Tuesday, January 10, 2012

Lumayo ka nga sa akin ni Bob Ong


“Bata, kanya-kanya tayo ng paglalakbay. Huwag kang magpakarga, katamaran yan.”


Finally nabasa ko rin ang pinakabagong libro ni Bob Ong, ang “Lumayo ka nga sa akin”, at masasabi ko na lubhang kakaiba ang pagkakasulat niya sa kanyang bagong libro, hindi ito ang tipikal na babasahin lang, dahil talagang may madiing mensahe siyang pinaparating, at tulad na rin ng nakasanayan ng kanyang kampon, marami kang mababasang mga humor lines dito o masmagandang sabihin na lang nating BANAT, isa kasi ito sa mga trademark niya kaya asahan mong magsasawa ka dito, bilang isa sa kanyang mambabasa, masasabi ko na talagang isa siya sa mga astig na manunulat, dahil parati siyang may inihahaing ibang timpla ng kanyang kape.



"Walang pakialam ang tao sa katotohanan... sa tsismis lang sila interesado..."

Sa cover palang mapapansin mo nang pangnobela ang dating ng kanyang libro, pero hind, hindi rin ito tulad ng nakasanayan natin na ginagawa niya, yun bang parang nagkukwento lang, dahil sa librong ito talagang nilagyan na niya ng mga karakter at istorya ang kanyang gawa, pero di ito tulad ng “Kapitan Sinu” at Ang mga Friendship ni Mama Susie” este "Ang mga kaibigan ni Mama Susan” na kung saan ay kailangan mo pang humugot ng malalim na hininga bago mo malalaman na mabaho nga pala ang iyong bunganga at kailangan mo ng magsipilyo, para malaman lang ang mensaheng gusto niyang iparating, dahil sa tatlong unang pahina palang ng librong ito na pinamagatan niyang “Lumayo ka nga sa akin”, makikita mo na agad ang nilalaman nito, pwede ka na ngang hindi na magpatuluy sa iyong pagbabasa at gumawa na agad ng review ukol dito, pero dahil nga sa magaling ang kanyang pagkakagawa eh masgugustuhin mong basahin ito hanggang sa matapos mo ang buong libro kahit na very predictive naman ang susunod na kabanata nito.

Very Predictive?

Yes!!! At isa pang Yes!! Kung mahilig kang manood ng mga pelikula, lalo na ng pelikulang pinoy, malalaman mo agad ang susunod na kabanata sa halos lahat ng bawat linya ng kanyang isinulat sa libro, dahil ang kabuohan ng libro ay mga pakutsada niya sa bulok na sistema ng ating mga pinoy filmmakers tungkol sa paggawa ng pelikula, ito ay mga riyalidad na alam kong hindi lang si Bob Ong ang nakakapansin dito kundi tayong lahat, ito ay tungkol sa mga pelikulang nirecycle ng nirecycle lang, mga kwento na ilang beses ng nagamit, mga paulit-ulit na istilo ng paggawa ng isang pelikula, mga estorya at karakter na hango at kinopya lang sa gawa ng dayuhan. Kaya ko nasabing predictive dahil predictive naman talaga ang mga pelikulang pinoy, iilan lang ba ang nagawa nating pelikula na talagang mapapanganga ka at mapapasabing “Syet tunaw na ice cream ko, sino ba talaga ang killer?” yun bang talagang may twist?.

"Kami "KORNI?" ang mahilig lang magsabi ng korni e yung taong pa-DEEP!

Deep ka ba? O nagpapaka emo lang, kakaiba rin ang istilong ginamit ni Bob Ong sa paggawa ng kanyang panibagong libro, although gas-gas na ito, pero masasabi ko na kakaunti pa lang o maaring hindi pa ito nagagamit sa paggawa ng libro, dahil ang istilong ginamit niya ay isang “Playwright” para sa isang pelikula, ito ay karaniwang ginagamit sa paggawa ng isang pelikula, may mga interior-interior na siyang nalalaman ,meron pang exterior-exterior, san ka pa, kay Bob Ong na.

"Kung gusto mong matawa... dapat paminsan-minsan magpakababaw ka... huwag   nga lang sumobra"

"Hindi lahat ng inaakala mong korni ay Korni, minsan ikaw lang talaga ang walang sense of humor"

Personaly, masasabi ko na ito na ang ikatlong librong naisulat niya na magiging paborito ko, una na ang  “abnkkbsnplAko” sunod naman ang “Kapitan Sinu” at ito ang ikatlo sa mga librong naisulat niya na magiging paborito ko. Personally gusto ko itong irekumenda sa lahat ng taong mahilig at hindi mahilig magbasa ng libro, lalo na sa lahat ng mga Movie Producer, Movie Writer, Playwright, Director pati na rin sa lahat ng mga Artista. Sana naman po ay makita natin na napag-iiwanan na tayo ng ibang bansa, naalala ko ang napanood ko noon sa isa sa mga programa ng GMA (Hindi ako sure dyan.. kung GMA nga ba yun), sinabi nila doon sa programa nila na noon daw tayong mga pinoy ang pinanggagayahan ng ating karatig bansa, tayo ang nagtuturo sa kanila kung papaano gumawa ng isang pelikula, pero ngayon, tayo na ang nakikisuo sa kanila.

Promise marami akong natutunan dito, hindi lang sa mensahe libro kundi sa istilo ng pagsusulat rin.


Maraming Salamat po.




4/5




9 comments:

  1. Bravo!! superb!!! magaling ang pagkakasulat mo...kudos!!

    -Dahil nakagandahan ako sa review mo, gagawa din ako ng unang book review ko..lol kalokohan nga lang...hahaha

    ReplyDelete
  2. Tama! nabasa ko na yan, masakit sa mata ang font dba?

    ReplyDelete
  3. ay never pa akong nakabasa ng book ni bob ong. walang mahiraman. wal ring pambili. kainis. napagiwanan na ako ng earth.

    ReplyDelete
  4. naiintriga na talaga ako dito.. haha pero di pa rin ako bibili.. hihiram na lang. hahaha

    ReplyDelete
  5. i will surely buy and read this book. salamat sa pag advertise sa new book nya.

    and i was shocked talaga na pareho tayo ng paborito -- abnkkbsnplAko and kapitan sino ^^

    gusto ko rin yong stainless longganisa nya.

    ReplyDelete
  6. isa din ito sa mga nabili kong libro.. tawa kami ng tawa nung new year dahil dito.. hahaha

    ReplyDelete
  7. Nabasa ko yan last year. Kakaiba nga at napaka-eye opening. :)

    ReplyDelete
  8. KAPITAN SINO po, hindi KAPITAN SINU. me too panatiko ni b.o.

    ReplyDelete
  9. astig yung review mo

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...