Sunday, April 10, 2011

Dahil Ako'y Mentalist (Responds sa Video Log ni Iya_Khin)

Kahapon, naglabas si Iya_Khin ng isang nakakalokang Video Log, at talaga namang nakakaLSS ito, hindi ako maka move on-move on sa ginawa niya, dahil hindi ko naintindihan ang kanyang gustong sabihin, at alam kong lahat ng nakapanood ay hindi rin naintindihan kung ano ang gusto niyang ipahiwatig sa atin, eh ginamit ko na ang aking power na kung tawagin ay Mental Telepathy.

As one who practice magic, I have the ability to read minds, and we called it Mentalism, this is the art of reading minds, hindi pa ako ganun kagaling tulad ni tulad nina Justine at Nomer, naks… (Filipino yan!) pero upang patunayan ko sa inyo na meron akong konting alam, ang ginawa ko, dinown-load ko ang Video Log ni Iya_Khin at sinubukan ko kung kaya kong basahin ang laman ng kanyang utak sa panahong ginagawa niya ang kanyang Video Log. 

Ayun na nga, nagawa ko nga, aaminin ko, ito ang unang beses kong ginawa ito na sa Video ko lang siya napapanood, and take note (English po yun kung di niyo napansin), halos dumugo ang ilong ko sa kakabasa sa utak ni Iya_Khin, hindi pala ganun kadali yun.

Pero kahit nagkaganun pa man, “little did I know (Naks! nagamit ko rin ang phrase na yan)” natapos ko na pala ang video at nabasa ko lahat ang laman ng utak niya, parang imposible no? pero totoo, nagawa kong lahat basahin, walang pumaltus, well! As far as  I’m concern I didn’t missed any of her words (Woe!!! Todo English na to..).. pero don’t worry para naman mapatunayan ko na totoo ang sinasabi ko, ito ang video, panoorin niyo.

video 

Oh di ba, sabi ko sa inyo, nabasa ko talaga ang lahat ng laman ng utak niya noong ginagawa niya ang Video Log niya, well, sana nga tama ang basa ko sa message na gusto niyang ipahiwatig.


Yun lang. Salamat


Disclaimer:
Ahahahah… walang kaalam alam si Iya_Khin na pinagpifiestahan ko na pala ang Video Log niya at pinagtitripan nang molestiyahin.


D”N.



-------------------------------------

16 comments:

  1. Saludo na talaga ako sayo mag isip ng Idea AL! Hahaha dame kong tawa..nagising tuloy Nanay ko hahahah! toink pasaway! eh yung satin san na?? Binuksan ko pa Internet Explorer para ma-comment toh...di ko lam kung browser ko yata may problem bakit di ako makapag comment sayo eh..

    ReplyDelete
  2. anong binasa ka jan? wala ka din naman sinabi eh.. haha! walang kwenta nga dw yan sbi ni iya eh..

    ReplyDelete
  3. nakakaloka ka. haha.. lagot ka kay iya. lol. grabeh ang tawa ko lalo na sa pagpapatangos ng ilong at magpapakulot. priceless.. sana lang nagustuhan ni iya ang pag momolestya mo sa vlog nya. hehe..

    ReplyDelete
  4. walang hiya ka AL!!!!!!!kaloka ka! natatae ako sayo!!!!minolestya mo ang vblog ko!!!!!hindi ako ang umutot ikaw yun! hahahahaha! nawindang ang beauty ko sayo!!!!hahahahah!sasakalin kita!!!waaah!

    ReplyDelete
  5. @Kamil: on the process na ang sa atin.. di ko lang kasi matapos tapos ang part ko.. kasi nakakaLSS ka din sa ginawa mo.. ehehhe... pero malapit na...

    @Mommy_Razz: hala.. parang gusto ko na po magtago sa palda ng nanay ko... natakot na tuloy ako at baka ipahunting na ako ni Iya sa hubby niya... huhuhuhu..

    @Mayen: Lagot na talaga ako... nagdadalawang isip nga ako na ilabas ang yan.. kasi kagabi nagpaalam ako sa kanya na sabi ko.. iinsert ko lang vlog niya.. kaso in the middle of my editing.. naboring ako... parang pangit yung una kong gawa... kaya yan na lang.... hindi cool naman yun eh,... ehehhe...

