Wednesday, November 30, 2011

“41 RANDOM”



One of the things I love is to answer survey… I have mention this several times in my blog… now I have encountered again a survey to answer somewhere in the NET…. And yes… I enjoyed again…

“41 RANDOM”


Does it matter to you if your boyfriend/girlfriend drinks a lot?:
=Yes!!! It really matters to me, because I only drink occationally.

Do you prefer to take showers at night or in the morning?:
=Both!!!! I love taking a bath while naked… I really feel sexy.

Do you have any expensive jewelry?:
=None!!!! But I am planning to buy one.

Do you have a friend of the opposite sex you can talk to?:
=Yes!!!! I have many friends that I truly trust.

Excited for anything this week?:
=None so far… but I am excited to go home.

Would you cry if you found out you were pregnant?:
=Nope… I won’t be pregnant… never will and never did.. I am a real man.

Where is your phone?:
=In my desk right now… right in front of me.

Do you think your current pets will be alive ten years from now?:
=I don’t think so!!! Because I don’t have any pets.

When was your last bubble bath?:
=About a year ago!!! Before I came to Saudi.

How many kids do you want to have?:
=As many as possible.. to a different woman,.

What outfit do you have on at this exact moment?:
=Skinny type pants, polo shirt, sweater and rugged shoes.

What did you do today?:
=Work, work, work and work.

What color is your hair?:
=If it is short it’s black, but if it gets longer, it becomes brown.

Did you hug or kiss anyone today?:
            =None… I don’t have a girlfriend or a wife to kiss…

Have you ever told anyone you loved them?:
=Yes…. My families and  my friends…

Ever passed out because of alcohol?:
=Sometimes last two years ago… I did…. Too much drinking and too much emotion.

Wanna get married?:
=I was once was… but I am divorce now… if it comes, it comes…

How many wives/husbands do you want?:
=Hahahaha… I don’t know…

Where would you like to live?:
=Both Manila and Zamboanga.

When was the last time you laughed?:
=Just now….

If you were another person, would you be friends with you?:
=Yes!!!! I will….

What do you currently hate?:
=Nothing… I’m at peace now… relax and comforted.

Would you be able to tell someone you love them, even if you didn't feel it?:
=Maybe.. I haven’t try that yet…

What is your issue right now?:
=Issue?? Didn’t get what you mean…

How old will you be in 8 months?:
=The last time I check…I’ll be turning 24 when I stop counting celebrating my birthday.

Do you wish you'll be married by then?:
=Ahahahha… maybe after Five years now… we just don’t know… Fate is Fate.

Was yesterday better than today?:
=Everyday is different from each other.

What does your last text message say?:
=“Asan kana paalis na kami…. (where are you.. we’re leaving.)”

Do you have a crush on anyone?:
=Yes Ms. Anne Curtis… she’s actually my girlfriend… she just don’t know yet.

Do you prefer to call or text?:
=Here in Saudi.. Calling is much wiser then sending SMS, while in the Philippines, SMS is the Smart move you can do.

Do you have any pets?:
=I don’t have any….  But I love to have one…

What were you doing at 12 am last night?:
=I am asleep already…

How do you feel right now?:
=Alive and Kick’n…

Do you prefer shoes, socks, or bare feet?:
=Ahahahha… it really depends on the situations…

Are you a social person?:
=Definitely I am….

What was the last thing you ate?:
=Orange Fruit…. Just a awhile ago at the cafeteria.

Favorite color?:
=Orange and Black…

What are you doing for your next birthday?:
=None…. I don’t really celebrate my birthday… ehehehe…

Are you happy with that?:
=Yes… I am happy with that…

Would you kiss your ex ?:
=Who’s ex??? Ehehhehe… ex-wife or ex-girlfriends. Yes I will… even sex.. ahahahaha…

Have you ever had your heart broken?:
=A-BIG-BIG-BIG YES!!!


And there you go… my latest Survey Questions…



Thank you..



D”N


Monday, November 28, 2011

Ang alamat ng Pink Table


Isang araw, ipinanganak ang isang batang gifted, tawagin natin siya sa pangalang Junior!!!!, tuwang-tuwa ang kanyang mga magulang, dahil wala pa siya sa kanyang unang taon sa mundo eh nakakapagsalita na ito.

Daddy: Anak anong gusto mong regalo  sa 1st Birthday mo?
Junior: Pink Table Daddy!!!!

Hindi siya binigyan ng kanyang ama ng pink na table, dahil hindi naman daw niya ito kailangan, pero binigyan siya ng kanyang ama ng napakaganda at napakamahal na Crib.

