Friday, May 4, 2012

Payong Toksyet



Paksyet siya… talagang walang hiya siya… siya na ang nagmamay-ari ng lahat ng pagmumura mo sa buong mundo… tang-ina niya… gago siya…. PUTANG-INA niya…. Wala siyang kwenta e no… iniwan ka niya… sinaktan ka niya.. niloko ka niya… hindi ba niya alam na mahal na mahal mo siya… hindi ba niya inisip na kaya mong makipagpatayan para sa kanya… hindi niya ba naisip na ikaw ang karapatdapat para sa kanya… pakyu siya e… pakyu talaga siya… hindi ka niya binigyan ng halaga…. Hindi niya iniisip ang nakaraan niyong dalawa… wala talaga siyang kwentang tao…

Pero kung paksyet siya… toksyet ka naman… ano pa ba ang hinihintay mo… himala??? Walang himala no… nasa tao ang himala… hindi ka na niya babalikan… hindi na magiging kayo ulit… nawala na ang salitang “Kayo”, “Walang iwanan”, “Tayo forever” tapos na ang lahat sa inyo.. kaya huwag ka na magmukmuk dyan… tama na ang kakaiyak… makakaya mo yan… well.. alam kong mahirap… pero makakaya mo yan… balang araw mawawala rin ang sakit… wala nga lang makakapagsabi kung kailan… pwedeng bukas, pwede rin sa makalawa, pwede rin sa isang linggo… o di kaya’y sa isang buwan, sa isang taon… ewan… walang nakakaalam… pwede rin naman na akala mo nasasaktan ka pa… akala mo nariyan parin ang sakit… pero wala na pala… matagal ka na pala nakamove on… marahil… nasanay na lang ang puso mo sa ganoong pakiramdam… kaya hanggang ngayon e nararamdaman mo parin ang sakit.

Hindi ko alam kung paano ako nakapagmove-on, basta kusa na lang nawala ang sakit… nakalimutan ko na rin na mahal ko siya at minahal ko pala siya noon, kusang natuyo ang luha… ang mga ala-ala namin noon? Ngayon parang isang kahapon na lang… wala ng halaga… minsan naikukwento ko pa rin siya… lalo na dito sa aking blog, pero minsan sinasadya ko na lang paglaruan ang aking damdamin, para makapagsulat ng mga bagay-bagay tungkol sa ka-emohan… di naman ako katulad ni Iyah na magaling sa ganitong bagay… kahit na masaya e kayang magpakalungkot… hindi rin ako si Meiz Ster na forever emo, kaya kailangan kong balikan ang mga masakit na ala-ala namin upang makapagsulat ng mga masasakit na karanasan, pero alam niyo bang hanggang ngayon hindi ko parin lubus maisip kung papaano ako nakasurvived sa sinapit ko sa kanya… basta kusa na lang nawala… basta isang araw… narealized ko apat na taon na pala akong masaya nang wala siya, kusang tinanggap ng puso ko ang pagpanaw niya e este pagtalikod niya sa akin, basta kusa na lang siyang naglahong mag-isa sa aking puso’t diwa.

Pero paano nga ba magmoved-on? Well sa akin… marami akong ginawang mga kaek-ekan para makalimutan ko siya… andyan na ang tumbling ako habang nakanganga.. tumuwad ako habang nakalabas ang dila, nadyan din na nagdrugs ako… tumungga ng na alak… nambabae… nanlalaki… nangbakla… nagaudition sa PBB, sa Survivor Philippines… LOL… ehehhehe… basta marami akong ginawang mga kaechusan… pero ewan ko kung nakatulong ba iyon sa akin… ang pinaka-malaking hakbang na ginawa ko e yung umalis ako sa aking bansang sinilangan… nag-abroad at nagpakalayo-layo… minsan kasi.. kailangan mo ring magpakalayo-layo upang makapag-isip ng tama… kailangan mong mapag-isa upang mahanap mo ang iyong sarili… marahil kung hindi ako umalis noon papuntang abroad… marahil nalulong na ako sa alak.. sa babae…. Isang malaking hakbang ang pag-alis ko noon upang makalimutan ko siya… at hindi ko iniisip na magagawa kong tanggalin siya sa aking ala-ala.

Kaya nga masasabi ko na kapag sa tingin mo e hindi mo siya kayang kalimutan… aba e mag-isip isip ka… ano’t ano pa man ang dahilan ng inyong paghihiwalay… kailangan mo pa ring mag-move on… Oo.. masakit at mahirap.. walang nagsabi na madali.. pero kailangan mong kayanin.. dahil kailangan mong mabuhay… hindi lang para sa sarili mo… kundi para na rin sa ibang taong nagmamahal sa iyo... kung nakaya ka niyang iwanan… makakaya mo rin siyang talikuran… basta parati mong isipin kung talagang mahal ka niya… kahit meron pa siyang isang libong dahilan para kamuhian ka.. hahanap at hahanap yan ng isang dahilan para mahalin ka… maiksi lang ang buhay… ganyan lang kaiksi… o kita mo… Oo ganyan lang siya kaiksi … kaya huwag mong hayaang maging malungkot ka dahil sa isang bangungot… paksyet ang buhay kung gusto mo itong maging paksyet.. toksyet ang bukas kung gusto mo itong maging toksyet… “Life is what we made”… kaya tama na yang kaemohan na yan… ayusin mo na ang buhay mo… huwag mong hayaang masayang lang ito… minsan lang tayo mabubuhay sa mundong ito… make the most out of it… tama ba ako??? Huwag mong hayaang pagtawanan ka niya… at huwag mong hintaying kaawaan ka niya.. hindi ka na niya kailangan… kaya bumangon ka na dyan sa pagkakadapa mo… mabuhay ka na muli… kaya mo yan… makakaya mo yan… at kailangan mong kayanin…

Hala siya… hanggang dito na lang muna ako… at di ko alam kung sino ang pinagsasabihan ko sa post kong ito… ehehehe… joke… basta isang kaibigan… na may pinagdadaanan lang… kaya ko naisulat ito… para sa kanya…



Salamat…



4 comments:

  1. ang haba. hehe pero binasa ko lahat. swerte ng friend mo kasi nandyan ka iba man yung approach mo para icomfort siya eh concern ka talaga sa kanya halata naman eh. at tama ka life is what we made. =D nagulantang nga pala ako sa sangkatutak na mura sa itaas pero natawa na lang ako eventually. hahaha

    ReplyDelete
  2. Hello! After visiting your blog, I invite you to join us in the "International Directory Blogspot"
    For this is the very simple, just follow our blog, enter your Country, your blog url, and you will automatically integrate into the Country list.
    We are fortunate to be on the Blogspot platform that offers the opportunity to speak to the world to share with us the different passions, fashion, paintings, artwork, photos, poems and so be able to find in other countries people with similar passions.
    I think this community could also interest you.
    Have a great day with the hope that you follow our blog "Directory".
    After your approval to join us, you will receive your badge
    Regards
    Chris
    To find out, click on the link below:
    http://world-directory-sweetmelody.blogspot.com/

    ReplyDelete
  3. denial stage.

    let's say mga isang taon pa sa malayo layong lugar masasabi kong makakalimutan mo na siya ng buong buo.
    pero sa ngayon. hindi pa.

    haka haka ko lang yan kaibigan.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...