Saturday, February 18, 2012

Eleven questions


Hayayay… na-tag na naman ako sa isang Survey Survey Question… at ang may kagagawan ay si Jhengpot… ahahahah…. Pero oks lang… mahilig naman talaga akong sumagot ng mga ganitong pakwela e.. kaya walang problema sa akin… kahit ano pa yang itatanong niyo… sige banat lang… nakahanda akong sagutin lahat… anyway.. may konting alituntunin ang pakwelang ito.. madali lang naman.. kaya walang problema.. ito ay ang mga sumusunod…

1. Post 11 random things about yourself.
2. Answer the tagged questions.
3. Create 11 questions for the people you tag to answer.

MADALI LANG DI BA… EHEHEHEH….

Para sa unang alituntunin.. narito ang aking mga kasagutan… mga random things daw about myself… 11 random things… ok.. petiks lang pala… nyeheheh.. kaya heto na..

1.Hindi ako nagsusuot ng brief.. boxer short lang talaga.. ewan.. pinagpapawisan kasi si pag-asa kapag nakabrief ako… hindi ako kumportable e no…

2. Maanghang… mahilig ako sa mga maaanghang… kahit simpleng putahe lang yan… masasarapan na ako…. Basta’t maanghang siya… kahit junkfood such as V-Cut, Chippy and many more.. nilalagyan ko yan ng Chilli Powder.

3. Nagseself studies ako sa Script Writing ngayon… plano ko kasi matutunan rin ito.. pag uwi ko… may alam na akong nagbibigay ng serbisyo para turuan ka kung paano maging isang magaling na Script Writer… nyehehehe…

4. Hindi ako makatulog kung may bed sheet ang kama ko.. dapat wala… kung may katabi ako sa kama.. dapat kalahati lang ang lagyan ng bed sheet…

5. I love Arts… pag uwi ko galing Saudi.. pag-aaralan ko muli ang paintings… promise.. magiging painter ako… gusto ko rin matutunan ang wood carving pero pinag iisipan ko pa ang bagay na iyan…

6. Watching Movies ang past time ko… from Pinoy, Indians, Malaysian, Korean, Hollywood.. kahit ano pa yan… Horror, Drama, Romance, Comedy… walang problema… pero masnag-eenjoy ako sa mga pelikulang about Vampires and Zombies.. pinupuna ko ang bawat detalye ng napapanood ko.. pero hindi ako critics…

7. Gusto ko rin matutunan ang Martial Arts… isa rin yan sa mga plano ko… ang mag-sanay ng Taekwondo o Yaw-Yan (Sayaw ng Kamatayan), pwede rin sigurong Boxing.. basta any means of self defends… gusto kong matutunan…

8. I love cars.. nang makapunta lang ako ng Saudi Arabia saka ako nagkahilig dito.. grabe kasi ang kotse dito.. parang laruan lang ng mga anak ng arabo e no… marami akong gusto.. Nissan GT-R (pareho kami ni Jhengpot), Chevrolet Corvette GS, Chevrolet Camaro, Ford Mustang, Chrysler, Audi R8… hayst.. kelan ko kaya mabibili ang mga bagay na yan.. pero kung may una akong bibilhing kotse.. it got to be Honda Accord or Rav 4… wala lang.. mukhang malapit kasi sa katotohanan yan e… no….

9. Applications… mahilig ako sa mga ibat-ibang desktop applications.. such as Adobe Photoshop, Corel Draw, AutoCad, 3D-Max, mahilig din ako sa mga video editing…

10. Gusto kong matutunan kung paano tumugtug ng guitar… may konti na akong alam dito, alam ko na kung paano gawin ang D, G, A, G#.. neyehehehe…

11.I am so much eager to become a millionaire, sobrang nakafocus ang mind ko dyan, sobrang determinado akong yumaman, hindi ako takot sa mga risk maitayo ko lang ang nigosyong pinaplano ko… alam kong kaya ko to… makakaya ko ito at kakayanin ko ito.

