“Itay!!! Itay!!! Huwag mo kaming iwan Itay, huhuhu!!!” iyak ng sampung taong gulang na si Danica sa kanyang ama, kitang-kita niya ng kanyang dalawang mata ang nakakaawang kalagayan ng ama, putlang-putla na ito at pawis na pawis dahil sa sakit na nararamdaman, ilang gamot na ang naubus nito pero hindi parin ito gumagaling, “Itay mahal na mahal kita itay!!!” sambit niya sa naghahabol na ng hininga na ama, “anak ok lang ako huwag kang mag-alala, gagaling pa ako” pagpapagaan niya ng loob sa anak, alam niyang mahal na mahal siya ng kanyang pamilya, lalo ng kanyang mga anak, alam niya sa kanyang sarili na naging mabuti siyang ama sa mga ito, pero ngayon hindi na niya kayang tingnan ang mga anak, dahil naaawa siya sa mga ito, lalo na sa bunso niyang anak.
“ichay..wak nyo tami ewan, ma’al ita ichay….” Naaawa siya sa kanyang sarili, alam niyang wala pa masyadong alam ang bunso niyang anak, peo sa edad na limang taong gula ay kaya na nitong umintindi, ang kanyang pamilya lang ang nagbibigay sa kanya ng sigla at saya, pumapawi ng pagod mula sa buong araw na pagtatrabaho, nagbibigay sa kanya ng pag-asa, at nagbibigay dahilan na maniwala siya na sa anu mang laban e kaya niyang harapin at pagtagumpayan dahil alam niyang may pamilya siyang naniniwala sa kanya at sumusuporta.
Niyakap niya ang kanyang bunsong anak, kahit na hirap ng huminga, namumutla at pawis na pawis, pinilit parin niyang ngumiti para dito “anak ko, bunso ko, mahal na mahal din kita” hinalikan niya ang anak saka ibinilin kay Danica ang pangangalaga sa kapatid, “Danica, anak!!! Huwag mong pabayaan ang kapatid mo, magmahalan kayo” paghahabilin niya sa anak habang nakahiga sa kama’t nahihirapan ng huminga, “Itay huwag po kayong magsalita ng ganyan, gagaling pa po kayo”, sagot ni Danica na hindi parin tumitigil sa pagiyak, lalo na kapag naririnig niya ang ama na sinasabing “Urghhh!!! Ayan na.. hindi ko na talaga kaya, malapit na siya….”, “Anak Danica, Anak, huwag mong pabayaan ang kapatid mo, mag-aral ka ng mabuti, mahal na mahal ko kayong tatlo, ikaw at ng kapatid mo, nanay mo”, pagpapatuloy niyang pagbibilin sa anak.
Maya-maya pay dumating na ang kanyang asawa, may dala itong isang basong tubig at gamot, “Ruben!!! Inumin mo muna ito, para bumuti ang kalagayan mo” sabay abot sa kanya ng gamot at baso ng makalapit ito sa kanilang tatlo sa kama, “Hindi na Anisa, wala namang maitutulong ang mga yan sa akin.. ang kailangan ko ngayon ay dasal, kung kukunin na ako ng panginoon, maluwag sa puso ko na ako ay sasama sa kanya”, sagot niya sa kanyang butihing asawa, “Ruben!!! Huwag ka nga magsalita ng ganyan, huwag kang panghinaan ng loob, maawain ang buong may kapal, hindi niya tayo pababayaan”, sagot ni Anisa sa asawa, alam niyang walang hamong inuurungan si Ruben, pero sa pagkakataong ito, alam niyang tanging dyos na lang ang makakatulong sa kanyang asawa, “Urghhh!!! Ayan na.. sumasakit na naman.. hindi ko na talaga kaya Anisa, ikaw na ang ba…ha…la… sa.. aaaaattttiiiiinnnngg mmmmggggaaaaa aaaaannnnaaakkkkk… mahal na mahal ko kayong tatlo…” namumutla parin siya at pinagpapawisan, “Si Elena, wala pa ba” tanong niya sa kanyang asawa, hinahanap niya ang kanyang kapatid na babae na nakikitira sa kanila upang hindi masyadong mahirapan sa pag-aaral sa Maynila, pilit siyang bumangon sa kanyang pagkakahiga, hinahanap ng kanyang mga mata sa loob ng kanilang kwarto ang pinakamamahal niyang kapatid, pero pinipigilan siya ng kanyang asawa.
