay ko naman ay ang 13 month pay at pamaskong bonus ng amo ko, dito talagang sinasamba ko na ang may-ari ng pinapasukan kong kumpanya, at masasabi ko sa kanya na siya na ang pinakamabait na matsing sa balat ng saging, dahil sa bonus at regalong matatangap mo galing sa kanya, syempre meron din kaming Christmas Party di ba, hindi na yan mawawala at tulad ng sinabi ko, kung may Christmas Party ay merong monito monita, at dito ang mga regalong matatangap mo galing sa iyong monito o monita ay talagang bongga, merong nagbibigay ng kotse, bahay at lupa, vacation package at kung ano ano pa, pero syempre joke ko lang po yun, eheheheh,, basta ang regalong matatangap mo ay hindi na bababa sa isang daang piso, oh di ba bongga ka sa banga.

Sa bahay naman, nagkakaroon din kami ng sarili naming monito monita, kaming magkakapatid, mga titas at pinsan, nakikisali rin ang aming mga kasambahay, pati nga nanay ko ay sumasali rin sa aming monito monita, naghahanda rin ng konting salo-salo ang ate ko, at bumibili naman ako ng konting paputok sa kili-kili dahil ginagawa namin ito sa bispiras ng bagong taon at hindi sa araw ng pasko, naalala ko pa noong minsan na nagkaroon kami ng monito monita ang nakuha kong pangalan ay pangalan ng ate ko at ang nakuha naman niyang pangalan ay pangalan ko, ehehehe.

Masaya ring dumalo sa mga bahay bahay ng mga taong nagdiriwang ng Noche Buena, daming pagkain at puro masasarap lahat, merong hamon, merong lechon, merong pork adobo, merong kaldereta at kare-kareng baboy, yahoo, ako na, ako na ang hindi makakain, ehehehe, bawal kasi sa mga Muslim ang kumain ng baboy di ba, kaya madalas doon lang ako sa kung ano ang pwede kong kainin, pero ok lang, busog naman ako sa manok at baka, sa mga cake at kung ano ano pang mga putaheng nakahanda.

Hilig ko rin ang magronda sa mga barabarangay tuwing pasko dahil sigurado akong meron silang mga programa sa labas simbahan nila, dahil sigurado pagkatapos ng simbang gabi ay maraming tao sa labas, at marami ring mga kakaning binibenta, hahahaha, mahilig kasi ako sa mga kakanin, tulad ng puto bungbong, puto maya, kutsina, cassava cake, biko, at higit sa lahat bibingka ni Rose anak ni Aling Ester, masarap ang bibingka ni Rose, may kakaiba itong lasa, at lahat ng kalalakihang nakatikim nito ay hindi siya nakakalimutan, maputi, mamasa-masa, malagkit at medyo malata ang kanyang bibingka, kapag kinain mo ang bibingka ni Rose sa likod ng kanilang tindahan, magkahalong pait, tamis at asim ang malalasahan mo, talagang mapapa “hmmmm” ka sa sarap habang kagat kagat mo ang iyong labi, ganyan ang sarap ng bibingka ni Rose… mahilig rin ako sa mga kakanin na hindi ko na alam ang mga pangalan, basta ba makita ko na mukhang masarap siya eh tinitikman ko na agad, kung ano anong putahe, kung ano anong klase ng pagkakaluto, kaya madalas eh bumibigat ang aking timbang sa panahon ng kapaskuhan.

Mahilig din akong mamasyal sa ibat-ibang lugar tuwing kapaskuhan, dahil sa mga ibat-ibang palamutiing nakasabit sa paligid, mga nagniningning na Christmas Light, mga naggagandahang parol at kung ano pang mga anek-anek, syempre hindi ko makakaligtaan ang magpakuha ng larawan sa Plaza, dahil siguradong meron ditong isang malaking Christmas Tree, at ang aming City Hall napapalibutan na ito ng ibat-ibang klase ng ilaw, may pula, puti, bughaw, berde, talagang mamamangha ka sa ganda ng iyong makikita, meron pang mga nagkakantahan at nagsasayawang mga tao sa taas ng entabladong nasa harap City Hall namin, hindi-hindi ka malulungkot kahit ikaw lang mag-isa ang pumunta doon sa plaza para manood.

