Friday, July 29, 2011

Day 28- A picture of the person who knows you best.



Response to 30 Days Picture Challenge.



Tulad ni Rose Marie Armenta… sarili ko lang ang higit na nakakakilala sa aking sarili at tunay na pagkatao, alam ko kung kelan ako galit at dapat magalit, alam ko kung kelan ako Masaya at dapat na magsaya, ako lang ang nakakaalam ng tunay kong damdamin at sarili ko lang ang tunay kong kakampi.



This was in Tawi-Tawi Beach



Maraming salamat sa pagparito.


D”N

Thursday, July 28, 2011

Day 27- A picture of someone who makes you laugh the most.



Response to 30 Days Picture Challenge.


Kapag pinagsama mo na ang dalwang ito, naku tiyak na na mawiwindang kayo sa kakatawa sa mga kalokohan nila… paborito ko silang pinapanood sa Show Time noon…

I like Jhong kapag nagpapatawa sa Showtime lalo na ang tandem nila ni Vice Ganda.. at dahi dyan may nagTEXT… sumikat kaya talaga ang phrase na iyo. Ehehehehe




Jhong Hilario



Vice Ganda




Super adik ako sa kanilang dalawa.. sana sila ang magkatuluyan... ehehehhe...


Yun lang.. salamat po…


D”N

Tuesday, July 26, 2011

Day 26 - A picture of yourself a year ago.



Response to 30 Days Picture Challenge.



These picture was taken last year, June 2010… few days before I left for Saudi, I really can’t forget this days, I was so depress that time.. Anyway.. I don’t want to tackle that anymore... I just want to show here how things change me…







Now this one was taken last July 4, 2011, in our Office here in Saudi… My friend Dexter called me up and asked me if I want to take some picture in our office because he has their section camera. Off course I said yes, because I really wasn’t to have a picture in my office….









 Yun lang... salamat





D”N




Day 25- A picture of your favorite hairstyle



Response to 30 Days Picture Challenge.


This is my Favorite hairstyle, Long back…. Nyehehehehe…. I really love having a long hair, kapag nasa Pinas ako, pinapahaba ko ang buhok ko, ang kaso nga lang magastos masyado, kasi hindi lang ko lang siya pinapahaba, inaalagaan ko pa siya, madalas ako nag papahot-oil tapos hair relaxing, hair keratin, may sarili rin akong hair blower, tapos may conditioner ako at shampoo everday…naks… minsan nga sinabihan ako ni “She who must not be named” na masmaganda pa daw ang buhok ko kesa sa kanya, at di daw siya papaya ng ganun, kaya paputulan ko na daw or bigyan siya ng pera pam-parebound niya, eh ayaw ko paputulan buhok ko, kaya binigyan ko na lang siya.






2010 na ako nag umpisang magpaiksi na man ng nuhok. Ehehehhe. Dito naman sa Saudi, eh dito lang ako nakapag pakalbo, as in skin head.






Yun lang po salamat.


videokeman mp3
Long Hair – Weedd Song Lyrics


D”N




Monday, July 25, 2011

Day 24- A picture of your favorite clothing store.





Response to 30 Days Picture Challenge.



These are my favorite clothing store.

Kadalasan sa mga damit ko, dito ko nabili lahat.

Lalo kung T-Shirts lang yan at Walking Shorts.




Salamat.



D”N



Sunday, July 24, 2011

Day 23- A picture of a word you use a lot of.


Response to 30 Days Picture Challenge.


Mula ng mapunta ako sa Saudi, ang salitang “Aiwa” po ang pinaka ginagamit kong salita na ang ibig sabihin po ay “Yes” kung sa salitang English, naging hobby ko na po na gamitin ang salitang iyan, ang ikalawang salita naman na ginagamit ko po ay “Kalas” na ang ibig sabihin naman po ay “Finish” ewan ko kung bakit yang dalwang salitang iyan ang naging hobby kong bigkasin o naging expression ko.



Unfortunatly wala po akong mahanap na picture para sa salitang “Kalas” at ang larawan naman ng salitan “Aiwa” ay kinuha ko na lang sa trade mark ng appliances na may parehong pangalan.


Maraming salamat po sa pagbabasa.



D”N


Saturday, July 23, 2011

Day 22- A picture of a meal you created.


Response to 30 Days Picture Challenge.


Wala akong picture ng food na niluto ko… dahil hindi naman ako madalas magluto eh… at kung sakaling maisipan ko namang magluto ng pagkain ang kadalasang niluluto ko lang naman ay Sardinas, bibihira lang akong nagluluto ng Chicken Adobo or Chicken Curry, pero kung meron man akong gustong lutuin eh yun ay walang iba kundi Beef Steak.

Sa Malaysia ako unang nakakain ng ganyang klaseng pagkaluto ng steak yun bang parang real grilled steak talaga, masarap ang sauce medyo ma-anghang at pure toasted bread lang ang katapat nun at broccoli as side dishes…. Sarap. Madalas ganito ang ino-order ko sa resto kung kumakain man kami sa Steak House doon.