Hindi nagreklamo si Junior, dahil isa siyang mabait at mapagmahal na anak.

Lumaki ng matiwasay si Junior at pumasok sa Kinder Garten, siya parati ang nangunguna sa klase sa lahat ng aktibidad at pagsusulit.

Daddy: Anak anong gusto mong regalo  sa graduation mo sa Kinder?
Junior: Pink Table Daddy!!!!

Hindi siya binigyan ng kanyang ama ng pink na table, dahil hindi naman daw niya ito kailangan, pero binigyan siya ng kanyang ama ng napakagandang sariling kwarto…

Hindi nagreklamo si Junior, dahil isa siyang mabait at mapagmahal na anak.




Nakatapos ng matiwasay si Junior at pumasok sa Elementarya, siya parati ang nangunguna sa klase sa lahat ng aktibidad at pagsusulit.

Daddy: Anak anong gusto mong regalo  sa graduation mo sa Elementary?
Junior: Pink Table Daddy!!!!

Hindi siya binigyan ng kanyang ama ng pink na table, dahil hindi naman daw niya ito kailangan, pero binigyan siya ng kanyang ama ng napakagandang Laptop at Desktop…

Hindi nagreklamo si Junior, dahil isa siyang mabait at mapagmahal na anak.


Nakatapos ng matiwasay si Junior at pumasok sa High School, siya parati ang nangunguna sa klase sa lahat ng aktibidad at pagsusulit.

Daddy: Anak anong gusto mong regalo  sa graduation mo sa High School?
Junior: Pink Table Daddy!!!!

Hindi siya binigyan ng kanyang ama ng pink na table, dahil hindi naman daw niya ito kailangan, pero pinadala siya ng kanyang ama sa Amerika at doon na siya ngtapos ng kursong Medicina…

Hindi nagreklamo si Junior, dahil isa siyang mabait at mapagmahal na anak.

Nakatapos ng matiwasay si Junior at umuwi ng Pilipinas upang dito na magpractice ng kanyang profession, siya parati ang nangunguna sa klase sa lahat ng aktibidad at pagsusulit.

Daddy: Anak anong gusto mong regalo  sa graduation mo sa Collage?
Junior: Pink Table Daddy!!!!

Hindi siya binigyan ng kanyang ama ng pink na table, dahil hindi naman daw niya ito kailangan, pero binigyan siya ng kanyang ama ng napakaganda at napakamahal na Kotse para magamit niya sa pagpasok sa Hospital na ipinatayo rin ng kanyang ama para sa kanya…

Hindi nagreklamo si Junior, dahil isa siyang mabait at mapagmahal na anak.

Nagtrabaho ng matiwasay si Junior at nagkaroon ng kasintahang isa ring Doktora, gusto na nilang magpakasal kaya nagpaalam na sila sa kanilang mga magulang na silang magpapatali na sa isat-isa.

Daddy: Anak anong gusto mong regalo  sa kasal mo?
Junior: Pink Table Daddy!!!!

Hindi siya binigyan ng kanyang ama ng pink na table, dahil hindi naman daw niya ito kailangan, pero binigyan siya ng kanyang ama ng napakaganda at napakamahal na Bahay at Lupa, with matching swimming pool pa na nakaharap pa sa dagat at tanaw ang sunset tuwing dapit hapon.

Hindi nagreklamo si Junior, dahil isa siyang mabait at mapagmahal na anak.

Nagkaroon ng matiwasay at masayang pamilya si Junior, puno ng magagandang ala-ala, naging mabait na asawa at mapagmahal na ama, ngunit sa di inaasahang pagkakataon, nagkaroon si Junior ng isang malubhang karamdaman na hindi kinaya ng kayang katawan.

Doctor: I advice na ibigay niyo na kay Junior ang lahat ng attention at pagmamahal dahil hindi na siya magtatagal, kung meron siyang gustong ipabili, ibigay niyo agad, ito ay makakapagpasaya sa kanya.

Mommy: Dear ibigay na natin ang kanyang hinihingi, yung pink na table.. matagal na niyang gusto yun di ba?
Daddy: Oh sige kausapin natin!!!!

Kinausap nga nila si Junior, na puno ng kung ano-anong wire ang katawan, mga wire ng timer at kung ano-ano pang instrumento.

Daddy: Anak, anong gusto mong bilhin ko para sa iyo… magsabi ka lang anak… ibibigay ni daddy ngayon din…

Hirap man magsalita, sinabi parin ni Junior kung ano ang kanyang gusto!!!
Junior: Daddy, gusto ko ng Pink na table!!!