Talagang napakasaya tuwing panahon ng kapaskohan, dahil hindi lamang ito panahon ng pagbibigayan at pagmamahalan kundi ito rin ay panahon ng pagsasaya, bilang isang mulism, madalas akong makisalamuha sa mga taong nagdiriwang nito, ganon pa man, kahit na anong mangyari hindi ko pa rin kinakalimutan ang aking responsibilidad sa aking relihiyon at limitasyon sa pakikisalamuha at pakikibagay sa ibang tao.


Sana po ngayong pasko tayo ay magkaroon ng ganap na kapayapaan at pagmamahalan.



Maraming salamat po sa inyong lahat at maligayang pasko big brother.




D”N



Wednesday, December 21, 2011

Kiliti



Takot at kaba ang kanyang nadarama sa kanyang dibdib, dahil alam niyang ano mang pagkakataon ay maari silang mahuli ng kanilang kasambahay, pero wala na siyang magagawa pa, unti unti ng binababa ng kanyang mahal ang kanyang brief, at bumulaga dito ang napakalaki at napakatigas na bantayog ng kanyang lakas, lumuhod ito sa harap niya at hinawakan ang kanyang pagkalalaki, ramdam niya ang init ng mga palad nito sa higpit ng pagkakahawak  sa kanyang bahagi, tumingala pa ito sa kanya, nagkasalubong ang kanilang mga mata, napalunok siya ng makita niyang unti-unting binubuka ng kanyang mahal ang kanyang bibig, at napaungol siya ng dumapi ang labi nito sa kanyang tandang, bahagyang naitaas niya ang kanyang kaliwang paa, napapaungol siya ng marahan at napasandal sa pintuan ng kwarto nilang magasawa, hawak-hawak niya ng kanyang kaliwang kamay ang mukha ng kanyang mahal habang ang kanyang kanang kamay naman ay humahaplos sa buhok nito, ramdam na ramdam niya ang kakaibang sarap na parang nakokuryente sa init ng mga labi nito habang hinihigop ang kanyang lakas….

“Oh! Shet! baka maabutan tayo”

Hindi siya pinapansin ng kanyang mahal, patuloy lang ito sa ginagawa, labas masok ang kanyang tandang sa bibig ng kanyang mahal, habang hinahaplos haplos ang kanyang hita at tiyan, itinaas ng kanyang mahal ang kanyang sanadta at pinaglaruan ang kanyang bayag gamit ang dila nito, tirik ang mga mata niya at napapaungol na siya ng malakas, “Oh!! Shet” ramdam niya ang magkahalong kiliti at kaba, pero hindi naman niya kayang pigilan ang ang ginagawa ng kanyang mahal, dahil matagal na niyang pangarap ito, ang makaniig ang kaisa-isang nilalang na nagpapintig nang kanyang puso, pamilyadong tao na siya, mabait at responsableng ama, pero hindi niya alam kung bakit siya natutukso ngayon, marahil, sa tuwing kasama niya ang taong muling nagpatibok ng kanyang puso, nakakalimutan na niya ang sarili, nakakalimot na siya sa kanyang responsibilidad, sinubukan rin naman niyang iwasan ito, pero wala na siyang magawa talagang natangay na siya ng tuluyan sa tukso at tawag ng laman, dahil mahal niya ito, mahal na mahal niya ito.

Hinawakan niya ng kanyang dalawang kamay ang mukha ng taong minamahal niya ngayon at nagpapaligaya sa kanya, siya mismo ang naglayo sa mukha nito sa pagkakasubo sa kanyang kayamanan, (tsup) tumunog pa, bago niya nailayo ng tuluyan sa ari niya ang bunganga ng kanyang mahal, tumingila ito sa kanya at tiningnan siya ng nakakalokong tingin at malanding ngitin, yumuko siya ng bahagyan at tumayo naman ang ito upang mapag-abot ang kanilang mga labi, hinagkan niya ito at ginagantihan rin ito ng kanyang mahal, kung anong init ng mga halik niya ay siya ring ginaganti nito sa kanya.

