Isang taon na akong narito sa Saudi, Opo, isang taon na rin mula ng huli kong makita ang aking mga magulang at mahal sa buhay, isang taon ng pakikibaka at pakikipagsapalaran, wow!!! I can’t believe na nakaya ko, kahit na masasabi kong sanay na akong malayo sa mga mahal ko sa buhay, pero hindi pa rin yun nangangahulugang hindi ko sila namimiss, walang nakakalam ng tunay na bigat ng aking nararamdaman ng ako’y umalis ng Pinas, dahil ayaw kong ipahalata, pero ok lang, kailangan ko rin kasing tapangan ang pag alais ko, kahit na alam kong ito’y mahirap, pero ano nga ba ang madali sa mahirap? Wala naman sigurong madali sa mundo di ba o baka naman wala talagang mahirap at tayo lang ang gumagawa ng paraan upang tayo’y mahirapan? Ano man ang ating dahilan kailangan parin nating makipag sapalaran, dahil tayo ang huhubog sa ating sarili.
June 21, 2010, around 2 a.m. Somewhere up in the Sky...
Sa loob ng airplane on my way to Saudi
Hali po kayo at samahan niyo po akong balikan ang isang taong pamamalagi ko sa Saudi.
Umpisahan po natin dito.
Gulong-gulo ang isip ko noon, wala akong makausap, litong-lito, tulala, hindi ko alam ang aking gagawin, araw-araw pumapasok ako sa Call Center ng hindi ko alam kung saan ako magsisimula, kabisadong-kabisado ko naman ang lahat ng aking trabaho, pero hindi ko parin magawa ng tama, nagsisigaw ang aking puso, naghahanap ng matatakbuhan, saan ako nagkamali? Saan ako nagkulang? Hindi naman ako masungit na tao, lalong-lalo ng hindi ako pikunin, hindi ako mayabang (maarte lang talaga), pero bakit ganito ang kapalaran ko.
Nasa Manila na ako, kasama ko ang aking napakagandang “Asawa”, oOOppss!!! Gulat ka? “Asawa?” Opo, “Asawa”, matapos kung ipagsigawan sa blog ko ang tungkol sa aming dalawa ni “She who must not be named” eh nandyan pala si “Asawa”, hindi ko siya madalas ikwento kahit na kanino bilang pagprotekta ko na rin sa kanya, pasensya na po kayo.
Nagkatampuhan kami pati ni “Asawa” ayaw ko nang ungkatin ang dahilan, basta nauwi yun sa hiwalayan, ayaw ko na rin pagusapan kung papano nauwi sa ganon ang aming relasyon, kasi ayaw ko nang balikan pa, kahit papano may konting kirot parin sa dibdib ko, tanging pagpunta lang sa abroad ang nakikita kong solusyon upang matakasan ang lahat ng sakit na nararamdaman ko, kaya sa ayaw at sa gusto ko, nag abroad po ako.
May 2010 po (Mid of the month): Nag-apply ako papuntang Saudi, nagpunta ako sa Mabini at nagbakasakaling may mahanap akong Agency na siyang makakatulong sa akin upang magabroad, at Alhamdullillah, hindi ako binigo ni Allah, isang Agency lang po ang naapplayan ko natangap na agad ako, dalawang taong kontrata.
