Friday, June 3, 2011

X-Men: First Class

At last pinalabas na.. super excited na akong mapanood ito, kaso walang sinehan dito sa Saudi, kaya naman kinakailangan ko pang maghintay na maging available siya sa Torrentz… hindi ako mahilig magdowload, pero simula ng mapunta ako sa Saudi eh natuto na ako, kasi ito lang ang way ko na mapanood ang gusto kong panoorin.
Ito na ang ika-apat nilang installation ng franchise na ito, at masasabi ko na kung nagkataon ito lang ang pelikula ng X-Men na hindi ko napanood sa sinehan, excited ako kasi iba ang tema ng pelikula, ito ay ang simula ng lahat, ito ay tungkol sa pagkakakilala ni Prof. Charles Xavier a.k.a. Pro X at ni Erik Lehnsherr  a.k.a Magnito, ito ay tungkol sa kanilang sinumulang laban na nauwi sa pagiging isang mortal na kaaway.



Excited na akong mapanood si Dr. Hank McCoy a.k.a Beast, isa kasi siya sa gusto kong character ng X-Men, aside from this, at kasama na naman dito ang isa rin sa mga hinahangaan kong character ng X-Men, na si Mystique, si Mystique ay isang Shapeshifter, may kakayahan siyang magpalit ng anyo, kasama rin dito si Azazel, isa rin siyang Shapeshifter at may kakayahan ding magteleport. sinasabing siya ang Biological Father ni Kurt Wagner o mas Kilala sa tawag na Nightcrawler, siya ang Mutan sa part two ng X-Men na maykakayahang mag teleport, yung Blue Skin na may Itim na buhok tapos may buntot, naaalala niyo pa ba siya, alam niyo ba kung sino ang kanyang inah? Sino pa eh di ang malanding si Mystique, nagmana si Nightcrawler sa kanyang inah sa itsura pero sa power naman ay nakuha niya lang ang teleport ng kanyang Ama pero hindi ang shapeshifter.

Bukod dito gusto ko rin mapanood ang mga bagong character na kasama nila, at ang mga kwento nila at syempre, tulad nina Sebastian Shaw na maykakayahang magabsorb ng Kinetic Energy and transform it into strength, si Riptide na may magspin ng mabilis, ahhhh basta excited na ako.


Sana mapanood ko na ito.



Yahoo…



Salamat..



D"N



7 comments:

  1. skip read muna. di ko pa napanood.

    ReplyDelete
  2. manonood kami nya sabi ni lablayp!

    ReplyDelete
  3. excited din ako mapanood yan kuya, at tulad mo, idodownload ko lang din sya..hahaha

    ReplyDelete
  4. bro gawa ka account sa Symbianize may mga Download link na ng X-Men saka mga ibang latest movies tingnan mo blog ko makikita mo dun pinoy communtiy ng mga hacker yun enjoy :)

    ReplyDelete
  5. ALLLLLLLL!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! hoisttt namiss kitaaa!! hahahah at puro mga ganyan pa rin usapan dito xa bahay mo.. ako ba di mo na miss? parang hindi...

    ReplyDelete
  6. panonoodin ko ito mea..hehe

    heksayted n me..

    ReplyDelete
  7. love yan ng mga kids ko.. kaya nkakarelate ako ng konti..:)

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...