Monday, July 4, 2011

Day 4 - A picture of a person you would want to be on a deserted island with.



Response to 30 Days Picture Challenge.

Sa buhay natin marami tayong makakasalamuha, sa ayaw at sa gusto natin, maraming tao ang daraan sa atin, yung iba may gagampanang mahalagang papel sa atin, yung iba naman parang extra lang, basta lang nagcross ang landas niyo tapos wala na, yung iba naman, kahit na pilit mong hinahanap at sinusubukang makipag ugnayan eh talagang hindi na pwede.

Magmamahal tayo at mamahalin tayo, masasaktan tayo at makakasakit din tayo ng damdamin ng iba, nabubuhay tayo hindi lang para sa sarili natin, minsan nabubuhay tayo para sa iba, para sa taong mahal natin at nagmamahal sa atin, akala mo lang binabalewala ka nila, pero yung totoo nasasaktan sila kapag nakikita ka nilang nasasaktan rin.

Maraming pagkakataon na ang ibinagay sa atin upang mahanap at makita natin ang taong magmamahal sa atin ng lubusan? Pero di natin siya napansin dahil nabubulag tayo sa kakahanap ng taong mamahalin natin, tanong ko lang alin ba ang mas mahalaga, ang tayo ang magmamahal o tayo ang mamahalin?

Kung mabibigyan ako ng pagkakataon na makasama ang kaisa isang taong matagal ko nang gustong makasama? Kahit pa buhay ko ang maging kapalit nito… papayag ako, pero para ano pa? para saan pa kung masasaktan lang din naman ako, pero masarap ang magmahal, kahit na masaktan ka pa sa huli, dahil nangangahulugan lamang na normal ka at hindi ka bato.

Ito ay para sa kanya na aking MAHAL at MAMAHALIN.
Ito ay para sa kanya na aking SINASAMBA at SASAMBAHIN.
Alam kong magkikita rin tayo.

Siya ang gusto kong makasama hindi lamang sa isang deserted Island kundi maging sa aking pagtanda, siya ang pag aalayan ko ng aking buhay at hininga, lahat ng sa akin ay ibibigay ko sa kanya, isusuko ko lahat mahanap ko lang siya at kapag nahanap ko na siya, isuuko ko ulit lahat maliban sa kanya.

Alam kong matatagpuan ko siya.

Nandyan lang yan siya at tulad ko hinahanap rin ako.
Siya ang babaeng mamahalin ko higit pa kanino pa man.

Marahil nagtataka kayo kong bakit Question Mark ang larawan, ito ay dahil hindi ko pa natatagpuan ang babaeng mamahalin kong muli at pakakasalan.



Pero dahil sa kailangan eh may mailagay talaga akong larawan dito.. eh sige na nga… maglalagay na lang talaga ako.


isa sa mga matagal kong pinapantasya

ang babaeng nagpatibok ng natutulog kong damdamin


Anne Curtis… Yes!!! kung ganayang kaganda ba naman ang makakasama mo sa isang deserted Island… naku.. kahit pa habang buhay na kayo duon manirahan no.
  
Dito kamukhang kamukha talaga siya ni "Lala"


Pero kung hindi naman siya pwede...


Siguro pwede na si.... Jericho Rosales na lang. ehehehehe….

eheheh.. ang Panday ng buhay ko...





Salamat sa pagbabasa.


D”N

4 comments:

  1. ayun! anne curtis smith! buti na lang hindi si angel locsin kasi akin na yun hehhe

    ReplyDelete
  2. akala ko ba si Maja?? bakit biglang si Anne ngayon? ganda ni Anne sa mga pics..

    haha! lumadlad ka ata, bkit si echo na lang kong hnd pwd si Anne? #lol

    'ang babaeng nagpatibok ng natutulog kong damdamin' CHAR..

    ReplyDelete
  3. tulad ni mommy akala ko ba si Maja ang bilis mong magpalit Al.

    di ko pa nagagawa yan dahil meron akong pinagkakaabalahan sa labas.

    magawa ko kaya ito ngayon.

    ReplyDelete
  4. naku si anne pa....tisay na tisay hehehe...

    pwd na din..:)

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...