Hmmmm…. I missed this food.. sige nga.. masubukan nga yan…



Makapag luto nga yan dito…


Yun lang po.. Salamat.


D”N




Thursday, July 21, 2011

Day 21- A picture of your favorite food and/or drink.


Response to 30 Days Picture Challenge.


One of my most favorite food is Curry, I am so addicted to Curry food specially Chicken Curry, last year when I was still working in Toshiba, my team decided to have a Team Lunch in Curry Curry House in MEGAMALL, I did not hesitate to go with them because I know for sure that I would really enjoy being there, because of the fact that the resto’s specialization is Curry.

It was my friend who introduce to us this Resto.

So here is the picture.







Thanks you for reading.




D”N

Day 20- A picture of your pet (if you don’t have a pet, a picture of an animal that you want)





Response to 30 Days Picture Challenge.


This is already a redundant topic for the same challenge,… anyway, just to complete this challenge I am going to post out again some of the picture of Maja.. as in Majarot… out pet here in Riyadh…







Please click this if you want to learn more about Maja.



Thank you.



D”N

Wednesday, July 20, 2011

Day 19- A picture of your favorite cartoon character.



Response to 30 Days Picture Challenge.

Noong bata pa ako, hindi ko talaga pinapalampas ang isang araw na hindi ko napapanod sa telebisyon si Garfield, sigurado magaaway kami ng kasambahay namin kung di nila ako pinapanood niyan



Garfield the Cat



Noong College na ako at hanggang sa magtapos ang lahat ng episode ng Dexter’s Lab, eh hindi ko alaga nakakaligtaang manood nito, naging paborito ko rin ito dahil sa pamangkin ko, anak ng sister ko, favorite kasi talaga ng pamangkin ko ang palabas na ito, kaya naaddik din ako dito.


Dexter



Hanggang dito na lang muna.



D"N

Tuesday, July 19, 2011

Day 18- A picture of the last thing you bought.

Response to 30 Days Picture Challenge.



I bought this signature watch just a couple of days ago, wala lang, regalo ko lang sa sarili ko.


Diesel Watch



Like what I’ve said, mahilig ako ssa perfumes, last night eh bumili ako ng isa pang bottle ng perfumes, ehehehe, sale naman kasi eh.
Benetton Perfumes.


Salamat sa pagbabasa.


D"N


Sunday, July 17, 2011

Day 17- A picture of your favorite candy.


Response to 30 Days Picture Challenge.


Candy… Candy… Candy…


Lahat na siguro ng bata ay mahilig dito, lahat siguro tayo nakakain na nito, nang makapunta ako sa saudi, natutuwa ako sa mga cutie kut kyut na mga batang Arabo na pumupunta ng tindahan upang bumili ng candy, wala pang suot na tsenelas ang iba sa kanila, makukulit at katulad din ng mga batang pinoy eh basta na lang aalis kapag naibigay na nila ang kanilang bayad at hindi na sila maghihintay ng sukli.

Napakarami ko nang kending natikman, di ko na nga maalala ang mga lasa nito eh.

Nariyan na Halls, Maxx, Lipps, Snowbear, Kopiko at kung ano ano pa.


Pero alam mo ba kung ano ang pinaka gustong-gusto kong kendi?


Yun ay wala ng ibang kundi ang Viva Candy at Kendi Mint.






Salamat sa pag babasa.






D"N



Saturday, July 16, 2011

Day 16- A picture of your favorite outfit.


Response to 30 Days Picture Challenge.



Simple lang naman ako kung manamit, basta malinis at presentable, yun bang hindi ka magmumukhang kawawa, yun bang hindi mo mararamdamang kahiya hiya ang suot mo, ganun lang ang tipo ng mga damit na suot ko.

Uu mahilig ako sa mga branded but not all the time eh branded ang mga damit ko, minsan eh bumibili rin tayo ng mga damit na masasabi nating maayos at maganda, marami naman kasing mabibiling ganun sa Divisoria di ba?

Sa damit gusto ko yung medyo simple na may pagka-formal ang dating, sa pantaloon naman eh madalas fit ang gusto ko.


Tulad ng nasa larawang ito, simple lang pero rock.












Pero wish ko ganyan din ang katawan ko.



Salamat.



D"N


Friday, July 15, 2011

Day 15- A picture of your zodiac sign.



Response to 30 Days Picture Challenge.



Zodiac Sign, ako ang taong hindi naniniwala sa mga sign sign na yan, hindi ako naniniwala sa mga lucky color, lucky number, lucky day or what so ever na yan, kung pareho tayo ng bithdate ibig lang sabihin nun, pareho rin tayo ng mga horrorscope di ba, so meaning kung sinasabing mananalo ako sa luto sa araw na ito kapag ito ang tinayaan ko, ganun karin ba? yaw, kaya hindi ako naniniwala sa Zodiac Sign na yan.

Pero dahil sa hindi naman ako kill joy, eh pag bigyan na. total natutuwa naman ako sa symbol ng aking Zodiac Sign eh.

Ito po siya.



Oh di ba… parang bastos no, ahahahah.. parang dalawang lalaking nagsi sixty-nine sa langit. Ahahahaha.


