Saturday, January 28, 2012

Lakad Dito, Lakad Doon


KANINA naglakad ako papunta sa isa sa mga Pinoy Restaurant dito sa Riyadh, wala lang, trip ko lang kumain mag-isa, nagluto naman ang kasama ko ng masarap na pagkain, pero parang mastrip kong kumain na lang sa labas, magwaldas ng pera, gumastos ng 11 Saudi Riyal para sa dalawang ulam, isang rice at isang tubig mineral, weeeee, mura lang naman eh, di naman kasi yun isang class na restaurant, wala lang lang trip ko lang talaga.

Habang naglalakad ako papuntang Pinoy Restaurant, nakikinig naman ako ng musika sa aking lumang mp3, Rap Song from “Skully Klann” ang pinapakingan ko, “In Darkness” ang pamagat, isa silang underground Hip-Hop Artist at isa rin sa mga pinaka-unang grupong nabuo sa Zamboanga City, isa rin sa mga members nila ay isa sa mga mahigpit kong tropa, since high school pa kaming magkaibigan, siya ang kumanta ng last part ng kantang “In Darkness”, try niyo hanapin sa YouTube ang kanta na yan, basta huwag niyong kalimutan na itipa ang “In Darkness by Skully Klann”.

Anyway, tulad nga ng sinabi ko, naglakad ako papuntang Pinoy Restaurant, masaya akong naglalakad habang sinasabayan ko ang kanta mula sa Skully Klann, habang kinakanta ko yan, naisip ko ang mga panahong nagdaan, dati, ang tanging pinoproblema ko ay kung papaano ako magkakaroon ng 30 pesos para makapag internet na sa kanto, iniisip ko kung papaano ko titipirin ang perang baon ko para sa weekends ay 1 to sawa akong maglalaro ng Quake o Half-Life, first year collage na ako ng maadik ako sa Internet, around 1996-1997 ata, si Rod ang nagturo sa akin kung papaano gamitin ito, siya rin ang tinutukoy kong tropa ko na naging myembro ng Skully Klann, dati naaalala ko noong mga panahong iyon, napaka-simple lang ng buhay ko, tanging problema ko lang ay ang Prof ko sa Chem. 120 namin, pero ngayon iba na ang lahat.

Habang naglalakad ako naisip ko, na mahigit sampung taon na pala akong namumuhay mag-isa, nagdedesisyon mag-isa, kumakayod mag-isa, pero sa loob ng sampung taon na yun, ano na nga ba ang napatunayan ko sa sarili ko, ano na ba ang naipundar ko, sino-sino naman kaya ang nakasalamuha ko, sa dami na ng pinagdaanan ko, ano-ano na kaya ang natutunan ko, dati ang kahabaan ang ng kalsada mula sa RACCS Internet Café papuntang sakayan ng Jeep pauwi sa amin ang nilalakad ko, ngayon ang kahabaan na ng kalsada sa Batha dito sa Riyadh ang tinatahak ko, sabi nga ni Dello “malayo na ang narating dapat na bang lumingon”, isang makahulugang linya sa kanyang kanta na sadyang parati kong naiisip, sa layo na ng aking narating, sa dami na ng aking nagawa, kelan kaya tayo dapat tumigil para lumingon sa pinangalingan natin, madalas natin yan marinig pero kelan nga ba ang takdang panahon ng paglingon, kung sakaling lilingon na tayo, sino ang dapat nating lingunin at sino ang dapat na iwasan?

Habang naglalakad ako, may nakasalubong akong mga grupo ng kabataan, marahil mga edad labin-walo pababa, grupo ng mga kabataang Arabo, magkakasama sila, nagkukwentuhan sa isang sulok ng kalsada sa labas ng isang coffee shop, nagtatawanan, mukhang nagkakaigihan sa kantyawan sa isat-isa, naisip ko lang, habang pinagmamasdan sila, ano kaya ang kanilang pinag-uusapan, katulad ko rin kaya sila na tanging prof lang sa isang subject ang pinoproblema? Katulad ko rin kaya sila na naghahanap noon ng paraan kung papaano ako makakahingi ng isang-daang piso sa aking mga magulang para makapag 1 to sawa na ako sa paglalaro sa Internet Café, marahil hindi, pero ok lang, ang talagang nagpangiti sa akin ay nang maisip ko na kelan kaya sila aabot sa punto na masasabi na nila sa kanilang sarili na kailangan na nilang pagbutihin ang lahat ng kanilang gagawin, dahil isang beses lang tayo mabubuhay sa mundong ito, kaya kailangan nating pagbutihin ang lahat.

Habang naglalakad ako, nilingon ko ang paparating na sasakyan mula sa aking likuran, Indiano ang nagmamaneho, ngumiti siya ng matapat sa akin ang kotse niya, dahan-dahan lang naman ang pagpapatakbo niya e, ngumiti rin ako, naisip ko lang, gusto ko magkakakotse ako bago ako umabot sa edad na 35, gusto kong matulad sa kanya, mukhang bata pa kasi ang nagmamaneho e, ang kaibhan lang namin, ako gusto ko, sarili kong kotse ang gagamitin ko, hindi tulad niya, isang taksi.

Habang naglalakad ako, naisip ko lang na araw-araw pala ay binibigyan ako ni GOD ALLAH ng pagkakataon para itama ko ang mga maling nagawa ko kahapon, tulad ngayon, nasa Saudi ako, nasa akin lahat ng pagkakataon para makaipon at para umasenso ang buhay, nasa akin ang lahat ng pagkakataon para mapabuti ko ang aking sarili, kung nadapa man ako ng ilang ulit noon, tinitiyak kong pagbubutihin ko na sa susunod na hamon.

Amen…

Wasak….


3 comments:

  1. kayang maabot ang mga pangarap basta magsisikap. =D

    ReplyDelete
  2. naku malayo na ang narating mo kaibigan. imagine 10 years ka ng nakatao sa sarili mong paa. (alangan naman paa ng iba? di naman pwede yun.) hehe.. I mean, sa tao malaking achievement na yun na kaya mo mabuhay ng di umaasa sa iba. Ibig sabihin, kahit ani mangyari kaya mo. Saludo ako ayo. Sigurado ako malayo ang mararating mo. Pag nagka-kotse ka, paakayin mo kami ni twin sis. Pero wag mo na kami aasarin ng sobra. haha..

    Nakakatuwang makinig ng song kung kilala mo mismo ang kumakanta diba? Yung best kong guy mahilig din mag record ng songs nya and yung iba nasa playlist ko din.

    happy weekend Al. Sorry sa sobrang dami ng ni-link ko sa post ko ngayon nakalimutan kita i-link. pero ok na ulit. Thanks. :)

    ReplyDelete
  3. Balang araw makukuha't makukuha mo rin kung anong gusto mo sa buhay mo at sa oras na iyon maiisip mo na "noon pinapangarap ko lang, ngayon eto na ako nasa kamay ko na".

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...