Sunday, July 3, 2011

Day 3 - A picture of something you want really badly.


Response to 30 Days Picture Challenge.

Lahat ng bagay sa mundo ay pwede nating asamin, lahat pwede nating pangarapin, kahit yung pinaka imposimbleng bagay ay kaya nating gawin sa ating panaginip, kaya nating lakbayin ang hindi pa nararating ng sinuman, makita ang hindi pa napagmamasdan ng kahit na sino man, maamoy ang halimuyak na walang kapantay, walang limitasyon ang ating sarili sa mundo ng pantasya.
Masasabi ko na halos lahat ng pangangailangan ko sa buhay ay nasa akin na, mapagmahal na magulang, mga masasayahing kapatid, malulusog at masusunuring pamangkin, maaasikasong mga kamaganak, mababait na kaibigan at higit sa lahat malusog na pangangatawan.
Sa buhay ko, marami na akong pinagdaanan, hindi man ito maituturing na matinding kalbaryo sa buhay ko, masasabi ko naman na isang magandang karanasan, maging ito man ay masalimoot masarap paring balikan ng ala-ala upang makapulot ng aral at maipagpatuloy ng maayos ang buhay.
Sa lahat ng aking pinagdaanan, masasabi ko na pinatibay nito ang aking pagkatao at pinalakas ang aking pag-asa na balang araw ay sisikat din ang masayang umaga sa aking harapan, alam ko makakamit ko ang tagumpay na aking minimithi, sa kabila ng lahat ng sakit at sama ng loob na dinanas ko nitong mga nakalipas na taon masasabi ko na nakuha ko na ang payapang kaisipan at ito na lang ang tanging hiling ko sa ngayon ang mapanatili ito sa aking paligid.

Peace of mind like this creek

Peace of mind, this is the things that I long to have, although I already have it but I just want to maintain it inside myself.


"If you are truly at peace, you can do anything."
-         Master Shifu
    Kung Fu Panda 2



Thank you for reading.


D”N


5 comments:

  1. gusto korin nyan ^^. nice post

    ReplyDelete
  2. peace talaga hanap natin lahat.. :))

    ReplyDelete
  3. parang may ganya sa la mesa dam reservoir?. ahahaha... ewan ko lng ah... baka nagiimbento lng ako. :0

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...