Thursday, September 29, 2011

Happy Birthday Iya


Naks… Birthday ng isang kablog ko ngayon na kaibigan na ring matatawag… malaki ang respeto ko sa babaeng ito, kaya naman hindi ko hahayaang lumipas ang kaarawan niya na hindi ko siya nagagawan ng isang picture greeting, ang Blog niyang “Ako si Yulie” (kelan ba ang kasunod nun?) ang isa sa mga hinangaan kong sinulat niya, kakaiba naman talaga ang istilo ng babaeng ito sa pagboblog, ang Blog naman niyang Gaya ng Dati ang kauna-unahan at tanging Blog na nagpaiyak sa akin, napaluha ako dahil kahit papaano nararamdaman ko ang bawat katanggang ginamit niya duon, gaya ng dati, meron din akong gustong makapiling muli. Madalas, kung magblog ang babaeng ito eh puno ng kaemuhan ang mababasa mo, pero sa totoo lang, masayahing tao naman ito at puno ng kakulitan, sa katunayan, ginawa niya na akong Ginie-Magician sa isa niyang cartoon series kung cartoon series man yun na matatawag, o kaya masmagandang sabihin na lang nating Sine-Sinehan, tapos ako rin ang unang biktima sa Suspense Blog Series niya na ang pamagat ay Masid, kaya masasabi ko na sobrang galing niya.. dahil habang binabasa ko ang Blog niyang iyon eh hindi ko namalayan ako na pala ang binabantayan ng Salarin, di ko namalayan sinalakay na pala ako ng halimaw, ni hindi ko nga nakita kung halimaw ba ang pumatay sa akin o tao, Opo namatay po ako sa Blog niyang iyon. Hayst.


Nagtatrabaho siya sa Dubai, may isang anak at asawa na kasalukuyang nasa Pinas, may Black Berry at mahilig din gumawa ng mga anik-anik sa net, magaling magsulat, mabait, madaling kausapin at pakiusapan, mapagmahal na anak, asawa at ina, isang magiting na OFW at higit sa lahat Maganda at Sexy.


Note: Joke ko lang po yung huling dalawang sinabi ko.


Anyway.. Happy Birthday Iya_Khin.


Salamat sa pag babasa



D”N

7 comments:

  1. wahahahaha! talagang binawi?!!!! astig!! slamat ng marami, salamat sa effort mo galing naman detalyadong-detalyado. yiiiii at ikaw din ang unang nang okray sa video blog ko hahahahah!

    ReplyDelete
  2. ahahahha... naokray talaga no??? ang video blog mong parang ewan loang... ahahahah.... anyway.. sensya na po sa gawa ko.. pinagpractisan ko lang po yan... kanina lang ginawa.. pagkagising.... Happy Birthday ulit...

    ReplyDelete
  3. Naks! A birthday post for iya.. :)

    ReplyDelete
  4. nakuu..ang daming nagmamahal kay iya noh hehe

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...