Daddy: Anak!!! Ano ba ang meron sa Pink na Table na yan… mula pa pagkabata mo hanggang ngayon yan parin ang idinadaing mo???

Junior: Kasi Daddy!!! Ang pink na table lang.. ang…. ang…. ang…. urgh…. (R.I.P)


Tiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiitttttttttttttttttttttttttttt!!!!!!!!!!!!!!!! (PATLANG)




D"N













Saturday, November 26, 2011

Amun Jadeed




Bismillah Hir Rahman Nir Raheem!!!


I join the entire Muslim nations in celebrating the observance of Amon Jadid (Islamic New Year), on the first day of Muharram 1433 of Hijri Calendar corresponding to the 26th of November, 2011.


The Islamic calendar is lunar, like the Jewish calendar, with of 12 months of 29 or 30 days each, for a total of 354 days, but the Islamic calendar makes no corrections to align it with the solar calendar so each year the Islamic holidays occur earlier and do not always fall in the same season, “Islamic Calendar is called Al Hijra Calendar” the first day of the Islamic New Year celebrated on the first day of Muharram. Al Hijra is the day when Prophet Mohammed (PBUH) began his migration from Mecca to Medina in Islamic Year 1 (1 AH), 622 CE.

Months of the Islamic calendar

Muharram
Safr
Rabi' al-Awwal (or Rabi I)
Rabi' al-Thani (or Rabi II)
Jumada al-Ula (or Jumada I)
Jumada al-Thaniyya (or Jumada II)
Rajab
Sha'ban
Ramadan
Shawwal
Dhu al-Qa'dah
Dhu al-Hijjah

Unlike the Eid, which is commemorated with a feast, Amon Jadid or Amon Jadid is observed in a sober, moderate and quiet manner, Muharram is the first month and Dhu Al-Hijjah is the last month in Hijra Calendar.



Thank you.



D”N

Tuesday, November 22, 2011

Simple pero masaya



Alas-Dyes na ng umaga dito sa Saudi ngayon, kung nasa Zamboanga lang ako, sigurado kakagising ko pa lang, may sarili kaming kwarto, pero marahil ang una kong gagawin, dederetso ako sa kwarto ng parents ko para mahiga muli, pero di matutulog, kundi manonood ng TV habang nagiisip kung ano ang kakainin, maya-maya papasok na ang kasambahay namin sa kwarto ng parents ko, magtatanong kung ano ang gusto kong kainin, sa dami ng napagpilian ko kanina, eh sa pancit canton lang ako babagsak o kaya sardinas, mula pa kasi pagkabata, yun na ang ulam namin tuwing tanghalian, kung hindi man sardinas o pancit canton eh siguradong maggi mari yan o kaya piniritong itlog, ok lang naman sa amin yung ganun, sanay na kami, minsan naman, may mga natitirang ulam mula kagabi at yun na ang pagsasaluhan namin, minsan kasambahay namin ang nagluluto ng pancit canton o kung ano man ang gusto namin, pero madalas kami lang magkakapatid ang nagluluto ng kakainin namin, madali lang naman kasing ihanda ang mga instant food di ba?, yun nga ang pinakagusto sa amin ng kasambahay namin eh, parang taga bili lang talaga ang responsibilidad nila sa amin, dahil kami din ang nagluluto ng ulam na gusto naming kainin, wala sila masyadong problema sa amin.

Alas-Onse y medya maliligo na ako, para makapagsalah(pray), pagkatapos magbibihis, manonood ulit ng TV, sa kwarto parin ng parents ko, kapag natapos na ang Eat Bulaga saka ako lalakad, susunod ako sa tindahan namin sa bayan, ako ang magbabantay habang tulog si ermats, ako ang pinaka gusto ng mga tindera namin na nagbabantay, dahil pagdating ko sa hapon, may dala na akong isang supot ng tinapay na may palaman na mongo o kaya coconut, minsan cheese bread, pero minsan lang talaga, dahil minsan lang din kasi ako kumain nito, nagpapabili ako agad ng isang litrong coke, kaya naman si ermats eh masaya dahil di na naman siya gagastos ng pangmerienda ng tatlo naming makukulit at magagandang tindera.