Hinawakan niya ng dalawang kamay ang mukha ng kanyang mahal, hinalikan niya ito, nakangiti lang ito sa kanya at sinabing “sandali, baka maabutan na tayo ng asawa mo”“hindi pa, mamaya pa yun” sagot naman niya dito, itinaas niya ang sandong suot nito, at tumambal sa kanya ang dibdib nito na may mapula-pulang mga utong, hinaplos niya ito ng kanyang mga kamay habang pinaglalaruan naman ng kanyang dila, nakatingala lang ang kanyang mahal at nagpapaubaya habang yakap-yakap siya nito, tinanggalan na rin siya ng damit at ngayon hubot-hubad na siyang nakatayo sa harap ng kanyang mahal.

Binuhat niya ito at dinala sa sofa ng kwarto, , tinanggalan na niya ito ng suot pambaba at ngayon pareho na silang walang saplot, naupo siya at pinaupo naman niya sa harap niya ang kanyang mahal, nakatagilid ito sa kanya, naglapat muli ang kanilang mga labi na parehong sabik sa isat-isa, hinalikan siya ng kanyang mahal, mula sa kanyang labi papunta sa kanyang mukhang, sa kanyang leeg pababa sa kanyang dibdib, pababa sa kanyang tiyan, nagpatuloy ito sa kanyang ginagawang pangroromansa pababa sa  bantayog ng kanyang pagkalalaki, hinawakan ito ng kanyang mahal at sinimulan muli ang pagsalsal sa kanya at pagsipsip sa kanyang pagkalalaki, tumirik muli ang kanyang mga mata at napapaungol muli siya “Oh!!!!” naitaas niya ng bahagyan ang kanyang puwit at naidiin ng kaunti ang kanyang pagkalalaki sa bungabunga ng kanyang mahal, naramdaman ng mahal niya na nasasarapan siya sa kanyang ginagawa kaya maslalo nitong binilisan at panagbutihan ang ginagawa, hindi niya makaya ang sarap na nararamdaman niya, kaya naman muli niya itong pinigil.

Tumingala ulit sa kanya ang kanyang mahal at nasilayan na naman niya ang mapang-akit nitong ngiti, ang mapulang labi nito, makinis na mukha at nanunuksong tingin, pinaupo niya ito mula sa pagkakaluhod sa ibaba ng sofa, at siya naman ang nagsimulang mangromansa dito, pinahiga niya ang kanyang mahal, saka hinalikan ang katawan nito, sinimulan niya sa mamula-mula nitong utong, hindi niya mawaring isipin na batang-bata pa ito sa edad na dyese otso, at alam niyang siya ang unang karanas nito pagdating sa lalake, kaya naman tigas na tigas na ang kanyang ari sa tuwing maiisip niya ang maputi at murang katawan ng mahal, nakahiga lang ito at nakapikit ang mga mata, alam niyang nagpapaubaya lang itong gawin niya ang lahat ng gusto niyang gawin sa katawan nito, hinalikan niya ito ng marahan pababa sa pagitan ng mga hita nito, wala itong buhok doon, malinis ang pagitan, naaalala niya ang kanyang asawang si Melissa, ganito rin ito noong una silang magniig, malinis ang makinis, walang buhok sa pagitan at mabango, pero hindi niya alam kung bakit kakaibang kagalakan ang kanyang nararamdaman, nagsimula na siyang paglaruan ang pagitan ng mga hita ng kanyang mahal, mula sa pagkakahiga, itinaas ng kanyang mahal ng kaliwang paa nito sa sandalan ng sofa at ang kanang paa naman nito ay inilagay sa kanyang likuran, habang hawak hawak naman nito ang kanyang ulo, “Oh!! Edward, Oh!!!” sambit nito sa kanyang pangalan habang pinaglalaruan niya ang ari nito.

