Tuesday, May 17, 2011

Friendster

Bakit mo ba tinitingnan ang larawan niya?
Bakit mo pa ba binibisita ang profile niya sa Friendster or sa Facebook?
Bakit mo pa ba siya naaalala?




Hindi ako EMO ngayon, pinapangunahan ko na kayo, nagulat lang ako at medyo nagtaka, matagl-tagal na rin kasing hindi ko nakikita ang kanyang larawan at naririnig ang kanyang pangalan, ni bangitin ito hindi ko na rin nagagawa, kasi madalas kung binabangit ko siya sa FB ko or blog  ko it’s always “She who must not be name” ang tawag ko sa kanya or "Mokong" nyaikssss!!!!....

Wala naman akong kaplano-planong buksan ang aking friendster, basta kaninang umaga pagdating ko dito eh naisipan ko lang, siguro dahil namiss ko lang talaga ang account ko, so kanina, pagkabukas ko nacurious ako sa section duon na “Who’s viewed me?” so binisita ko naman siya at Plak!!!!! Nakita ko ang mukha niya, nakangiti at may dalang bottle of beer, parang nang-aakit, packing tape meron akong biglang narinig na kanta mula sa April Boys “Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig, muling pagbigyan ang ating nakaraan”… hay nakuh….

Bakit kaya niya binisita ang aking profile? Sabi ni Akoni sa akin kanina ng tawagan ko siya “kahit ano pa daw ang nangyari sa aming dalawa ay mananatiling may connection kami” bakit? kasi nga daw may past kami” hmmm.. medyo tama siya, gusto kong ilagay ang sarili ko sa sapatos niya, paminsan-minsan rin naman kasi eh naaalala ko pa rin siya, muling bumabalik ang mga ala-ala naming dalawa, mga panahon na kami’y magkasama. Oh well ganun talaga.

Pero pwede rin na kaya niya binisita ang aking Friendster Account eh dahil sa gusto niyang MAKITA ko mula sa section na “Who’s viewed me?” na binisita niya ako at baka sakaling bibisita naman ako sa kanya at makikita ko sa profile niya na may bago na siyang boyfriend… toinks… di ko na kailangan yun no… ewan ko ba, bakit naman kasi ang mga tao eh no, kahit alam na nga nilang wala na kami eh pilit parin kaming pinapakialaman, alam niyo ba na just recently eh nakatangap ako ng message sa FaceBook ko na nagsasabi ng mga bagong detalye about sa kanya at sinabi na meron na daw siyang bagong BoyFriend… hanu va hiyan… eh hanu va hang pakihalam sa kanila di ba? bakit kailangan ko pang malaman, bakit kailangan pa nilang sabihin sa akin? Hay naku.

Anyway… nakabuti naman ang pagpunta ko duon sa Friendster Account ko.. kasi naging curious tuloy ako sa staus ng Friendster over Facebook… at dahil dito ng search ako ng updates about Friendster at nalaman ko na isasara na pala nila ang kanilang social networking service after May 31, bali mawawala na ang social networking service nila, after 9 solid years eh isasara na nila ito at pinapayuhan ang lahat ng taong merong friendster account dito na magsave na ng mga photos at mga kung anong anik-anik na yan.

At plano na nilang gawing online gamings ang friendster at music entertainement, kung saan pwede kang maglaro and at the same time pwede ka ring manood at making ng music, 50% kasi ng users ng Facebook ay ayaw sa online gaming at yun ang target ng Friendster. Hmmmmm… mukhang interesting naman ang plano nila…

Anyway hala magsave na kayo ng mga pinakatago-tago niyong picture sa Friendster at mukhang inaamag na yung mga yun..



That’s it from me I hope you like it.



Tsalan,,,,, 

12 comments:

  1. akala ko closed na ang Friendster.. ilang taon na akong hindi napapadpad don..

    ReplyDelete
  2. may bagong racket ata ang friendster ngayon.pati ako.expire na ata account ko.
    how are u kuya>?

    ReplyDelete
  3. akala ko ako yung MOKONG na sinasabi mo..LOL
    ako 2 years ago ko pa close yung account ko sa FS. Wala kasing wenta. LOL

    ReplyDelete
  4. Buti nmn at naisipan nilang baguhin ang friendster.Para mahingkayat naman nila ang mga tao na magbalik loob sa kanila.
    Call Center Agent

    ReplyDelete
  5. lahat naman ng nagmahal nararanasan yan..basta lagi mo lang ilalagay ang sarili mo sa sapatos niya, pero mag-mask ka..hehe

    kalat na ang balitang iyan about sa friendster, nakakakulangot, este lungkot.

    ReplyDelete
  6. Dati pag may friendster ko sikat. ano ang nangyari sa kanila nalaos.

    nakalimutan ko na yata ang password ko sa FS.

    Ahahaha parang di makapag move on. fresh pa ba ang sugat? or wla lang

    ReplyDelete
  7. hehe.. nabalitaan ko nga din yn kuya.. sasara n nga daw.. soon, baka facebook n? hahaha. wag naman!

    ReplyDelete
  8. hmmm.. tama si akoni forever na kayo may konek. Kasi minsan naging item si musingan at she who must not be named. Pero keber na lang kung na-view ka nya. tinignan mo ba ang date? baka naman 19 kopong kopong pa yun. hehe..

    Nabalitaan ko nga din ang pagsasara ng friendster sa TV patrol at dali dali ko inimport ang pics ko dun sa multiply account. Yung ibang pics ko kasi dun nabura na sa hard drive ko. Sana lang wag magsara ang multiply kasi taguan ko yun ng pictures eh. hehe..

    ReplyDelete
  9. tagal ko nang di binibisita ang friendster hehehe.

    bino

    ReplyDelete
  10. hahaha wala na akong pakialam sa friendster ko.. bahala na siya.. hahaha

    ReplyDelete
  11. buti nalang walang who's viewed me sa FB kundi hulee!! natatamad akong maggrab ng pics ko sa fs..dami kasi eh!

    ReplyDelete
  12. bahala na yung mga pictures dun! kinalimutan ko na mga pictures ko sa Friendster pati inbox, hehehe!

    Galing naman ni Akoni, tama siya kasi once na maging kayo ng isang tao, hindi mo na siya makakalimutan. Yung nararamdaman pwedeng makalimutan pero and tao hindi na dahil naging part sila ng life natin. Good JOb Akoni!

    hehehe! Wag ka na ulit mag-friendster ah! nag-e-emo ka eh!

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...