Mga alas-kwatro, gigising na si ermats sa kanyang higaan sa likod ng maliit na divider ng tindahan, pawisan dahil hindi siya gaanong tinatamaan ng ceiling fan, pero ok lang, at least nakapagpahinga siya, magtitimpla siya ng kanyang tea sa kanyang tasa, alam niyo ba na mula pagkabata ko, ay hindi ko pa nakikita si mother na uminom ng kape? Dahil mula pagkabata ko, talagang tea lang ang iniinom ni mother, At mula pagkabata ko rin ay halos mabibilang mo lang kung ilang beses lang si mother ko na uminom ng tubig o tea na gamit ang baso? Dahil mula noon hanggang ngayon, eh sa stainless tasa siya umiinom ng tubig, tea o juice, talagang sa tasa lang siya umiinom, kung makakainom man siya ng isa man dyan na gamit ang baso eh sigurado akong napipilitan lang yan, halimbawa kapag may pinuntahan siyang handaan, yun lang ang mga panahong nakakagamit si mother ng baso, nakasanayan na daw talaga niya uminom na gamit ang tasa, weird no?

Alas-Sinco naman ng hapon namamalengke na ang mother ko, habang nagsasara naman ako ng tindahan, sa mga ganitong oras naman dumarating ang kapatid ko, hahabol sa merienda kasama ng asawa niya, galing silang school, nag-aaral kasi ang asawa niya ng nursing, pero noon yun, dahil ngayon nakatapos na, last year lang at kasalukuyang naghahanda sa kanyang board exam, kapag maaga-aga ang kapatid ko na dumating may maaabutan pa silang merienda sa carenderia, pero madalas naman eh wala na, kaya coke na lang ang iinumin nila, habang nagmemerienda sila ako naman ay aalis na, sila na ang bahala sa pagsasara ng tindhan, habang ako naman ay pupunta na sa isang internet café na kung saan eh parati akong tumatambay, dito ako nagiinternet, libre naman eh, kapag isang oras lang ako gagamit, walang problema sa may ari, dahil parang ate ko lang yun, pero syempre, kapalit naman nun eh ang kusang pagtulong ko sa kanyang café, lalo na kapag may problema ang PC niya.

Alas-Sais y medya naman, aalis na ako sa café, dederetso ako sa isang mall sa Zamboanga, maghahanap ng makakasama, kapag wala akong nakita dederetso na ako sa Paseo Del Mar, isang park sa Zamboanga na malapit sa dagat, parang Baywalk na may resto bar at entertainment, pero may malaking park sa harap nito na katabi ng Zamboanga Museum, maraming tao dito gabi-gabi, isang pasyalan para sa lahat ng uri ng tao, masaya dito at siguradong hindi ka mawawalan ng kakilala, lalo na sa katulad kong mahilig sa majika, dahil maraming majikero dito, at halos lahat ng mga nagmamagik doon ay kilala ko, minsan naman bago ako pumunta doon eh dadaan ako sa bahay ng isang kaibigan ko na malapit lang doon, susunduin ko siya para sabay na kaming pumunta park, halos gabi-gabi doon kami tumatambay, basta may pambili na ako ng gas ng motor ko at pambayad sa parking na 5 pesos, ok na ako doon, pero mas mainam kung may pangkain din kahit na tinapay lang at ice tubig, solve na kami nun, magkukwentuhan, magpapasiklaban ng galing sa majika at higit sa lahat, magpakwela sa mga nanonood.

Alas Dyes o kaya alas onse na ng gabi ako uuwi, manonood ng TV ulit habang nagchecheck ng facebook account sa kwarto ko, ang desktop ko ang init-init na, siguradong kaninang umaga pa ito nakabukas, pero ok lang, total makakapagpahinga naman siya kapag natulog na ako ng alas dos ng umaga.


Simpleng buhay lang meron ako. 



Salamat sa pagbabasa.





Monday, November 21, 2011

Someday


Someday – is an English word which literally expresses about future in an indefinite time; oh ha.. English yan…. “Someday” sa tagalog “Balang araw”… nagamit mo na ba ang salitang iyan, isa yan sa may pinakamahalagang ginampanan sa buhay natin, isa sa pinakamakahulugang salita, lalo na kapag “Someday” o  “Balang araw” lang ang sinabi ng isang tao.

“Mga patay gutom, mga walang hiya… mga baluga.. alipin.. magsilayas kayo.. mga walang utang na loob…” galit na sambit ni Don Pacundo sa kanyang driver at pamilya nito.

Daling nagligpit ang mag-anak ni Mang Temyong… pero bago umalis.. lumingon ang isang anak ni Mang temyong na si Anita kay Don Pacundo at tinitigan ito ng malalim at sinabing “Someday”…. Naks!!!