First round survive… ahahaha…

2nd round na tayo…. Sagutin ang mga tagged questions na binato sa iyo ng taong walang magawa sa buhay kundi ang ngumanga buong araw… labin-isang katanungan na ginawa ng may akda…. Syempre pa ang logic ng larong ito.. sagutin ang patlang… ahahahaha…. Kapag may tanong…. May sagot… so heto na ang aking mga kasagutan…

Letsdodis….


Mga Tanong mula kay Jhengpot.

1. Anong ibig sabihin ng pangalan mo?

Wala namang ibigsabihin ang pangalan ko… pero kung hahayaan niyo akong bigyan ito ng kahulugan.. sige.. gagawin ko… ALDISHER J.SAMPANG DIWALLAY ang buo kung pangalan… ALDISHER ang pangalang ibinigay sa akin ng ermats ko, gusto kong makilala bilang isang simpleng tao, na may matayog na pangarap, ang gusto kong maging kahulugan ng aking pangalan ay “MABUTING KAIBIGAN” dahil gusto kong makilala ang pangalan ko bilang isang mabuting kaibigan na handang tumulong sa lahat sa abot ng aking makakaya.

2. Kung bibigyan kang pagkakataon pumili ng magiging presidente ng Pilipinas other than PNoy, sino ito at bakit?

Pipiliin ko ang sarili ko… sa isang simpleng dahilan lamang… naniniwala ako sa aking kakayahan, naniniwala ako na ako’y magiging isang mabuti at epektibong Presidente, naks.. pero syempre alam kong hinding-hindi yun mangyayari, dahil wala naman akong planong tumakbo mula Laguna hanggang Batangas, kaya paniguradong si Chiz Escodero ang aking pipiliin bilang pangulo… siya lang ang nakikita kong may mataas na kwalipikasyon sa posisyong ito…

3. Wagas experience mo about love?

Simple lang ang aking karanasan pagdating sa bagay na iyan, nanggaling na ako sa isang serious long term relationship, 8 years to be exact, ginahasa at niluray-luray ng babaeng pinakamamahal ko, pero matapos niya akong pagsawaan, matapos niyang matikman ang aking alindog… iniwan na lang niya ako na para bagang basahan, pinagpalit sa isang lalakeng kelan lamang niya nakilala, kawawa naman ang puso ko. Actually nablog ko na ito dito at dito.

4. Anong kulay ng puso mo ngayon, seryoso, bakit?

PULA… isang MATINGKAD NA PULA… Bagamat dumugo ng bonggang-bonga ang puso ko ng makipag hiwalay sa akin si “MOKONG a.k.a She Who Must Not Be Named” e nakarecover na ito, nakahanda na itong magmahal muli, naghihintay lang ito na makilala ang babaeng muling magpapatibok sa kanya, MATINGKAD NA PULA simisimbolo ng pagkasabik na kiligin muli, maging masaya muli, magmahal at higit sa lahat umibig muli.

5. Sa anong bagay mo maihahalintulad ang sarili mo at bakit?

Diary, Oo Diary.. dahil pwede kang magsumbong sa akin ng lahat ng sama ng loob mo sa buhay, pwede kang magsabi sa akin ng mga sekreto mo at makakaasa ka na walang ibang makakaalam niyan kundi ikaw at ako lamang, I may not be a good adviser but I am definitely a good listener, kaya DIARY ang napili ko.

