Friday, October 7, 2011

Laro Tayo (One More Chance Parody)


Sinubukan ko lang paglaruan ang aking kakayahan sa pag-edit ng video, matagal ko na rin ito ginagawa, nagsimula akong matuto nito noong 2007 pa, pero ang gamit ko noon ay Windows Movie Maker, noong 2009 naman eh natutunan ko gamitin ang Sony Vegas Studio, pero sandali lang ako nag-aral noon at di ko na pinagtuunan ng pansin masyado, at ngayon ko lang ulit sinubukang gamitin ito.


Ginawa ko ito bilang lahok sana sa Saranggola BlogAwards, subalit hindi raw ito pwede ilahok ayun sa pamunuan ng nasabing patimpalak, kaya dali-dali ko namang inedit ito ulit at inalis ang parte kung saan eh binanggit ko ang Saranggola Blog Awards sa Video na enedit ko.

Ito ay kwento ng isang lalake na ayaw magbigay daan para sa kasiyahan ng iba, ito ay kwento ng isang lalake na gusto niya siya lang ang bida, ito ay kwento ng isang lalake na iniwan na ng kanyang kalaro, nasaktan, umiyak, lumaban, natalo, nadapa, bumangon, nakahanap ng ibang kalaro, isang kwento na magbibigay aral sa ating lahat.

Samahan niyo po sana akong panoorin ang natatanging video blog ng taon.

LARO TAYO (One More Chance Parody), Starring: John Lloyd Cruz and Bea Alonzo.

All Credits Goes to ABS-CBN and Star Cinema.


Salamat sa panonood.


D”N


1 comment:

  1. ayos to AL- aliw na aliw ako . Galing ng pagkaka dub sabay na sabay.Effort talaga.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...