Kitams… sabi ko sa inyo makahulugan ang salitang iyan.. hindi mo alam kung ano ang ibig sabihin ni Anita sa kanyang sinabi, tanging siya lang ang nakakaalam sa kanyang gustong ipahiwatig.

“Someday….” “Someday….” “Someday….” At isa pang “Someday….” …. naisip mo na ba kung kailan nga ba talaga darating ang “Someday….” Na yan? …. Minsan ko na yan nagamit sa buhay ko, minsan nasabi ko na “Someday makakatapos din ako ng pag-aaral”….“Someday… makakapag abroad din ako”…. “Someday….” “Someday….” “Someday….” At isa pang “Someday….” Ulit…  At heto na nga ako ngayon,. Almost 20 years after ko sinabi ang mga bagay na iyon, narito na nga ako at kapiling ko na ang “Someday”…. Na yan… nakatapos na ako ng pag-aaral ko at masayang namamasukan bilang katulong eh este Admin Assistant dito sa desyerto ng Saudi Arabia… mula noong sinambit ko ang salitang “Someday….” Na yan, wala na akong ginawa kundi hintayin ang kanyang pagdating, at alam mo ba… bago ko pa man namalayan, dumating na pala siya, at yung ibang “Someday….” ko eh nilampasan na pala ako ng tuluyan at isa na lang ala-ala…

Ngayon panibagong “Someday….” Na naman ang aking hinihintay, panibagong pag-asa at panibagong pagsubok, sana kung dumating man ang bagong “Someday….” Na yan sa buhay ko, eh sana lahat ay maayos na…. konting tiis lang naman.. alam ko balang araw darating din ang “Someday”…. na yan…


Salamat sa pagbabasa.



Sana bumalik pa kayo dito “Someday….”


D”N

Monday, November 14, 2011

Quote 001: The Pencil Maker


I was wandering around the admin building this morning when I thought of this idea of making a new segment link in my navbar, this link will actually lead you to all my post about My favorite Quotes, in this segment, I will stress out some of my favorite quotes and explain how is that quotes affected my personality and emotional feelings, I hope you all like it. 





Let’s begin with this quote.

“The pencil Maker taught the pencil 5 important lessons”

1. Everything you do will always leave a mark
2. But you can always correct the mistakes you make
3. What is important is what is inside you
4. In life you will undergo painful sharpening which will make you a better pencil
5. To be the best pencil, you must allow yourself to be held and guided by the Hand that holds you.

Opinions:

1. In everything you do, truly it leaves a mark, it may become your legacy or your worst nightmare, it will tell your story over and over again and most of all will define your personality, so push you self to your limits, go beyond what you can do, explore and have fun, but always remember to be good in everything you do, because it will really leave a mark and tell your stories.

2. Remember that you can always correct your mistakes; you can learn from your past, we should not forget our past, we have to look back and understand the meaning of life from it, but we must always move forward and face the truth.

3. It is really important to keep your faith, your personal being is what really makes us different from one another, be always sincere in everything you do, have a clean heart, free your mind and heart from hatred and grudge, this will help you a lot in your long journey.

4. Remember, Manny Pacquiao will not be the place where he is right now if he didn’t have a hard work training in boxing, no wrestler has won a belt if they did not take the risk, no athlete has won a gold medal without a painful preparations, no Doctors, Attorneys and any other professionals has license and a good career without a night after night candle light burning studies, no soldiers has become a general without going to a battlefield, no matter how tall the mountain is or how low it is if we will not start to claim and feel every stress we will not reach the top, take the risk and feel the pain, that’s the key to good life.

5. Above all, let yourself be guided by those who has more experience than you, yes you are smart, but not smart enough to know everything and every aspect of life, if you want to be on top of the mountain with less hassle, you must follow your tour guide, learn to follow guidelines, start from the basic, and lastly if you want to be successful surrender your life to GOD for he is the one who knows everything.


Thank you for reading.


Till next time.