6. Sinong karass mo, maliban sakin (lol)?

Wala siguro… ewan.. pwedeng Ikaw na lang (Jhengpot).. peksman.. ikaw na lang talaga.. kasi marami tayong pagkakapareho.. pareho tayong mahilig sa ART, nag-eenjoy ako tingnan ang guhit ng ibang tao, masaya na ako kahit na ang gagawin ko lang ay titingnan ang mga yun… may konting alam din ako sa Guitara, kaya kong tugtugin ang intro ng ilang paborito kong kanta,  neyehehehehe.. sabi mo gusto mo rin matutunan ang MAJIKA.. na siyang ehem.. weakness ko… you think I can be your good friend, I think you can be my good friend too, you think I am nice, I think you are nice too, you think I can be trusted, I think you can be trusted too, you think I am cute and I THINK YOU ARE RIGHT… nyehehehe…  yan ang dahilan kaya ikaw na lang ang karass ko…

7. Kung papalitan mo ang pangalan mo, ano ito at bakit?

Di na siguro, ok na ok na ako sa pangalan ko, pero gusto kong palitan ang nickname ko, from AL, gusto kong gawing ALI… wala lang… nagagandahan lang ako… pero ok rin sa akin ang AL… ayos lang… mula pagkabata ko yan na ang tawag sa akin ng lahat ng taong kakilala ko… pero minsan Dith… as in taken from Diether Ocampo.

8. Anong ginagawa mo pag malungkot ka?

Tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin, tinititigan ko ito’t pinagmamasdan, kinakapa, kinakabisa, hinahanap kung saan ang mali at bakit ako malungkot, maya-maya ngingiti ako kahit hindi naman ako nangingiti, tatawa ako kahit di naman ako natatawa, pinipilit ko ang sarili ko na maging masaya, maya-maya matatawa na talaga ako sa aking ginagawa, kasi maiisip ko na heto na naman ako para na naman akong loka-loka, ahahahaha… umaarte na naman ako.. frustrated kasi akong maging ARTISTA e no…

9. Paanong gagawin mo pag nakita mo yung katapat mo sa jeep may nakalabas na kulangot sa ilong?

Nangyari na sa akin ang ganito, yun katapat ko, may kulangot na naka-usli sa ilong, ayun, sinabihan ko siyang.. KUYA MAY KULANGOT KA SA LABAS NG ILONG MO… natawa lang siya… sabay sabing.. kanin yan… ahahahha.. joke… madalas talaga zipper ng pantalon na nakabukas..

10. Gaano ka kasarap magmahal (wagas na wagas)?

MAHIRAP NG MAGSALITA.. pero sige. PAKAPALAN NA ITO…. Minsan sinabi ng isang kaibigan sa akin… astig daw akong magmahal… binibigay ko daw lahat.. tama… kasi kahit buhay ko.. kaya kong ialay para sa babaeng pinakamamahal ko… sweet ako at malambing.. makulit pero thoughtful… mahilig akong idisplay ang iniirog ko sa aking mga kaibigan, kamag-anakan at pamilya… mahilig akong magyabang na ako’y may magandang katipan, mahilig akong mag-appreciate ng mga suot niya, gamit niya at mga ginagawa niya, in short parati ko siyang pinupuri, parati ko siyang sinasabihan na siya’y maganda at sexy… mahilig rin akong bumili ng mga regalo.. mga simpleng regalo lang naman… mahilig rin akong manorpresa.. mga ganong bagay ba… hindi ako istrikto at parati ko siyang sinusupurtahan sa lahat ng kanyang gagawin sa buhay… musingan@gmail.com pakipasa nalang sa akin ang resume niyo kung gusto niyong mag-apply bilang babaeng iibigin ko habang buhay.

11. Ano ang gusto mong itanong sayo ng mga tao?

Lahat ng tanong na pwede niyong itanong sa isang matinong lalake… mga tanong na mahirap at madaling sagutin… kahit anong tanong pa yan… wala naman akong problema e no.. kaya magtanong lang kayo sa akin kung may gusto kayong malaman tungkol sa akin.

(Wagas)…. 3rd round na tayo…

Para naman sa mga tagged question na dapat kung gawin para sa taong pagpapasahan ko ng agimat ni Enteng e este.. pakulong ito… narito ang mga sumusunod..

