Monday, May 7, 2012

Bente


Maka 20 Something to 20 Someone na nga rin, pak… una ko itong nabasa kay Bino ng Damuhan… then nabanggit niya na ginawa rin daw ito ni Leah, tapos nakita ko rin ito kay Superjaid, then si Iya_Khin tapos kay Jhengpot… ayun sunod-sunod na, dami na nila e no… kaya naman dahil sa inggitero ako… gumawa na rin ako ng aking sariling bersyon… ayaw ko kasi magpahuli no…

Hmmm…. Teka… paano nga ba ito umpisahan… ay ewan… basta ramdom thoughts na lang gagawin ko…

1. Salamat sa iyo na-inspired akong magpursige sa pagboblog… di mo lang alam..isa ka sa naging dahilan kaya ko sineseryoso ang pagboblog ko.

2. Kamusta kana… sana maayos ka na ngayon.. huwag ka mag-alala hindi ako galit sa iyo.. nagtatampo lang… echuchera ka kasi.

3. O ikaw naman.. it’s been 5 years na a… kamusta ka na… katulad niya… huwag ka rin mag-alala hindi rin ako galit sa iyo… naiinis lang ng konti, ganito lang… yan… kita mo???

4. Marahil nagtataka ka.. bakit bigla akong nanahimik sa blog mo ano.. ikaw ba naman.. makailang dalaw ako sa blog mo at kumento.. tapos ni isang matinong kumento sa sulat ko e hindi mo magawa.. kahit na yung simpleng “nice post” lang.

5. Sinabihan mo akong paksyet noon… sensya na.. di ko kasi nasabing toksyet ka naman… actually kayo.. kayo kasi ang nanggugulo e.. nananahimik ako.. bigla kayong magtetext.. kunwari na wrong sent… puwet mo.

6. Being an asshole is cool man… pero huwag mo pairalin sa akin ang pagiging asshole mo… hindi ako ang mga chikas mo na chachaka nila…

7. Oo.. hindi ako pogi.. pero hindi naman ako siguro sobrang pangit.. tulad ng akala mo… kahit papaano.. nagbibilang din ako ng nakarelasyon ko no…

8. Nakakatawa ka teh… feeling mo talaga no… hayst.. bagamat sinabi kong crush kita e di ko naman sinabing liligawan kita… no ka ba.. huwag kang feeling…

9. Sinabihan mo akong mamamatay na lang ako.. di mo ako papatulan… naitanong mo ba sa sarili mo kung papatulan ba kita? Kahit papaano.. pinipili ko ang babaeng nakakaniig ko no… choosy kaya ako….

10. Hi po sa iyo… kamusta na po ikaw… nais ko lang batiin kayo… yun lang… happy mother’s day pala sa inyo.. natandaan niyo po ba kung papaano niyo husgahan ang pagkatao ko… matapos ang lahat ng kabutihang ginawad ko sa inyo… kung hamakin niyo ako e ganun lang… naman…

11. Kailangan ko ba talagang magkumento sa bawat post mo… para masabi mo na lagi kitang dinadalaw… di ba pwedeng basahin ko na lang… tapos bigyan ng kumento ang mga issuing naisulat mo na nagandahan ako…?

12. Don't worry nagtampo lang ako sa iyo ng isang kilo at kalahati noong hindi mo ako natulungan sa problema ko… I badly needed your help... tapos hmmmp.

13. Uyyy… alam mo mukhang crush kita… the way kasi ng pakikipagchat mo sa akin… sa mga pics mo.. at mga kakulitan mo… mukhang magkakasundo tayo.. like ko yan… ehehehe…

14. Ikaw naman… parati akong dumadayo sa Blog mo no.. hindi na nga lang ako masyadong nagbibigay ng kumento… kahit nga sa Blog Group sa FB… di na rin ako masyadong nagpopost… wololong… ayaw ko lang maging obligasyon natin ang dalawin ang isat-isa… in an open-relationship lang kumbaga

15. Ito kapag nabasa niya ito.. alam kong malalaman niya na siya ang tinutukoy ko… pssst.. Oo ikaw.. ikaw nga ang tinutukoy ko… saan ba pinaglihi yang kamay mo.. at sobrang galing mo humawak ng baraha… baka naman may mabiling kamay na katulad ng kamay mo.. bibili ako… IDOL kasi kita… at alam kong alam mo na yan.. dahil ilang beses ko nang sinabi sa iyo… yahoo… sobra ko na kayong miss… huwaaaa… yung mga korning knock-knock natin… yung mga kulitan natin sa SB… at mga jamming session natin… huwaaa… can’t wait… miss ko na talaga… wait lang kayo sa pagbabalik ko at jamming na tayo ulit…

16. Ehem… nasent ko na sa iyo di ba??? asan na??? naghihintay parin ako…

17. Alam mo bang sobra akong nagtatampo sa iyo… dahil pinaasa mo ako… sobra akong naging tanga para maniwala sa iyo… sa mga sinabi mo… may pa future-future ka pang nalalaman… puweee… dahil sa iyo… natakot na tuloy akong magmahal muli…

18. Ikaw naman… ano ang nangyari sa iyo… bakit bigla kang naglaho… saan ka ba talaga napunta.. bakit ka biglang nagpalit ng numero… nagpalit ka ba.. o sadyang nawala ka na.. basta sabi mo… punta ka na ng Australia… pero pati ba naman sa FB… nawala ka na rin… abay… last 2009 pa ang huling update mo sa status mo a…

19. Noon… umiyak ako sa nangyari sa ating relasyon… ngayon naman… natatawa na lang ako sa tuwing naaalala ko na minahal kita… peksman… mamatay ka man…

20. I’m here…. Sana mahanap mo na ako… narito lang naman ako e… naghihintay sa pagdating mo…



O di ba inggitero lang…



Talamat


6 comments:

  1. di ako makarelate! wala akong maassume! hahaha

    ReplyDelete
  2. pwede with names... gawa ako nito with names talaga.. hahaha

    ReplyDelete
  3. nakakatakot naman yung peksman, mamatay ka man. uuggghhh!!! (tagos) LOL

    ReplyDelete
  4. naku.. wala ba tong cheat sheet? malaman namin kung sinu-sino tinutukoy dito? hehe

    ReplyDelete
  5. hinugot sa kailaliman ng puso. Natawa ako sa comment ni rainbow boxkasi napansin ko rin yang "mamatay ka man"(attitude much)

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...