Sarap na sarap na ang kanyang mahal sa kanyang ginagawa, kaya naman itinigil na niya ito, dahil alam niyang kailangan na nilang gawin dahil alam kasi niyang ano mang oras ay darating na ang kanyang asawa at mga anak, naupo siya muli sa sofa at sinabihang maupo rin sa harap niya ang kanyang mahal, hinawakan niya ang naninigas na niyang ari at sinabing ipasok na natin, nakita niyang parang kinabahan ang kanyang mahal dahil alam niyang first time nito, yumuko ito at sinabing natatakot ako, “Huwag kang matakot, I’ll be gentle” saka niya ito hinalikan, pinahiga niya itong nakatagilid sa kanya at nahiga naman siya sa likod nito, itinaas niya ang kaliwang paa ng kanyang mahal at nilagay sa kanyang mga binti, ipinasok niya sa puwit nito ang kanyang banyag, “Hah!! Sa puwit”, gulat na tanong ng kanyang mahal “Uu! sa puwit”, “hindi ba pwedeng i-blowjob nalang kita”, ngumiti siya at sinabing “ikaw talaga”, “baka masakit yan”, “ako ang bahala”, napakagat labi na lamang ang kanyang mahal at napapikit ng maipasok na niya ang kanyang bayag sa puwit nito, “Ohhhh!!!” napapaungol silang dalawa, pinaharap niya sa kanya ang mukha ng kanyang mahal at hinagkan ang labi nito, hindi na nakakaganti ng maayos ang kanyang mahal, dahil sa nararamdaman, magkahalong sakit, sarap at kaba ang nararamdaman nito, hinalikan na lamang niya ang leeg nito at pinaglalaruan niya ang ari nito habang kinacariño naman niya ito sa puwit.

Ilang sandali pa, sabay na nilang naabot ang langit, napatigil siya sa kanyang ginagawa ng nilabasan siya sa loob ng puwit nito, naramdaman rin niyang nabasa ang kanyang kamay sa mga katas na lumabas sa ari ng kanyang mahal, ang kanyang mahal naman ay napapikit at hinalikan siya ng pagkalagkit lagkit, habol ang hininga sa kakaibang sarap na naramdaman nila, ang mala kuryenteng sarap na tanging dalawang taong nagmamahalan lang ang nakakaramdam nun.

Nahiga na siya ng tuluyan sa sofa sa tabi nito, at ang kanyang mahal naman ay sumandal sa kanyang dibdib, hubot hubad sila at naghahabol parin ng hininga, alam niyang pareho nilang naabot ang ikapitong langit, sabay nilang naramdaman ang tamis ng kanilang pagmamahalan, wala siyang pinagsisisihan, matagal na niyang gusto gawin ito, ang mailabas ang tunay na nararamdaman sa taong mahal niya, hinalikan siya ng kanyang mahal sa kanyang pisngi at sinabing “I love you Edward ko” saka muling sumadal ito sa kanyang dibdib, napangiti naman siya dahil alam niyang napakalambing nito, “I love you din Ricardo ko” sinagot din niya ito at hinalikan sa noo, alam niyang mali ang kanilang ginawa lalo na’t isa na siyang Padre de Pamilya ng dalawang anak at isang mabuting asawa, pero anong magagawa niya eh talagang nahulog ang loob niya sa lalakeng ito, sa studyanteng si Ricardo na boarders nilang mag-asawa.



D”N



Tuesday, December 20, 2011

Tahimik na Mundo



Tatlong araw ng tahimik ang mundo namin sa Villa, wala na kasi ang mga dating kasama namin, dahil lumipat na sila, mga dalawang buwan na sa ngayon ng sabihan kaming maghanap na ng malilipatan, hindi namin alam ang totoong dahilan ng may ari ng kumpanyang pinapasukan namin, basta bigla na lang kami pinaabisuhan sa Indianong care taker ng villa na dapat na daw kaming maghanap ng bahay na malilipatan dahil leave-out na daw kami, bibigyan kami ng accomudation at transportation allowance, wala daw magiging problema, aayusin lang daw nila kung magkano ang magiging budget doon para ibibigay na sa amin ang pera, at nitong lingo ngang ito ay ibinigay na sa amin ang nasabing allowance, kaya naman, naging abala ang lolo niyo sa paghahanap ng malilipatan, madaling nakahanap ang mga kasama ko, marami rin kasi silang mga kakilala na narito sa kingdom upang magtrabaho, ako naman wala ring problema, marami ring gustong umampon sa akin, ang kaso nga lang, sa dami nila, hindi ko na alam kung sino ang lalapitan ko.