Wait muna… eheheheh…I’ll try to write this in English because two of my good friends here in Blogsphere are Englesera (you know?)… hmmmp…. Magnonose bleed na naman ako.. pero oks lang… gusto ko kasi silang pasahan nito e… ehehehehe…

Ok here we go.

1. What is your favorite and hated food and why?
2. If you were to sing in front of many people what song would you sing and why?
3. (Fill in the blank) If I could just _________, and why? ....
4. Except from the one you truly love is there’s somebody that makes you feel special?
5. (Fill in the blank again) This 2012 I promise I will ____ and I will not _____, and why?
6. 3 things you regret you did in 2011?
7. 3 things you regret of not doing in 2011?
8. If you could make things right what would it be and why?
9. In your own words… why do you think GOD HAS CREATED YOU?
10. What is love for you?
11. If given a chance to talk to your ex(s), what would say to them and why?

Natapos din… so heto naman ang aking pagpapasahan ng aking mga anting-anting… SEY, PRINCESS MAYEN, MOMMY RAZZ, ESTER YAJE, DIAMOND R (ACRE)… magtatampo ako kapag hindi kayo tumugon sa aking panawagan… hmmmp….

So ayan na po ang aking Eleven Questions…

Salamat sa pagdalaw….




.

10 comments:

  1. Akala ko sinabi mo sa manomg meron siyang nakalabas na kulangot sa tenga niya. Weird! Buti naman bumalik kan a sa pag-ba-blog kaya pag tumakbo ka bilang president, don't worry hidi kita iboboto, hehehe. Magiging milyonaryo ka naman kaya wag ka nang pumasok sa pulitika. Okay. Kapag nagpulitika ka, hindi ko na babasahin ang blog mo, idedelete na kita sa friends list ko. hehehe (Joke). Ayoko lang ma-corrupt and utak mo ng pulitika at corruption.

    Sige dahil tagos sa baga and kagustuhan mong sagutan namin to, kakaririn ko mga sagot ko. Anong gusto mo serious o kalokohan? hehehe.

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  3. Greetings from Spain.
    I am an amateur photographer and public blogs. The photos of my people are in:

    http://zorita01.blogspot.com/

    I hope you'll visit me.

    ReplyDelete
  4. ok dahil natawag akong princess at baka magtampo I will respond to this tag. hehe.. pero wag muna this week ah? kasi kakapost ko lang ganito. Pero promise, I will answer this.

    awww.. I love your name ang cute. guto ko yang may "Sh". natawa ako sarili mo ang pinili mong president buti na lang hindi matutupad.. haha.. joke lang. :)

    ReplyDelete
  5. haha pareho pa tayo halos dun sa isang question, at talagang ibinigay ang email add para sa mga magaapply wahaha =D

    nakakatuwa tong questions noh?astig.

    Mabuhay si Chiz escudero!=D

    ReplyDelete
  6. good luck sa pag selfstudy mo sa script writing....

    ReplyDelete
  7. Ang dami mong gustong pagaralan. Sigi ituloy mo lang yan magandang hangarin sa buhay yan.Dahil mahalaga ka sa akin pagsisikapan kong masagot ang mga tanong na ginawa mo sana masagot ng tama.

    ReplyDelete
  8. mahilig din ako sa maanghang, kasi walang challenge kapag plain lang. hehe.

    Like ko yung diary... vely good! wahehehe

    antawa ko dun sa kulangot. buti hindi kinain ni kuya kasi kanin??? eww!!!

    Tumbling naman ako sa karass mo! lels.

    Andami kong nalaman dito. as in. salamat sa pagpapaunlak sa aking imbitasyon. salamatski ng madami :)

    ReplyDelete
  9. kung ano man yang pinagkakaabalahan mo at di ka makapag update ng blog mo masama yan.nakikinig na lang muna ako ng music mo.yong mga sinusundan kong blog busy busyhan pastela.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...