June 20,2010: Final Flight ko papuntang Saudi, walang nakakalam ng bigat ng nararamdaman ko sa mga oras na iyon, pero sadyang hindi ko pinahalata kahit na kanino pa man, lalong lalo na sa dalawa kong magulang na nagkataong nasa manila rin sa mga oras na iyon, puro ngiti at saya ang ipinakita ko sa kanila, pero hindi nila alam na takot na takot akong umalis noon, hindi pa ako nakaramdam ng takot na ganon, takot akong lumayo, hindi dahil sa baka mapahamak ako kundi dahil sa baka hindi ko kayanin, mahal ko ang asawa ko, pero kailangan kong gawin ito, para sa ikabubuti naming dalawa, hindi upang magkaroon ng magandang kinabukasan, kundi upang magkaroon ng katahimikan ang isat-isa, takot rin akong lumayo dahil kay “She who must not be named”, ngayon pa ba ako aalis, ngayong alam ko na kung saan siya nagtatrabaho? Pwede ko siyang puntahan, baka sakaling magkabalikan pa kami, baka sakaling magbago pa isip niya, baka sakaling magbago ulit ang damdamin niya para sa akin, pero sa kabila niyon ay hinaharangan ako ng aking isipan, para ano pa? matapos ang ginawa niya sa iyo eh makukuha mo pang puntahan siya? Napaka tanga mo talaga “AL”, magisip-isp ka nga, kaya sa ayaw at sa gusto ko, umalis ako, para palayain ang lahat ng sakit sa dibdib ko at para narin hanapin ang sarili ko.
June 21,2010: Unang araw ko sa Saudi, ang init, yan lang ang tanging nasabi ko, mainit naman sa Kuala Lumpur noong nandoon ako, pero hindi ganito kainit, para kang nasa loob ng isang oven at unti unti kang niluluto sa sobrang init.
Pagdating namin sa Saudi, agad kaming sinundo ng driver at dinala sa Agency, although mukhang alam ko na ang company na napasukan ko eh nagdarasal parin ako na sana mali ang hinala ko, at ayun, nadismaya lang ako, nalaman ko na tama pala ang hinala ko, isa pala itong Employment Agency, hindi pala kami Direct hired sa Sabic, parang manpower agencies siya na kung saan eh i-susupply kayo ng ahensya sa mga kumpanyang nangangailangan ng mga tao, alam niyo yun? Paksyet. Wala na akong nagawa, andito na ito eh.
July 5,2010: Sinupply na nga nila ako sa Sabic, mula Dammam City alas kwatro ng umaga ako hinatid ng kotse papuntang Riyadh City, alas otso kami dumating dito sa Riyadh, toksyet alas dyes pa pala ng umaga ang interview ko. Pero ok lang, atleast di ako late di ba.
Ewan ko ba, sa mga panahong iyon, parang karga karga ako ni Allah, at parang siya mismo ang naglagay sa akin kung saan ako dapat mailagay, walang kahirap hirap at natanggap agad ako sa isang department dito, agad akong nagsimula kinabukasan.
August 2010: Bad news, nakatanggap ako ng tawag mula kay Mama, pumirma na daw ng hiwalayan ang Asawa ko, ouch, nasasaktan ako oh Baby, sayang, kung alam lang sana niya na siya ang dahilan kung bakit ako nagabroad, tulala ako muli, pero kailangan kong mag move-on.
Between August 2010 to September 2010: My first Rammadan here in Saudi, yahoo, ako na ang the best, isipin mo hah, isang buwan na pagpafasting at isang buwan din ako nagbebreak ng Fasting ko sa First Class na Restaurant, sa isa sa mga iconic structure ng Riyadh ang Faizaliah Hotel, doon kasi ako nakabase sa mga panahong iyon eh, although Sabic ang kumpanya namin eh sa Hotel naman ang opisina namin, kasi that time marami kaming iniinterview na mga estyudyante para gawing scholar papuntang U.K. at U.S, ganito kasi ditto, ang mga scholar nila pinapaaral nila sa Leeds University, Universityof Mechigan, Boston Universty at kung saan saan pa, kaya kailangan kong magreport sa Hotel na iyon kasi duon kami pansamantalang nagoopisina, at dahil dyan, isang buwan din akong libre sa hotel na iyon. Ako na ang sosyal. Isang dine-in namin eh ng boss ko eh 900 riyal agad ang mababayd niya, yahoo, Convert mo na lang sa pesos kong magkano yun. multiply mo by 11.40.