Noong sabado ng gabi, lumipat na ng bahay ang ilan sa mga kasamahan ko sa trabaho, tatlong kwarto ang mga pinoy sa aming Villa, at yung dalawang kwarto ay lumipat agad, pero sa kwarto namin ay hindi pa nakakalipat, hinihintay ko rin kasi ang dalawa kong kasama ko saan sila lilipat para naman hindi nila masabi na wala akong pakialam sa kanila, syempre kakwarto ko yun, kaya naman kahit paaano, dadamayan ko sila, pero anytime na this week ang alis namin.

Anyway, ng umalis ang mga kasamahan namin, doon ko naramdaman ang kalungkutan, for the fisrt time in my life here in Saudi, nakaramdam ako ng lungkot, kasi magkakalayo na kami ng mga kasamahan ko, kahit papaano naman kasi, halos dalwang taon ko rin silang nakasama at nakakulitan, wala akong problema sa kanila, kung nagkaroon man kami ng konting alitan at di pagkakaunawaan madali ko naman yun kinalimutan, ewan ko na lang yung sila, kung nagtatanim ba sila ng galit o hindi, pero hindi naman lahat ay nakasamaan ko ng loob, may mga mangilan-ngilan lang, at nito ngang umalis sila, may konting lungkot din akong naramdaman.

Pero hindi ko na yun masyadong pinansin, dahil alam ko naman na may hantungan ang lahat, mag-isa akong pumunta dito sa Saudi, magisa rin akong uuwi ng Pinas, at alam ko rin na kahit gaano pa kalalim ang samahan namin o hidwaan alam ko sa puso ko na darataing at darating ang sandali na magkakahiwa-hiwalay rin kami ng landas, dahil ayoko rin na masyadong magtagal dito sa Saudi, ayaw ko na hindi ko masubaybayan ang paglaki ng mga pamangkin ko, at unti-unting pagtanda ng mga magulang ko at kapatid, ayaw ko na mawalay sa kanila ng masyadong matagal, kaya talagang todo sa pag-iipon ang ginagawa ko ngayon.

Medyo natagalan lang ako sa pagdedesisyon kung saan ako lilipat ng bahay, marami rin kasi akong opsyon at mga kakilala na gusto umampon sa akin, pero ganon pala talaga, ang hirap magdesisyon kung andyan na, ito ay  ang “pagitan ng pagtitipd at mga maluhong bagay”, may nahanap akong flat na kung saan ay mala-hotel ang dating ng kwarto nila, ang kaso naman ang mahal, bagama’t hindi ako kakapusin sa gastos pero hidni naman ako makakaipon, wala akong maitatabing pera galing sa accomudation at housing allowance ko, samantalang kapag tumira ako sa bahay kaibigan ko alam ko na malaki ang maitatabi kong pera, halos hindi na nga kasi niya ako pagastusin kung sa kanya ako titira, kasi pareho lang naman daw ang gastos niya, at mukha naman daw akong hidni malakas kumain, kaya siya ang pinili ko, kasi naman alam ko na talagang may maitatabi akong pera kapag sa kanya ako titira, pero syempre, kapag andon na ako, gagastos din ako at magbibigay ng konting pandagdag sa bahay niya di ba, pansamantala lang kasi ako sa kanya, dahil anim na buwan na lang ako mamamalagi dito sa Saudi at uuwi na ako ng Pinas, di rin ako sigurado kung babalik pa ba ako dito o hindi na.

Kaya naman, kahit paano nakakalungkot isipin na wala na ang dating samahan namin ng mga katrabaho ko sa opisina, at alam ko na kahit anong mangyari ay hindi na iyon madurugtungan pa, nagkanya kanya na kami ng landas sa buhay, iisang kumpanya parin pero magka-iba na ng ruta ng pag uwi, magka-iba na ng bahay, alam ko balang araw magkakatagpo ang aming landas sa lansangan, pero alam ko na hindi parin yun mapupunuan ang lungkot ng aming paghihiwalay.


