Monday, January 23, 2012

Masipag na estudyante




Tapos na siya magbihis, handa ng pumasok sa eskwelahan, sinusuklay-suklay na lang niya ang kanyang buhok at pinapadaanan ng huling sulyap ang sarili sa salamin, napangiti pa siya sa kanyang nakita, larawan siya ng isang mabuting mag-aaral, maaga siyang gumising kanina upang maghanda, ayaw niyang maliban sa klase sa araw na ito dahil kahapon wala siyang ginawa kundi ang maglakwatsa at manghuli ng tutubi sa likod ng kanilang paaralan buong araw, kaya hindi siya papayag na sa huling araw ng pagpasok sa linggong ito hindi siya makakapunta sa kanilang paaralan.

Bago lumabas ng kwarto, tiningnan niya muna ang kanyang bag upang masiyasat ng maayos, sinuri kung kumpleto ang kanyang mga dalang gamit, wala naman siyang nakitang kulang sa mga ito, note book: check, libro: check, lapis: check, napapangiti siya, dahil sa pagkakataong ito, alam niyang larawan siya ng isang napakasipag na estudyante, alam niyang ilalaban siya ng kanyang ina sa lahat ng paligsahan pagdating sa pagiging modelo ng isang magiting na mag-aaral kapag nakita ng kanyang ina ang kanyang itsura ngayon, may buhok na mamasa-masa sa suave, sinuyod gamit ang suklay, hinawi sa gitna upang magkaroon ng magandang istilo “Keempee ikaw na” wika niya sa sarili sabay ngiti at kindat, naglagay ng pulbo sa mukha upang maslalong pumuti, nagwasik ng pabango sa katawan, “ang sarap ng bambini, saan ka pa, kay Totoy na” natatawang biro niya sa sarili..

Eksayted siyang lumabas ng kwarto, suot ang unipormeng napakalinis at halatang ginamitan ng clorox upang pumuti, bitbit ang bag, pagkasara niya ng pinto ng kanyang silid, saka lang niya sinaklay ang bag sa kanyang balikat, naglakad ng marahan sa pasilyo ng ikalawang palapag ng maliit nilang barong-baro, hinahanap ang nanay na alam niyang matutuwa dahil napakaaga niyang gumising at di na kinailangan pang siya’y pilitin, alam niyang nasa baba ito, nasa kusina at naghahanda ng kanyang almusal at ibabaon na hotdog at sandwich, nanaog siya sa hagdan, masaya at nasasabik na masilayan ang reaksyon ng mukha ng kanyang ina kapag nakita siya.

Pagdating niya sa kusina, bumungad sa kanya ang kanyang pamilya na masayang nagsasalo-salo ng agahan, di nga siya nagkamali! nagulat nga ang mga ito sa kanya, nagulat ang lahat, hindi lang ang kanyang ina, nalilito, namamangha, baghagyang kumiling ang kanyang ama sa pagkakaupo sa harap ng bilog na mesa upang mapagmasdan siya ng mabuti, kumurap-kurap, hindi makapaniwala, nakita niya sa mga labi ng ama ang ngiting walang kasing tamis, napatayo naman ang kanyang ateng kay kulit, tinakpan ng dalawang kamay ang bibig at walang ibang nasabi kundi “OMG”, ang kuya naman niyang nakaupo malapit sa inuupuan ng kanyang ama ay napanganga lang, syempre hinihintay niya ang reaksyon ng ina na matiyagang gumigising sa kanya kada umaga upang hindi siya mahuli sa pagpasok sa kanyang klase.

Tiningnan niya ang ina na sa mga panahong ito ay tumayo na at lumapit sa kanya, nang makalapit ay sinapo siya sa kanyang ulo at tinanong “saan ka pupunta anak, walang pasok ngayon holiday”.

Tawanan ang lahat.



Wasak na wasak….






8 comments:

  1. wahahaha wasak na wasak nga. wrong timing ang pagiging masipag.

    ReplyDelete
  2. hahahaha! Excited much pa naman! badudles! Ganyan talaga pag hindi nakikinig sa klase, pati mga anouncement hindi alam. hahaha. badtrip weh!

    ReplyDelete
  3. EROS MODE KA NGAYON NOY...kwento-kwentohan na may wasak ending..

    ReplyDelete
  4. wahahaha ayan pa labas...kung kelan namam heksayted c utoy..haha

    ReplyDelete
  5. hahaha ayos to ah. Sa ending nalang ako haha.

    ReplyDelete
  6. hahahabnapaka epic fail naman.. hahha

    ReplyDelete
  7. Aba! short story.. ganda! napurnada ang paghahanda

    ReplyDelete
  8. hahahahaha. akala ko sabado, holiday pala.

    gave me a good laugh today. ^^

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...