September 2010 parin: although nageenjoy ako sa pagtatrabaho ko sa Faizaliah Hotel, eh nangangalumpata naman ako sa kakaisip sa sinapit ng aking marriage life, ng aking love life, kaya naman, nagdasal ako, sana eh bigyan ako ni Allah ng bagong buhay, bagong pagasa, after a few days, tumunog ang aking phone, friend ko, nagyayaya sa akin na pumunta ng Mecca, mag Umra daw kami, yahoo. Ito na. Alahamdullillah, may first Umra.
My First UMRA to Mecca, September 2010.
September 2010 Parin ulit: Nalipat na ako sa Sabic R&T, at dito ko nakilala ang pilyong si Akoni at ang mga bago kong kaibigan, ok lang, natapos narin kasi ang project namin sa Faizaliah kaya nalipat na ako dito.
October 2010: masayang masaya na ako sa trabaho ko, wala na akong mahihiling pa.
November 2010: Yahoo!!! Ang pinaka aasam asam ng lahat ng Muslim, ang makapunta ng Mecca, at makapag Hajj, Alhamdullillah, napasama ako sa Hajj 2010, wala na akong mahihiling pa, at may bonus pa, nakadalaw pa ako sa Tomb ni Prophet Muhammed PBUH sa Medina, it was a very heart fulfilling, over whelming ang kasiyahang nararamdaman ko. A moment worth remembering for.
During my Hajj Pilgrims to Mecca November 2010
During my Pilgrims.. this one is in Medina November 2010
Behind us is the Tomb of Prophet Muhammed (PBUH).
December 2010: Nagpasya akong regaluhan ang arili ko, ng isang bagay na matagal ko nang inaasam asam, ang magkaroon ng sarili kong Laptop, kaya bumili ako, plano ko talaga eh Vaio Laptop kaya lang walang i5 na available at kahit inikot ko na ang limang store, wala silang i5, kaya napilitan akong bumili ng Toshiba i5, total eh Toshiba naman ang account ko sa Sitel noong doon pa ako nagtatrabaho sa Call Center nila.
January 2011: Normal lang ang lahat, wala gaanong nangyari except that malamig na malamig parin dito sa Saudi, wow, kung noong una kong dating eh mainit na mainit eh ngayon naman eh sobrang lamig.
February 2011: Wala na akong mahihiling pa, super saya ko, dito ko na rin sineryoso ang pagboblog ko at dito ko na rin kayo nakilala sa mga panahong ito, salamat sa inyo, matagumpay tayong lahat.
February 2011 Parin: Nakadalaw kami sa isang camp, ang camp ng Sabic, wow ang ganda duon, at bongga ang mga pagkain, at ganda ng mga parlor games nila, but sad to say eh hindi na namin na antay ang awarding, kasi gabi na msyado yun idadaos, ang layo pa naman din ng accommodation namin, pero ok lang, nag enjoy naman ako eh.
March 2011: Ano kaya ang nangyari sa buan na yun, ahhh bad news, nag retiro na pala ang Papa ko sa pagiging Provincial Election Supervisor niya, sayang naman, wala na siyang trabaho at hindi pa man din yun sanay ng walang ginagawa.
April 2011 at May 2011:, wow, marami na akong nai-post sa blog ko, 100 plus na pala. Naku naman, blogger na ba ako?.
June 21,2011: Nagderiwang po ako ng aking unang taon dito sa Saudi, Yahoo, wala na akong mahihiling pa kundi ang bigyan pa niya ako ng lakas at ang dalawa ko pang magulang ay humaba pa ang buhay, ngayon palang ako nakakaipon Inah at Amah, sana ay mahintay niyo pa ang aking pag asenso.
Taken just now.. here in my Office... June 21,2011
…. … .. .
Sa kabuoan, maraming bagay narin pala akong pwedeng ipagmalaki sa inyo, una na dyan ay Taltlong Blog Entry ko na po ang nafeature sa GMA Network Website, na kahit na pangit naman at walang kwenta eh inilabas parin nila, salamat sa kanila.