Paalam sa mga kasamahan ko na minsan kong itinuring na kaibigan.


Salamat sa mga ala-ala.


Hanggang sa muling pagkikita.

Saturday, December 17, 2011

Liham



Alam mo ba ang pakiramdam ng akala mo “WALA NA” akala “OK NA ANG LAHAT” yun tipong “KAYA MO NG TUMALIKOD” at “PAGTUUNAN NG PANSIN ANG IBA” yun bang “MASASABI MO NANG WALA KA NG PAKIALAM” pero “BIGLANG NAGBAGO ANG LAHAT” ng makita mo ang kanyang “LUMANG LARAWAN” na kahit alam mong “TINAPON MO NA LAHAT” eh “MERON PA” palang “NAIWAN” sa mga gamit mo at “NABASA MO RIN” ang isang “LUMANG LIHAM” niya sa iyo, na sadya namang sa mga “ORAS” na iyon, hindi mo talaga “INAASAHAN”.

Meron lang akong hinahanap sa mga gamit ko, isang lumang pasaporte, nais ko sanang ma-scan lahat ng mga nakatatak doon na departures at arrivals stamp, para naman sa muling pag-aapply ko eh meron akong maipakita, wala lang, naisipan ko lang yun gawin, mukha kasing plus point yun kapag nakita ng employer na marami na akong bansang napuntahan, sa aking paghahanap, di ko inaasahan na matagpuan ang isang lumang liham ni “She Who Must not be named” sa akin, naisauli ko na kasi lahat ng mga liham niya sa akin, at ang mga larawan naman niya ay wala na rin akong naitago kahit isa, pero nagkamali pala ako, dahil meron pa palang nakatago sa aking lumang pasaporte.

Naalala ko pa ito, tinago ko ito sa aking lumang pasaporte at parati ko itong binabasa sa tuwing nangungulila ako sa kanya noong mga panahong nasa Malaysia ako, kalakip ng liham na ito ay ang isang larawan niya na kusa niyang ibinigay sa akin, nasa loob ito ng aking organizer kaya hindi ko ito naisama ng isauli ko sa bahay nila ang mga liham niya sa akin.

Napangiti ako kahit papano ng matagpuan ko ang kanyang liham, dahil hindi ko talaga inaasahan na meron pa palang natira sa mga ibinigay niya sa akin noon, mababaw lang talaga ang kaligayahan ko, makakita lang ako ng sunset ay nag-uumapaw na ang tuwa sa dibdib ko, ano pa kaya ang malaman mo na meron ka pa palang natirang memorabilia mula sa mapait na kahapon di ba?

Agad ko itong binuksan upang basahin muli, habang pinapadaanan ko ng basa ang bawat letrang kanyang isinulat, binabaybay naman ng aking diwa ang aming nakaraan, naghihintay ako sa kanya sa labas ng aming campus noon, dahil kakatapos lang ng aming klase, nasa labas ako ng campus nakatayo mismo sa tabi ng tarangkahan habang kausap ang guwardya na nagbabantay sa harap ng aming paaralan, nakita ko naman bumaba mula sa trycicle ang aking ate at pumasok sa tindahang malapit sa aming paaralan, kaya naman pinuntahan ko ito at inusisa kung ano ang ginagawa niya doon, may bibilhin lang daw siya sa tindahan na iyon kaya siya bumaba, agad niya rin akong binati sa aking kaarawan at tinanong kung ano ang binigay sa akin ni “She Who must not be named” sabi ko isang sulat ng pagbati, napangiti siya at nagtanong kung pwede ba daw niyang mabasa ito, dahil sa hindi ako naglilihim sa mga magulang at kapatid ko, pinabasa ko naman sa kanya ang sulat, napapangiti si ate habang binabasa niya ang sulat ni “She who must not be named”.