D”N

Sunday, November 13, 2011

Kilalanin si Super Hero (Pahina 3)


Kilalanin si Super Hero (Ni AL Diwallay) Kabatana - II





Umaga – Pawisan na si Emong kahit katatapos lang niya maligo’t magbihis tagatak na ang pawis sa kanyang mukha, ang kaninang malinis na puting panyo, ito marumi na sa kakapunas niya sa kanyang mukha, naka upo siya sa unahan ng FX habang nagmumura ng pabulong, “Anak ng… Traffic na nga, sira pa ang Air-Con ni manong!” papasok siya ng opesina pero halos isang oras na kaunti lang ang ginalaw ng takbo ng mga sasakyan, lahat ng ng pasahero ay nagmamadali, estudyante, empleyado, mamimili at kung sinu-sinu pa pero mabagal talaga ang daloy ng trapiko, inip na inip na si Emong sa loob ng sasakyan habang ang isang ale na kasabay niyang nakasakay sa likod ng FX  ay maasim na ang mukha dahil sa malansang amoy ng kili-kili ng mamang katabi niya, ni walang pakialam at parang may sariling mundo, ang driver naman ay abala sa pagmamaneho at pakikipagpaligsahan sa ibang driver sa kung sino ang may pinaka malakas na bosina ng sasakyan, ang isang binata naman ay kanina pa nagpapacute sa kasabay nilang estudyante na abala naman sa pakikipagtext sa nobyo.

“Pare! Mukhang malalate ako, haba ng traffic eh!”.

Tumawag na siya sa kasama, dahil alam niyang mukhang mali-late na nga siya at para maabisuhan na rin ang bisor niyang masungit at mukhang araw-araw ay may regla, sa SM City lang naman siya ngtatrabaho bilang salesman at sa may España naman siya nakatira, pero dahil sa bagal ng daloy ng trapiko sa araw na ito, mukhang mahuhuli ata siya sa pagpasok ng trabaho.

Abala ang lahat sa kani-kanilang buhay, hindi pansin ang oras, hindi pansin ang isat-isa nang biglang may marinig silang sigawan ng mga tao,  galing sa kanto ng España at Padre Campa, ilang metro ang layo sa kanila, inilabas ng driver ng FX ang kanyang ulo sa bintana ng sasakyan para masilip ng mabuti ang kaguluhan pero walang epekto, hindi parin niya Makita, maya-maya dumaan ang isang lalake, nagmamadali, mukhang umiiwas o may pupuntahan.

“Boss! ano po ang nangyari?” tanong ng driver “Ah si Ceeeeesaaaaar Mhon taaannaoo maahaaayy  siiieaooyyuuu aiiinnggg.” Sagot ng hinihingal na lalake saka umalis.

“Ano raw?” tanong ng aleng  kasabay ni Emong na nakaupo sa likod ng FX  at maasim parin ang mukha dahil sa malansang amoy ng kili-kili ng mamang katabi parin niya at wala paring pakialam pero ngayon ay mukhang naala-alang hindi lang siya ang tao sa mundo at nang-usisa narin .

“Kuya ano po ang nangyari?” tanong niya sa driver.

“Ewan, di ko naintindihan, si Cesar Montano daw may shooting.” sagot ng driver sa nang-uusisang lalake na nakaupo sa likod ng sasakyan.

Pagkalipas ng ilang sandali, nakita na rin nila ang kaguluhan sa kanto ng España at Padre Campa, isang lalake ang nagwawala, may hawak na baril at mukhang may hang-over pa mula sa magdamagang pakikipag inuman kay kumpare niyang mabait lang kapag may pera siya.

“Pare akala ko ba may shooting?” tanong ni Emong sa lalakeng vendor ng nilagang mais na nakatayo malapit sa kanilang sasakyan.

“Ahhh anong shooting?” patanong na sagot naman ng lalakeng vendor ng nilagang mais.

“Eh kasi sabi kanina may shooting daw si Cesar Montano!”
“Ay naku mali, kapangalan lang yan ni Cesar, nagwawala na naman,  iniwan kasi ng asawa kagabi”

Si Cesar pala, nagwawala dahil sa niliyasan ng asawa kagabi “Mga hayop kayo, ilabas niyo ang asawa ko, kung hindi magkakamatayan tayo” sigaw ni Cesar na parang asong ulol habang hawak ang isang .38 revolver na baril na mukhang ginamit pa ng kanyang lolo sa pagtugis sa mga hapon noong 1942 kasama ang mga Amerikanong sundalo.

“Ilabas niyo ang asawa ko.” Sabay sipa sa mga kariton ng mga vendor ng mais, dyaryo, manga, fishball at kung ano ano pa,
“Ilabas niyo ang asawa ko.”

Bang! Bang! Bang!.... tatlong putok ang narinig nila mula sa hawak ni Cesar na baril pero walang tinamaan dahil pataas naman ang kanyang pagpapaputok at parang nagbibigay lang ng warning shot o nananakot.


Itutuloy… .. .




D"N



Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...