Sunday, January 8, 2012

@sharon_cuneta12

Para sa isang tagahanga… napakalaking bagay na ang mabati ka ng iyong hinahangaan sa telebisyon man o radyo.. kahit na minsan ay hindi pa mabigkas ng maayos ang iyong pangalan… mula pa noong Hi-Skul e mahilig na akong pumunta sa mga estatasyon ng radyo upang magbigay ng mga simple at maiiksing mensahe ng pagbati sa aking mga kakilala, kaibigan, kaaway at mga babaeng hinahangaan, at madalas din nila akong ipabati sa radyo kapag sila naman ang nakakapunta dito.

Sa paglipas ng panahon, ay nagbabago rin daan ng pagbati natin sa ating mga hinahangaan, hindi mo na kailangang pumunta pa sa estasyon ng radio upang magbigay ng simpleng mensahe, pwede mo na itong gawin sa mapapagitan ng Internet, simula ng sumikat ang internet noong early 90’s isa na ako sa naging adik dito, kaya naman nasaksihan ko ang pagbabagong nagaganap dito.

Mula sa mga simpleng Beta Version ng mga website hanggang sa naging Dynamic ito at fully functioning ay nasaksihan ko ang mga pagbabago ng mga major website, tulad ng Facebook, Yahoo, Google at ang sikat na microblogging website na Twitter.

Sinasabi ng ilan, na kung gusto mo na magmukhang sikat ka, eh magtwitter ka, dahil dito sa twitter e talagang pupwede mong makasalamuha ang mga paborito mong artista, isa sa mga pinaka unang sinundan ko at siya ring dahilan ng pagsign-up ko sa twitter ay si Anne Curtis, nais ko kasing makatanggap ng mga updates sa kanyang buhay, kaya nang minsang naisipan niyang sumakay ng MRT dahil ayaw niyang mahuli sa panonood ng konsyerto ni Kelly Minogue e nalaman ko na agad dahil sa tweet niya.

Maraming pa akong mga artista na sinusundan sa Twitter, at marami na rin sa kanila ang nangahas na pumatol sa tweet ko sa kanila, isa na rito sina Candy Pangilinan, Aiko Melendez at Ruffa Mae Quintos, madalas ding pumatol sa tweet ko ang aking hinahangaan rapper na si Dello, masaya ako syempre, pero wala ng sasaya pa kung ang magrereply sa tweet mo ay ang MEGA STAR SHARON CUNETA.




Nagiisa ka talaga Miss Showie… talagang pinahanga niyo po ako.



Salamat ng marami po sa pagreply sa akin.


Tweet niyo po siya sa kanyang Twitter @sharon_cuneta12








5 comments:

  1. hahaha! Ikaw na AL.. promise mo, magpeFiesta ka with me

    ReplyDelete
  2. Huwahhh Talbus...ikaw na ikaw na. Kelan ang handaan?

    ReplyDelete
  3. wow! close kayo ni ate shawi

    ReplyDelete
  4. OMG.. ikaw na ang love ng mga sikat. Mabuhay ka Talbus. :)

    ReplyDelete
  5. ibang klase ka Al.Sikat.Makapag tweeter na nga rin.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...