Salamat kay Kuya Ed na siyang nagsabi sa akin na “Alam mo AL!! sa lahat ng OFW na nakilala ko ikaw lang ang hindi nahohome sick” Opo totoo po yun, hindi pa po ako nahome sick kahit isang beses, Alhamdullillah, kasi talagang masaya ako sa kinalalagayan ko ngayon.
Kay Kuya Ernie, na siyang coordinator namin sa Sabic, salamat sa malasakit at tulong na ibinigay mo.
Salamat sa mga Pinoy na nakasama ko dito sa Villa namin, kay Rhemhard na una kong nakilala at mabait na bakla, kay Glenn na siyang may ari ng boses sa likod ng potable cabinet ko (remember Acre), kay Nelo ng Paralibot na mukhang kuya na namin lahat, kay Ryan na makulit at pasaway ring katulad ko, kay Michael na sobrang ingay (maingay pa sa akin), kay Sherwin at Butzz na mabibingi ka sa sobrang tahimik nilang dalawa (parang may hinanakit sa mundo), kay Erik na parang wala lang, parang KSP lang, minsan kapag di pa kami kakausapin eh di namin mapapansin na andyan pala (“Uyy!!! Erik andito ka pala,… ay sorry hah!!1”), kay Darwin na kababayan ko from Zamboanga City na halos mabuntis na niya ang kanyang Netbook dahil sa kakachat pati ng kanyang syota, kay Kim na laging nagkukulong sa likod ng kurtina ng kanyang kama at kachat daw niya ang kanyang misis na hula ko eh lalake talaga ang kachat niya (ANO BA!!! UMALIS KA SA HARAPAN KO, KAYA NIYO YUN!!!), kay Jejerome na parang dambuhala sa laki pero isip bata ring katulad ko, salamat din kay Dexter na takbuhan ko sa office tuwing may kailangan ako, kay Yusop na kababayan ko rin from Zamboanga City, masarap yan magluto ng tinolang isda, at higit sa lahat salamat rin kay Yahsin na nasupply sa Almarai (isang Dairy Factory ditto sa Saudi) na kasamahan rin namin sa Employment Agency na katropa ko na bago pa man kami mapuntang Saudi.
Wow!!! Wala na talaga akong mahihiling pa.
Maraming maraming salamat po talaga sa lahat ng tumulong sakin dito sa Saudi, wala akong maibibigay sa inyo, pero talagang nagpapsalamat talaga ako kay Allah dahil may mga taong tumulong sa akin.
Kay Khalid na best friend ko at tropa ko mula pa noong High School, nandito rin po siya sa Saudi, salamat sa kanya at sa labin walong taong samahan at kasiyahan.
Salamat din kay Kuya Dan, naks Kuya Dan daw oh… Kah Dan pala, na asawa ng pinsan ko. Salamat sa pagaasikaso sa akin tuwing pumupunta ako sa bahay mo.
…. … .. .
Sobrang hinihintay ko ang pagkakataong ito, nais ko talagang makita ang sarili kong malayo sa pamilya ko at sa mga taong nanakit sa damdamin ko, nais ko sanang malaman kung hanggang saan ang kaya ko, nais kong magpakatatag at tumayo sa sarili kong pa’a, walang ibang inaasahan kundi ang sarili ko, isang taon na pala akong wala sa Pinas at isang taon naring hindi ko nakikita ang mga mahal ko sa buhay, mahirap pero masaya, malungkot pero masarap sa pakiramdam.
Sa lahat ng sakit at pighating na naramdaman ko, sa lahat ng luha na inilabas ko, masasabi ko na matatag parin pala ako, isang taon na pala ang nakakalipas at ngayon masasabi ko na hindi pala importante kung masalimuot ang iyong kahapon, ang masmahalaga ay kung ano ang iyong pinili para sa iyong bukas, masaya ako, masaya na pala ako…
Anyway, for the meantime... meron pa akong isang taon na tatapusin bago ako makauwi ng Pinas.
Maraming salamat sa iyong pagbabasa.
D"N