Sunday, January 1, 2012

Unang Putak



Una sa lahat nais ko kayong batiin ng Pukpukpukputaaaakkk… Pukpukpukputaaaakkk… Pukpukpukputaaaakkk… Maligayang Bagong Taon… 2012 na…. at ito ang unang putak ko sa blogworld para sa taong ito…  maraming pagbabagong magaganap sa aking sarili ngayon… mas magiging abala tayo sa mga TV Guesting at Photoshoot, magkakaroon rin ako ng marami pang commercial endorsement at signing of contract, paksyet, nakalimutan ko.. meron pa pala akong mga modeling na sasalihan, kaya pagpasensyahan niyo na kung magiging busy ako sa taong ito, marami rin akong magiging TV Appearances at Hosting, di ko na isasali ang unang Solo Art Exhibit ko na gaganapin sa Folf Art Theater sa Taong ito, ang mga concert ko at bagong pelikula na gagawin, magbubukas din ako ng maraming store para sa aking pinakabagong Persanal Clothing Line na nakapangalan sa Pangalan ko, ang mga imbitsyon sa akin ay kaliwat-kanan na, kaya inaasahan ko na masmagiging busy na ako sa taong ito.

Ang sarap isipin ng Unang Putak ko no? sana totoo, ang kaso lahat niyan ay hanggang pangarap na lamang, pero ok lang, lahat naman ay nagsisimula lang sa pangarap, walang matagumpay na nilalang ang hindi nagumpisa sa isang simpleng pangarap, natapos na ang 2011 ano na nga ba ang narrating dapat na bang lumingon o baka dapat maspagpursigihan pa ang pagsulong, kung aking babalikan, sino nga ba ako noon kung ikukumpara ko sa sarili ko ngayon, halos abot-kamay ko na ang tagumpay ngayon, kung noon ay nakatanga ako na hindi ko alam kung papaano ko uumpisahan ang mga pangarap na gusto kong abutin, ngayon naman nakatanga ako dahil di ko alam kung ano ang aking sisimulan.

Para sa taong ito, marami akong gustong gawin, maraming plano at maraming pagbabago, una na dyan ang pag uwi sa Pinas, dalawang taon ko nang di nakikita ang aking pinakamamahal na inah, pinaplano ko ng umalis sa kumpanyang pinapasukan ko ngayon dito sa Saudi, alam kong hindi pa gaanong sapat ang salaping naipon ko para matawag na mayaman, pero masasabi ko naman tamang-tama na ito para sa maliit na negosyong itatayo ko, sa Manila ko gustong itayo iyon, sa Manila ko gustong makilala ng sambayanan, alam kong magagawa ko ito, simula kasi ng masaktan ako sa isang babae, masnaging positibo na ako sa lahat ng bagay, kaya naman matapang akong uuwi ngayong Hunyo 2012, para maumpisahan na ang aking pangarap.

Nais ko rin gawin ang matagal ko nang pinaplanong gawin, ang pagpe-Paintings, noong nasa Elementarya pa kasi ako at High School eh madalas ko na itong gawin, gamit ang simple Oil Base nakakalikha ako ng mga simpleng nature scene ang  kaso hininto ko, pero ngayon parang gusto ko siyang subukan muli, dahil narin ito sa paguudyuk ng isang kaibigang babae na magaling din magpaint… pag uwi ko daw… pwede daw niya akong pahiramin ng mga brushes niya at stan, meron din daw siyang mga graph paper na pwede kong pagpraktisan, kapag handa na daw ako, pwede na daw ako sa Canvas na mismo magpinta, hindi ko naman pinapangarap na maging sikat na Artist, gusto ko lang makilala kahit papaano.

Nais ko ring balikan ang tinalikuran ko nang hobby ang “Photography”, marahil mga edad sampu ako noong mapabalitang nagaaral ng Photography si GOMA.. nagtanong ako sa ate ko kung ano yun? Sabi niya tagakuha ng larawan, at doon marahil nagsimula ang pagkahilig ko dito, naging sideline ko rin ito sa Zamboanga, naging assistant ako ng isang kaibigang Photographer, kaya naman talagang namiss ko rin ito, pinaplano ko ng bumili ng sarili kong DSLR Cam, pero tsakana, kapag malapit na akong umuwi.

Sa mahika naman tayo, nais kong dagdagan pa ang mga magic videos na nagawa ko, nais ko ring pag-aralan ang ibang bagay na ginagamit sa mahika, tulad ng Cups and Balls, Rope Magic at Linking Ring, nais ko ring mapagigihan pa ang pagaaral ng mahika sa baraha at higit sa lahat ang maghanap ng mga resources para maging mahusay sa larangan ng Mentalismo, nais ko ring subukan ang entablado, minsan ko na ito nagawa noon, at talaga namang nakakataba ng puso kapag napeperform kana sa taas at ang mga manood ay nagsisimula ng ebully ka at batuhin ka ng kamatis.

Bukod dito, nais ko ring magkaroon ng panibagong hobby, pinagiisipan ko ngayon kung kukuha ba ako ng Taekwondo lesson, Yaw-Yan o Boxing lesson, gusto ko kasing maging sport minded eh, pero syempre bago ko umpisahan yan, nais ko munang magGym, naka schedule na yan ngayong January pagdating ng sweldo ko, medyo bumibigat na kasi ang katawan ko kaya kailangan ng magpapayat at magpaganda ng katawan, kasi nagiging mukhang matanda na ako dahil sa katabaan ko, ayaw ko kasing magmukhang losyang kaya dapat ng alagaan ang sarili.

Alam kong magagawa ko ang lahat ng ito, sa tulong at sa awa ng Diyos Allah, at dahil na rin sa malaki ang tiwala ko na makakaya kong abutin ang aking pangarap… may nabasa akong blog ng isang kaibigan kong magikero, sabi niya sa kanyang blog, sinabihan daw siya ng kaibigan niya na maswerte siya dahil napapalibutan daw siya ng mga pambihirang tao na may pambihirang kakayahan kaya dapat daw ay pagbutihin na daw niya at huwag aksayahin, dahil hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng ganitong pagkakataon, tama siya, tulad ko, halos lahat ng gusto kong gawin ay abot kamay ko na, nasa akin na lang kung papaano ko pipitasin ang mansanas ni Eva.

Nais ko ring pag-aralan ang Script Writing, sa ngayon nagseself study muna ako, dahil sa wala pa akong magawa, nakatali pa ako sa dalawang taong kontrata, pero kapag natapos ko na ito ngayon hunyo, asahan niyo na talagang pagpupursigihan ko yan abutin, makikita niyong lahat.


“See me rise and see me fall, see my ambitions takes control”



Maraming salamat po.




1 comment:

  1. Good luck sa plano mong pag paintings......at sa pag magic lalo na iyong sa ring.....na pinapasok sa isa rin na ring.....

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...