    ReplyDelete
  6. pangalawa ko ng pinapanood ito. nagugulat pa rin ako sa bigalang boses na lumalabas sabay tulo ng luha sa kakatawa.Ang galing mo Al.
    Mamaya showing ito sa room ko. Paliligayahin ko ang mga kasama ko sa room dahil dito.

    Imagine mo yon: video made in UAE at nilapatan ng tunog sa Riyadh. Saan ka pa.Dito lang Sa Pasumangil.

    salamat sa diyos tumangap din ng comment

    ReplyDelete
  7. @Iya_Khin: Peace tayo.. ehehhe.. alam mo bang halos mamula mula ang mga kasama ko sa kakaisip kong ano ba daw ang pinaggagawa mo sa video mo at wala kang nasabi kahit isa... hangang ngayon di sila maka move-on move-on sa iyo... ewan ko na lang kung makita nila mamaya ang ginawa ko naman sa video blog mo... ajajja.. baka babatukan na ako ng mga yun... ikaw kaya ang pinag uusapan namin kagabi.. bago kami matulog... ehehhe.. yung about sa video blog mo na walang kang speech....

    @Mond: naku po... wawa namang video blog ni Iya.. baka iiyak na yan... at talagang showing talaga hah... ehehhe... wala na.. baka mapahunting na talaga ako nito.. dahil sa pinaggagawa ko sa buhay...

    ReplyDelete
  8. hahaha! natawa naman ako don. kainis akala ko naman seryoso XD

    ReplyDelete
  9. waah!!! kaya pala di ako makatulog kagabi!!!! nilantakan nyo na vblog ko! madidiscover na ako nyan!!!!winidang mo na beauty ko! waaah!!!!papasalvage na kita!

    ReplyDelete
  10. ahahahaha..Nice 5 al, sa lahat ng ginawa mo, dito ako or isa ito sa sobrang naentertain ako...hahaha..

    ReplyDelete
  11. @akoni pinagtatawanan mo na ako ngayon!!!!waaaahhhh!!!!

    ReplyDelete
  12. haha kalokohan!

    Good day folk.

    http://arandomshit.blogspot.com/

    ReplyDelete
  13. ahahahha.... napamura na naman ako. super tawa bwiset! kawawang iya.... sa susunod kasi wag ng magpost ng video! ahahaha.... ingat kayo kay Al next time sa mga video nyo... lol

    ReplyDelete
  14. @Iya_khin- di ikaw ang pinagtatawanan ko like ko ang video blog mo kasi pwede pala yong ganon lang. natawa lang ako sa galing ni Al gumawa ng mga dialogue as in swak na swak sa mga galaw.
    Love na kita.

    ReplyDelete
  15. mga guys.. kung ilang araw sa ngayon ay may masamang nangyari sa akin eh.. kayo na po asna ang bahala.. ibig lang sabihin nun.. si Iya_Khin po ang master mind.. huhuhuhu...

    @Kraehe: ang hirap spellingin ng pangalan mo.. eheheh... peace tayo.. huwag kang magalit.. seryoso naman ako dyan.. talagang yan ang nabasa ko sa mind ni iya...

    @Iya: peksman.. di sila maka move on sa ginawa mo.. sabi pa nila kamukha mo daw si Jodi Santa Maria.. ayan.. charing lang yun.. nila.. kaya huwag ka maniwala.. eheheh

    @Akoni: ahahah.. Nice ba.. thanks sa comment.. si iya ang sisihin mo dyan.. siya ang may pakana...

    @Denese: thanks for dropping by my IDOL...

    Leorap: at talagang pinagsabihan mo pa.. naku.. wala na akong mapagtitripan niyan eh.. huhuhuhuh... di Iya.. huwag kang maniwala sa kanya.. mag post kapa.. yung pa cute ulit..

    @Mond: aha.. pinagtatawanan niyo si Iya_Ki=hin.. iiyak na yan.. hala ka...

    lastly.. let me say.. charuzzz...

    ReplyDelete
  16. dahil dito hinding hindi ako magbi-Vblog! Mentalism pala eh di tinakot mo kami. comment ba nababasa mo ang isip ng nagko-comment?

    Dami ko ng panonoorin mamaya, sige walang tulugan ulit. Parang exciting ito eh.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...