Isa lamang ito sa mga sandali ng aking buhay na mahirap kalimutan, kahit papaano sa kabila ng sakit na dinanas ko sa pakikipaghiwalay niya sa akin naging masaya rin ako sa piling niya, at wala pa akong natatagpuang magpapaligaya sa akin tulad ng giwana niya noong kami pang dalawa, pagkatapos kong basahin ang sulat at pagmasdan ang kanyang larawan, nasabi ko sa sarili ko na wala na pala ang sakit sa puso ko, isa na lamang pala itong mapait na nakaraan na ayaw kong kalimutan dahil alam kong marami pa akong matututunan mula rito, nasabi ko sa sarili ko na matagal na pala akong naka moved on, tinupi ko ang sulat at pinasok sa loob ng maliit na sobre kasabay ng larawan niya, hinawakan ko ito at nag-isip kung ano ang gagawin ko sa sulat, gusto ko sanang itapon dahil alam kong wala na itong silbi, pero nagpasya akong itago na lang ito muli kung saan siya nakalagay, dahil alam ko na balang araw ay magkikita pa rin kami, dahil kailangan niyang malaman na hindi na ako galit sa kanya at gusto kong mapanatag na ang kanyang kalooban, at bilang patunay, gusto kong ibigay sa kanya ang sulat na iyon para malaman niyang kahit papaano’y pinapahalagahan ko parin ang aming nakaraan.


Salamat sa pag babasa



D”N



Thursday, December 15, 2011

The Story Circle's Christmas Party!




The Story Circle's Christmas Party!

December 17, 2011
8:30PM - 11:00PM at McDonald's Quezon Avenue
(Sct. Borromeo, Quezon City)


This is for free!!!
(for forum members and members)

P.S. Every member is required to bring a gift worth 100Php and above for the kris-kringle

Huwag na daw po ung Bicyle na cards ang gift. request lang

Come and enjoy live performances, raffles, games and a whole lot more!

*You are allowed to bring a non-forum member, registration for them is 100Php.

Read more: http://thestorycircle.proboards.com/index.cgi?board=anc&action=display&thread=620#ixzz1gaqBJ7HP




Thank You



D"N




Tuesday, December 13, 2011

Over and Over!


Hindi naman ako katalinuhang nilalang… pero definitely hindi ako bobo, tulad mo marami akong kayang gawin na hindi nila kayang gawin, at tulad nila marami rin silang kayang gawin na hindi ko kayang gawin, kaya patas lang, pero hindi nangangahulugan na ako ay isang ng bobo, marunong ako sa Mahika, sa katunayan, nakapagtanghal na kami sa entablado noon, nakakapagsulat rin ako ng mga kwento at sa loobin kahit papaano, may alam rin ako sa pag-guhit at pagpinta ng larawan, mga simple at hindi masyadong kumplikadong larawan lang naman, higit sa lahat marunong akong magprito ng isda at magsaing ng bigas, kaya hindi mo masasabi na wala akong talento.

Sa paaralan naman, hindi ako bumabagsak sa mga subjects ko, maayos naman akong nakapagtapos ng System Programming sa AMA, nakakaintindi ng mga basic source code ng mga simpleng programming language at script, kaya kong gumawa ng simpleng website at simpleng programming system, may alam ako sa mga graphics design kahit papaano, nakapagdesign na rin ako ng sarili kong bahay sa AutoCAD, oh asan ka pa, bobo na ba ako sa ganon?

May common sense din ako, yung tipong hindi mo na ako dapat sabihan sa mga basic flow ng isang bagay, yung mga common thing na ginagamit natin o ginagawa araw-araw, halimbawa na lang dito sa office, halos dalawang taon na akong nagtatrabaho dito, kaya for sure naman kahit papaano eh alam ko na ang mga dapat kong gawin di ba? Hindi mo na ako kailangan tanungi at pagsabihan, kasi syempre trabaho ko ito, kaya alam ko ang dapat kung gawin, total kung hindi ko naman kaya, eh nakikita naman nilang ako mismo ang nagkukusang nagtatanong sa kanila.

