Saturday, May 21, 2011

Ring Ring

This one made my day awesome….



KUMIRIRING ang telepono nang madaling araw....



"Hello, Master Carlos? Si Arnaldo po ito, 'yung katiwala niyo sa bahay-bakasyunan niyo."

"O, Mr. Arnaldo, ikaw pala. Ano't napatawag ka? May problema ba?

"Um, napatawag lang po ako para abisuhan kayo na namatay ang alaga niyong parrot."

"Yung parrot kong si Pikoy, patay? 'Yung nanalo sa bird show?"

"Opo, Master Carlos, 'yun na nga po."

"Putris ... sayang! Ang laki pa naman ng nagastos ko sa ibong 'yon. Hay, buhay! Teka, ano nga ba ang ikinamatay niya?"


"E, kumain po kasi ng bulok na karne...."

"Bulok na karne? At sino namang salbaheng tao ang nagpakain sa kanya ng bulok na karne?"

"Www-Wala po. Nanginain po siya ng karne ng isang patay na kabayo."

"Patay na kabayo? Anong patay na kabayo, Mr. Arnaldo?"

"E, 'yu n pung mga thoroughbred horses niyo, Sir. Namatay po kasi lahat sila sa pagod, kahihila ng kariton ng tubig."



"Nasisiraan ka na ba ng bait? Anong kariton ng tubbbiiiiggggg? "

"'Yun pong pinampatay namin ng sunog."

"Diyos ko po! Anong sunog naman 'yang pinagsasasabi mo?"

"'Yun pong halos tumupok sa bahay niyo.... Tumumba po 'yung isang nakasinding kandila, tapos nagliyab 'yung kurtina at mabilis na kumalat ang apoy...."

"Ano? Puuut.... E, may kuryente naman diyan sa bahay-bakasyunan, a. Para saan 'yung kandila?"

"Para sa burol po."

"Ano? Kaninong burol? Deretsohin mo na nga ako"

"Sa nanay n'yo po, Sir. Bigla kasi siya dumating dito nu'ng isang gabi, walang kaabi-abiso. Lampas hatinggabi na. Akala ko po magnanakaw.Binaril ko."

"Ahhh!!! Adik ka ba?"


Bwahahahahahha



Ayan lang…



Thank you for reading.


D”N


7 comments:

  1. Yan ang tamang pagbabalita ng mga kahindik hindi na pangyayari sa buhay. cool na cool saan ka Pa?
    akala ko naman kung sino na ang tumawag dahil madaling araw talaga.

    ReplyDelete
  2. Wait muna ako ng kasama kong tatawa!

    ReplyDelete
  3. adik lang eh... sakit sa bangs! ahahaha

    ReplyDelete
  4. bang! hahahaha adik nga :D

    ReplyDelete
  5. adik lang! bang-bang-bang! sunod wag sasagot ng phone sa madaling araw!

    ReplyDelete
  6. hahaha.. grabe nang kamalasan yan. pero in fairness natawa ako. haha..

    ReplyDelete
  7. haha! parot lang tinawag sa amo.. wat? ang nanay nabaril pero parang cool lang ah..

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...