Well actually ang cancer ay isa sa mga contallation na kapag tinitingnan mo sa langit eh para daw siyang isang imahe ng alimango, pero hindi ko alam kung paano naging ganyan na parang bastos lang ang imahe na iyan. Parang sixty-nine lang. hahahahaha.





Anyway… yan lang ang alam ko, tinatamad akong igugel yung tungkol sa kanya eh, di naman kasi talaga ako curious dyan eh.


So pano.. salamat na ito.


D”N



Day 14- A picture of your favorite fast food place.



Response to 30 Days Picture Challenge.



Malaki ang naitutulong sa atin ng mga fast food, bukod sa ito’y mura na eh nararanasan pa natin kung paano ang kumain sa restaurant. Para sa katulad ko masgugustuhin ko pang kumain na lang sa fast food kesa sa mga karenderia sa tabi-tabi.


Ito po ang mga sumusunod.
Marami akong paboritong fast food nangunguna na rito ang Jollibee, ilang taon din akong binuhay nito noong nasa Manila pa ako. 
Sunod dito ang Tokyo-Tokyo, paborito ko rito ang Chicken Karaage nila, meron din silang rice all you can, nauna pa ata sila sa Mang Inasal na nag-offer ng ganon eh, tapos nagustuhan ko rin ang chilli powder nila.


Gusto ko rin ang Mang-Inasal dahil bukod sa masarap na ang pagkakaluto ng manok nila eh rice all you can din sila, tapos pwede pang kamayin na lang ang pagkain.

Masarap ang Pizza nila, kaya gustong gusto ko talagang kumain dito, gusto ko rin ang hot souce nila na kahit buhusan ko na ng maraming sauce ang pizza ko eh wala paring anghang, pero masarap ang lasa niya.



Hindi ako sure kung pwede siyang tawaging fastfood, pero madalas akong kumain dito, gusto ko kasi ang pasta nila.


Yaw... di ko makakalimutan ang minsang kumain kami dito, isang basong juice ang nabuhos sa likuran ko, basang-basa ang long sleeve ko, buti na lang at tapos na ang trabaho ko, kaya ok lang kahit magtanggal ako ng long sleeve dahil t-shirt ako sa loob, di pa naman ako madalas magsuot ng t-shirt kapag naglolongsleeve ako.


Yan lang po ang mga paborito kung pinupuntahan na mga fast food.


Salamat sa pagbabasa.


D”N


Wednesday, July 13, 2011

Day 13- A picture of your best friend(s)



Response to 30 Days Picture Challenge.


Ngayon ko lang palang naisip na marami pala talaga akong maituturong na mga bestfriends, salamat sa 30 Days Picture Challenge, muli kung hinalukat ang mga litratong matagal ko nang hindi nasisilayan at napapansin, matagal ko nang hindi namamalayan na dahil sa kabisihan ko sa buhay ay hindi ko na alam kung sino sino ang mga kaibigan ko at maituturing ko na talagang kaibigan ko.

Hahahaha….


Kaya ito sila…


Aking ipinapakilala…



My Story Circle Family.
I met these guys because of Magic.

TSC @ Rotary Club Q,C.

TCS @ Something Fishy, East Wood Libis 


TSC @ Star Buku, Mega Mall

TSC @ Star Buku,  Araneta



The Young Society of Magicians Family.
I met these guys when I started to practice Magic.


YSM with Ronnie Mariano, JB Super Star and the Philippines Best Yoyo Performer Shawn.
Si Ronnie ang nakaupo na lalake sa harap, nag appear na siya sa commercial ng Western Union yung nagmamagic dun at sa movie na My Big Love (Tony Gonzaga and Papa Sam) siya ang magician doon.
Si JB Super Star naman ang naka stripe at si Shawn naman ang pinaka magaling sa pinas pagdating sa Yoyo... the rest of the guys are my YSM Family.

YSM @ Sta. Cruz Island Zamboanga City.

  
YSM sinabit namin ang Tarp para sa aming first Dinner Magic Show

YSM @ Ground Zero, tamabay lang nagpapaumaga.




Rodeline Solis A.K.A Ghost Face, T-Wrecks
We were friends since High School ‘93


Siya ang Best friend kong Hip-Hop
Ngayon ko lang napansin... sa lahat ng naging kaibigan kong Christiano noong high School ako
Siya lang pala ang hanggang ngayon eh katropa ko pa rin.



Khalid Asaali A.K.A Chikitah Luo (yan ang tawagan naming sa isat-isa)
We were friends since High School ‘92


Sa  Desyerto ng Riyadh sa Red Sand!!!!




KID YHAZ
Classmate yan ng kapatid since grade one… pero kami ang naging magkatropa…


Sa Luneta 2009.


Bantay sa Munumento ni Rizal.




And of course

SAM my First Cousin.
He is not just a cousin to us, he is more likely our elder brother, closest relatives and most of all best friend (kasama ko siya in my most downfall moment).




Sa MOA po itong lahat ng picture namin ng pinsan ko...




Yeppyyy… dami ko mga kaibigan… yehey…


Salapamat sa pagbabasa.


D”N





Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...