Wednesday, June 1, 2011

Frustrated sa Friendster

weow!!!!.. super frustrated ako ngayon, una, nalalamangan na ako ng puntos sa pacontest ni Abdul-Hakeem sa kanyang blog na "The Most Interesting Blog Award Contest" grabeh.. piniga ko na lahat ng mga kakilala ko, kaso, talagang ganun, kung di sila boboto eh wala ka talagang magagawa, o baka naman mas maraming kilala yung isa kung kalaban, NAKS!!!

Anyway.. hindi ito tungkol sa pacontest ni Abdul-Hakeem, ito'y tungkol sa Friendster, hay naku, alam mo bang simula ng marinig ko na magsasara na daw ang Friendster ay medyo nalungkot ako, tapos ng mabasa ko na hindi talaga sila magsasara kundi eh gagawin na lang nilang game portal ang kanilang site eh medyo natuwa ako, lalo na ng mabasa ko na magkakaroon sila ng bagong style ng kanilang website eh maslalo akong natuwa.

Aminin niyo na, minsan ay napasaya rin kayo ni Friendster, kaya naman hindi rin maaalis sa akin ang mag-isip at magdasal na sana eh makabawi sila sa kalunus-lunus na pagkatalo kay Facebook, pero, kaninang umaga, I was disappointed with them (echus,english yun), kasi naman, kagabi hindi ko talaga tinulugan ang mga pictures ko hangat di ako nakakasigurado na naexport ko sila sa Multiply Account ko (oppps.. huwag mo nang e-click.. kasi di ko pa yan naseset-up),  tapos naexcite na akong buksan kaninang umaga dahil gusto ko makita ang bagong style ng website nila, tapos ito, wala paring pagbabago, ganun parin, hayst.

Anyway.. bibigyan ko pa sila ng konting panahon, kung hindi eh, good bye na sa kanila at tuluyan ko nang isasara ang friendster account ko kung wala parin silang pagbabagong gagawin sa kanilang website.


So yun lang.. nais ko lang maglabas ng sama ng loob.


Salamat

6 comments:

  1. haha... sa akin medyo ok lang na mawala ang friendster or magiba. nakuha ko na ang kailangan ko sa kanila. So ano transfer mo naman ang mga pics mo multiply?

    Ako kasi nung una nahirapan ako hanapin kung saan napunta eh. Pero nakita ko din eventually. :)

    ReplyDelete
  2. ahahah.. well.. ako po naman ay nalungkot lang... pero oks.. lang... ehehhe... anyway.. Uu natransfer ko na lahat sa multiply ko.. weee... sesave ko nalang paunti unti sa lappy ko ang mga yun.. yahoo...

    ReplyDelete
  3. ako, ilang taon ko ng hnd nabubuksan FS ko, wag ka ng umasa al.. hehe

    ReplyDelete
  4. papaano ba gawin ang pag transfer pwedi pa ba ngayon

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...