Friday, July 8, 2011

Day 8- A picture of a plant/tree/flower


Response to 30 Days Picture Challenge.



Nang mabasa ko ang topic na dapat kong maipost sa araw na ito tungkol sa “30 days Picture Challenge”, ang agad na pumasok sa isip ko ay ang Gumamela Flower, dahil sa ito lang ang tanging bulalak na naitanim namin noong mga bata pa kami na hanggang ngayon ay nabubuhay parin, kung hindi man iyon ang orihinal na naitanim namin noon atleast masasabi ko na iyon lang ang meron kami hanggang ngayon, isipin mo hah… mga edad 8 years old pa ako noon, pero hanggang ngayon meron parin kaming gumamela flower sa maliit naming garden sa harap ng bakuran namin, naubus na lahat ng itinanim ni mother noon at napalitan na ang iba, pero ang gumamela niya ay patuloy paring namamayagpag.

Ito rin ang unang pumasok sa isip ko dahil naaalala ko noong mga bata pa kami eh ginagamit namin iyon para makagawa ng bula ng sabon, didikdikin namin ito saka ihahalo sa sabon saka kami gagawa ng spiral na gamit ang palito o maskilala sa tawag na walis ting-ting saka kami gagawa ng bula, mainam kasi itong gamitin eh, dahil talagang magiging malagkit ang sabon at makakagawa ka talaga ng bula.

Ito rin ang unang naisip ko dahil sa noong bata pa ako eh naaalala ko na napanood ko sa programamang Batibot ang alamat ng gumamela, hinding hindi ko ito makakalimutan, dahil isa sa mga paborito kong segment noon sa batibot ay ang mga alamat ng kung ano anong bagay, isa nga sa mga napanood ko ay ang alamat ng gumamela.



Alamat ng Gumamela.

Noong araw daw, wala pang mabangong amoy ang mga bulalak.
Isang araw!!! humiling ang mga bulaklak na bigyan sila ng bango sa katawan.
Kaya naman sabi ni bathala bibigyan ko kayo ng bango sa araw na ito (sinabi ni bathala ang takdang araw).
Lahat ay nagsaya at lahat ay naghanda.
Liban sa isang bulaklak na pagkatamad tamad at laging natutulog.
Yun ay si Gumamela.
Sabi sa kanya ng ibang bulaklak, “Gumamela hindi kaba maghahanda eh bukas na ang pagbibigay sa atin ng bango ni Bathala”.
“Mamaya na, matutulog pa ako eh… masarap kasi matulog” sagot naman ni Gumamela.
Kaya, nang dumating ang takdang araw, lahat ay nagkakasiyahan na.
Liban sa isang bulalaklak na natutulog parin.
Sumapit na ang hapon ay tulog parin si Gumamela.
“Hay.. sarap matulog” bati ni Bulaklak ng magising siya..
Saka niya naalala ang takdang araw ng pagbibigay ni bathala sa mga bulaklak ng bango.
Kaya naman pumunta siya sa harden para humingi ng bango kay bathala.
Ngunit sa kasawiang palad eh hindi na niya inabutan si Bathala dahil umakyat na ito muli sa langit.
“Tulog ka kasi ng tulog eh.. kaya ayan di mo tuloy inabutan si bathala.” Sabi sa kanya ng ibang bulaklak.

Yan ang dahilan kung balik tanging gumamela lang ang bulaklak na hindi mabango.



Dyan po nagtatapos ang ating kwento mga bata.

Salamat sa pagbabasa.

D”N.



4 comments:

  1. yan ang ginagamit sa paggawa ng paLOBO di ba? bulaklak at dajhon ng gumamela?

    ReplyDelete
  2. oo nga ngayon ko lang naiisip na wala nga siyang amoy.pero maganda ang itsura niya.

    ReplyDelete
  3. hahah naalala ko childhood days ko.. ahhaha

    ReplyDelete
  4. hi Al.. musta? anyway, ginagawa din namin yun dati sabon at gumamella. hehe.. meron din ksi kami nyan dati. ngayon wala na.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...