Itago na lang natin siya sa pangalang Eng. Bandar, isang Arabong Ihinyero, mabait naman siya kung sa mabait, makulit at higit sa lahat, very approachable, pero may isa siyang ugali na sadyang kinaiinisan ko, ito ay ang pagiging makakalimutin, sobra akong naiinis sa kanya, sa tuwing tatawag siya sa akin sa telepono, ang parating sinasabi niya, “Hello ya Adelfo” toinks,…. Adelfo hah!!! Hindi naman Adelfo ang pangalan ko, Al Diwallay, ang layo no? pero hanggang ngayon ang tawag parin niya sa akin ay Adelfo, Adelfo kasi ang pangalan ng dating nilang Admin Assistant dito eh, pero wala na yun dito, ako na ang pumalit sa pwesto niya, pero hanggang ngayon di parin maka get over ang lolo niyo sa pagkawala ni Adelfo.

Ikalawa sa tuwing uutusan ako, halimbawa pumunta ng Traveling Depertment, General Service o kaya sa Cad Office, mga ibang departamento dito sa aming office, eh tatanungin niya ako kung alam ko ba daw kung saan ang mga office na ito, “Ya Adelfo, you know Abdullah AlSkait?”, “Yes Sir! I know him”, “He is GS (General Service)”, “Yes Sir, I know him, and his Office is in Admin Building”, “ GS! You know who is our GS?”, “Yes Sir, Abdullah AlSkait”…. Parang hindi siya makapaniwala, na alam ko ang GS namin, at alam ko ang opisina niya, sa tuwing uutusan ako, tatanungin ako kung kilala ko ba daw si “AlSkait from GS”.. at kung sasabihin ko na “Uu alam ko”, parang nagdududa.

Almost every day lang naman ako, pumupunta sa mga taong ito para maghatid ng mga dokumento sa kanila, sa CAD Office si Nino ang focal namin doon, sa GS si Abdullah AlSkait, sa Travelling Agency eh isang Sudanese Guy naman ang contact namin, sa IT marami kaming tao doon na pwedeng malapitan, andyan si Bin Baz isang arabo, Najeeb isang indiano, Abdullah isa ring indiano, pero kung kailangan mo ng mga approval si Mr. Zami ang dapat mong kausapin, sa loob ng halos dalawang taong pananatili ko sa kumpanyang ito, eh natural kilala ko na siguro ang kung sino ang tamang tao na dapat kong kausapin sa mga bagay-bagay na nangyayari sa opisina namin no? hindi mo na ako kailangan pang pagdudahan, pero si Eng. Bandar, over and over again, eh tinatanong ako kung kilala ko ba daw si tapulano at si tapulana….

Kung sa araw-araw na ginawa ng dyos sa opisina eh tinatanong ka kung alam mo bang gawin ang mga bagay-bagay na araw-araw mo naman ginagawa, ano ang mararamdaman mo, kanina hindi na ako nakapagpigil pa, nang tanungin niya ako muli kung kilala ko ba daw si Abdillah AlSkait na yan, kasi meron daw siyang ipapabigay na mga dokumento, eh pinagsabihan ko na siya, “Sir! I hope you won’t get mad at me, but I think we have to clear out some things here, you don’t have to ask me, if I know these persons, and if I say yes you seems to be shocked, I have been working here in this company now for quite sometimes, and I’ve been to theses persons for many times now, for sure I already know their office and the kind of Jobs they’ve got” na shock ang lolo niyo sa sinabi ko sa kanya, hindi siguro ito makapaniwala na marunong akong magsalita ng English, tapos pagsasabihan ko pa siya, “and also Sir, please bear in mind (naks bear in mind talaga), I am Al Diwallay and not Adelfo, the next time you will call me Adelfo, even it is a matter of life and death I will not answer your needs” at nagulat na naman siya ulit.

Nagpaliwanag siya sa akin, kasi nga raw gusto daw niyang makasigurado na mapupunta ang dokumento sa tamang tao, ayaw daw niyang mawala ito at baka maging hindrance pa ito sa aking performance dito sa office, pero sinabihan ko siya na “Do you think Sir I don’t know my job? The way you treat me is like I am a dumb, a brainless and useless person, I am not like that.” At nagsorry naman siya, at syempre ako naman ay mababaw lang ang kaligayahan, kaya sinabihan ko na lang siyang “I’ts ok”, tumalikod na ako at hinatid ng personal ang dokumento na gusto niyang ipabigay.


Hayst.


Salamat,.



D”N


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...