Saturday, January 21, 2012

"Wag Lang Di Makaraos" ni Eros Atalia (Review)


Ang White Lady sa kakahuyan



Naglalakad ng matulin si Alana sa kakahuyan, alam niyang delikado sa lugar na ito, marami ng aksidente ang nangyayari, lalo na’t napapanahon na naman ang mga milagro sa kanilang lugar, marami na ang nakapagsabi na may isang White Lady na naman ang nagpapakita sa paligid, kaya’t nagmamadali na siyang umuwi sa kanilang bahay, nagmamadali siya sa kanyang paglalakad, takot at kaba ang nararamdaman sa sarili, mula sa kakahuyan tumawid siya sa daan, hindi inaalintana ang panganib na maaari niyang makasalubong, basta kailangan niyang makauwi, malapit na ang hating gabi, walang kasama ang kanyang lola, bahala na sambit niya sa sarili, umiiyak siya, habag sa sarili, buong araw siyang naghanap ng makakain nila ng kanyang lola, wala siyang nahanap, kailangan niyang umuwi ng maaga, dahil alam niyang naghihintay ang kanyang lolang may sakit, kailangan niyang maipagluto ito, kahit lugaw man lang, alam niyang meron pang natitirang konting bigas, kaya nagmamadali na siyang umuwi, magpakita na ang white lady kung gusto niya, hindi siya natatakot, isang bagay lang ang nasa isipan niya ngayon, kailangan niyang makauwi ng maaga.

Papatawid na sana siya sa daanan nang may biglang sumalubong sa kanyang isang magarang sasakya, matulin ang takbu nito, nataranta siya, hindi niya alam ang kanyang gagawin, napahinto siya sa gitna ng daanan, hindi nga niya nakasalubong ang white lady pero nakasalubong naman niya ang isang sasakyan, hindi siya nakakibo, hindi siya nakagalaw, mabilis ang pangyayari, BLAGGG#@%^&!!!! wasak ang kotse, bumangga sa isang puno, natulala siya, paano kung hindi mabilis ang nagmamaneho nito, hindi naikabig ang manibela, marahil patay na siya ngayon, nilapitan niya ang kotse at sinilip ang nasa loob, talong kalalakihan ang sakay, mukhang lasing, wala ng malay at duguan ang dalawang nakaupo sa unahan, naghihingalo naman ang isang lalake na nasa likuran, tinitigan niya ito at akmang tutulungan pero mukhang natatakot ito sa kanya, marahil akala nito’y isa siyang masamang tao, kaya ito natatakot sa kanya, “Huwag kayong matakot” bungad niya rito, hahawakan sana niya ang kamay nng lalaki ngunit nawalan ito ng malay, ilang saglit pa’y may paparating na namang isang bus, nagmadali siyang umalis, alam niya kasing sa tindi ng pagkakabangga nito sa puno at base narin sa nakita niyang kalagayan ng sakay nito pupwedeng wala ng buhay ang mga ito, kaya nagmadali siyang umalis at tumakas, natakot na rin siya at baka masangkot pa siya sa gulo, naglaho na lang siya na parang bula.

Nagsidatingan ang mga pulis at ambulansya, mga taong nang-uusisa, lahat nagkakagulo, ayun sa isang medic na nakapanayam ng isang pulis, sinabi daw ng lalakeng nasa likuran na White Lady daw ang may kagagawan nito, masaya daw silang nagmamanehong pauwi, nang biglang tumawid ang isang Babaeng nakaputi, umiiyak, naikabig ng drayber ang sasakyan kaya bumangga sila sa isang puno, lumapit pa daw ang White Lady at may sianbi, pero hindi niya maintindihan,  hahawakan pa daw ang kamay niya na parang siya’y hihilahin, takot na takot daw siya at nawalan ng malay, pero bago daw siya nawalan ng malay nakita niyang naglaho na parang bula ang white lady.

- Nilathala ni AL Diwallay



"Wag Lang Di Makaraos" ni Eros Atalia (Review)

Sa totoo lang, masarap basahin ang ikatlong libro ni Eros Atalia na pinamagatan niyang “Makaraos lang e este Wag lang di makaraos”, isa itong koleksyon ng mga tinipon na mga maiiksing kwento na maaring magbigay saya sa mambabasa, gayon pa man, ang istilo ng pagkakasulat niya ay masasabi kong hindi aakma sa ordinaryong mambabasa lamang, dahil marami sa mga kwento dito ang talaga namang magiiwan ng palaiisipan sa mambabasa, may mga kwento dito na kailangan mo pang basahin ulit upang makuha mo lang ang mensahe nito, pero gayon pa man hindi ito nangangahulugang pangit ang pagkakasulat, sadyang may malalim lamang na minsaheng gusto iparating ang may akda.

Ang istilong ginamit ni Eros ay parang Blog Type lang, hindi masyadong kumplikado, deretsahan ang pagsasalaysay, maaaninag mong ang pagiging payak niya sa pagbabahagi sa bawat katagang binitawan niya, pero masasabi ko na hindi ito ordinaryong babasahin lamang, ang ilan sa mga kwentong nailathala niya ay napanood ko na sa mga pelikula, tulad ng “The Others by Nicole Kidman” at “The Sixth Sense ni Bruce Willis”,  at nabasa ko na rin sa Komiks ang ilan dito, subalit may malaking pagkakaiba parin, marahil alam kong si Eros ang nagsulat nito kaya iba ang dating sa akin, kahit na siguro magsulat lang siya ng isang simpleng liham ng paniningil sa mga may utang sa kanya ay pupurihin na ito ng kanyang tagahangang tulad ko.

Para sa akin ang mga kwentong inilathala niya sa kanyang libro ay karaniwan mo na itong mababasa sa mga Komiks, kung mahilig ka dito masasabi mong may puntos ako, hindi ko naman sinsabing pangit ang gawa niya, sa katunayan, nanibago ako, dahil siguro hindi ako sanay makabasa ng ganitong istilo ng pagsusulat, at dahil siguro na minsan sa buhay ko nabasa ko na sa komiks ang ilan sa kwento dito.

Payak ang pagkakagawa sa libro… pero may malalim na mensahe.


Subukan mong basahin ang libro para malaman mo kung bakit ganito ang aking review.


4/5 para sa Librong ito.


Bakit nga pala “Wag Lang Di Makaraos?”, “MEMA” lang ang kasagutan dyan… … mema-eblog lang… tulad ni Eros Atalia … Mema-isulat lang na libro…


Salamat sa pagbabasa….


hayst... nakaraos rin...






1 comment:

  1. Magandang araw po. Kompleto po ba itong kwento ng " wag lag di makaraos"? Thank you po

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...