“Huwag ka ng bumangon mahal ko, wala pa si Elena, paparito yun kung siya’y tapos ng maligo, sa banyo, huwag mo ng pilitin ang sarili mo, ang kailangan mo ay magpahinga” pagpipigil niya sa kanyang asawa, “Kahit maupo na lang ako” pagpupumilit ni Ruben, maya-maya pa’y may narinig na silang boses ng isang babae, “A sus kayo talagang mag-anak no!!! kokorni niyong apat..” ani ng boses ng isang babae, “Pamilyar sa akin ang boses na iyan itay” sambit ni Danica sa kanyang amang nahihirapan na talaga sa sakit na nararamdaman, “ato rin ichay, pamilyar takin ang botes na yan”, pagkukumpirma naman ng kanyang limang taong gulang na bunsong anak, hinanap nila ang boses ng babae, nagmula ito sa pinto ng kanilang kwarto, nakita nila ang may-ari nito, kilala nila kung sino ito, “Elena!!! Nandito ka na…” sambit ng ni Anisa ng makita niyang nakatayo na sa pinto ng kanilang kwarto si Elena.
“A sus.. kayo talaga… ang dadrama niyong mag-anak no…. parang diarrhea lang… nag-iiyakan na kayong apat dyan”, pagpapatuloy ni Elena sa kanyang sinasabi habang naglalakad papasok ng kwarto, “O kuya… ikaw na muna ang pumasok sa banyo, bilisan mo lang kasi maglalaba pa ako e…”, sabi niya sa kanyang kuyang si Ruben, “Elena, mahal kong kapatid, ikaw na sana ang bahala kela inay at itay, huwag mo silang pabayaan”, sagot niya sa kanyang kapatid, pilit na tinataas ang kamay bilang pagpapahiwatig na gusto niya itong yakapin sa kanyang kahuli-hulihang hininga, “Ay sus!! Kuya, tigilan niyo nga ako, bilisan mo na dyan, O tingnan mo sarili mo sa salamin, namumutla kana dahil sa pagtatae, pinagpapawisan pa, kung ano-ano kasi ang kinakain, tapos ayaw pa uminom ng gamot e”, sagot niya sa kuya, walang nagawa si Ruben kundi ang tumayo na at sundin ang kapatid alam niyang kapakanan lang niya ang habol nito, “Sige na nga!!! Di ko na rin kaya ang sakit ng tiyan ko, ika-apat na beses na ito sa umagang ito a… hmmmp KJ mo talaga, Elena, alam mo namang pinagbibigyan ko lang si Danica sa kanyang dramadramahan effect na yan”, “Ay daming pang sat-sat, bilisan mo na, maglalaba pa ako, uminom ka na rin kasi ng gamot ng mawala na yan”, sagot niya sa kapatid, tumayo na siya at nagtungo na sa banyo, bago lumabas, ininom niya muna ang gamot ng pagtatae na dala kanina ng kanyang asawa, pagkatapos niya itong inumin, inabot sa asawa ang baso at nagtungo na sa banyo, “Itay, Itay huwag mo kaming iwan itay…” nangingiting sambit ni Danica sa kanyang ama, saka ito tumingin sa kay Elena at nangingiti rin sinabihang “Hmmmp!!! KJ talaga ni tita Ele…”, “Danica!!! Huwag kang magsalita ng ganyan sa tita mo bad yan”, pagsusuway ni Anisa sa kanyang anak, “Ok lang yun Ate Ani KJ naman talaga ako e”….
Tawanan…..
Wasak ulit….
sabi ko na nga ba. tsk
ReplyDeletewasak ka na naman!
ReplyDelete